¤ Chapter 8 ¤ You're my Stalker?!

213K 7.8K 424
                                    

¤ Chapter 8 ¤ You're my Stalker?!

Sophia's POV

"S-sino Yan?!" sigaw ko.

"Alam ko sinusundan mo'ko! Lumabas ka na! Alam ko nandiyan ka!!" sigaw ko pa.

Nang mga nakaraang araw kasi may sumusunod saakin palagi. Hindi ko alam kung sino. Pero kung sino man siya, ang creepy at baduy niya ha! Stalking? Talaga?! Wala na ba siyang maisip na iba? So cliche! Parang yung nababasa ko lang sa wattpad ah?

"Ano ba?! Lalabas ka oh ano?" kunwaring matapang kong sabi, pero inside natatakot talaga ako! Paano kung adik pala ito? Rapist? O worst KILLER?! OMG! Ang ganda ko talaga (a/n: mamamatay ka na nga ano pang pinagsasabi mo =_=)

Tignan mo ang author na ito, pwede ba huwag ka ng sumingit at isulat mo nalang ang buhay ko? Baka mamaya tamarin ka na mamayang konti at hindi mo na tapusin 'to. At oo nga pala, hindi mo pa ako pinapakilala. (a/n: Chapter 8 na hindi ka pa nila kilala? Pwede na yun, as long as alam nila pangalan mo :P)

Hulaan ko, tinatamad ka na naman 'no Ate Jhen? Tamad mo talaga (a/n: no comment ^_^)

Hay naku, huwag niyo nalang pansinin si Ate Jhen...papansin lang talaga siya. Its almost three months narin pala simula nang malaman kong si Lulu at EL ay iisa at simula din nung araw na'yun sinimulan ko na siyang iwasan pero sinasabi ko sa kanya hindi ko siya iniiwasan at busy lang talaga ako.

 Feeling ko kasi baka may mali akong magawa at mapahamak ang mga friends ko. Oo friendS, halos lahat ng tao sa school kilala ako at kaibigan ko na. Pero sa tingin ko kinaibigan lang ako ng iba for popularity.

 Popular kasi si EL eh, siya kasi ang vocalist ng isang sikat na banda (The Wasted Jerks). At dahil akala nila may relasyon kami ni EL naging popular rin ako. Paano ko nasabi?

-FLASHBACK-

*Sa Cafeteria*

"Ang sweet pala ni EL 'no?" bulong nung isa.

"Talagang araw-araw pinapadalhan niya pa si Fia ng lunch?" kinikilig na sabi nung katabi niya.

"At take note ha, pagkain mula sa mamahaling restaurant pa!"

"Naiinggit talaga ako kay ate Fia." sabi naman nang Grade 7 student.

"Tara makibalita tayo sa kanya tungkol sa relationship nila ni Kuya EL." sabi naman nung isa.

Bulung-bulungan ng mga students sa loob ng cafeteria pero obviously hindi sila marunong magbulungan dahil rinig na rinig ko naman.

"Ate Fia!" tawag niya saakin sabay punta sa kinauupuan namin nina Samuel at Ces at ako dahil plastic liningon at nginitian ko siya.

"Bakit?" nakangiti ko pang sabi.

"Kumusta na po kayo ni Kuya EL?" tanong niya.

"Ayos lang," sabi ko nalang.

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko sinabing wala naman talaga kaming relasyon ni EL? Simple lang naman, sinabi ko na kasi 'yan ng isang libong beses sa kanila pero hindi talaga sila naniniwala kaya ngayon yan..no CHOICE ako.

"Alam niyo po 'teh, simula nang lumipat kayo dito lagi ng nakangiti si Kuya EL at hindi na siya masyado nakikipag-away ngayon."nakangiti niyang kwento saakin.

"Talaga?" tanong ko kahit hindi naman ako interesado tungkol kay EL.

"Opo, at sa tingin ko po dahil yon sa gusto niyang huwag kayong magalit sa kanya." nakangiti parin niyang sagot.

"Kumain na ba kayo?" pag-iiba ko ng usapan sa kanila. Naririndi na kasi ako sa kaka-EL nila eh, puro sila EL.

"Hindi pa po, pipila palang po kami mamayang konti." sheepish niyang sabi. 'Hay, sigurado ako hanggang mamaya magtatanong sila tungkol kay EL saakin kaya baka hindi na sila makapila.'

"Heto oh, sainyo na. Bago kasi ako pumasok kumain na ako ng marami kaya tuloy hindi ko maubos yung pinadala ni EL kaya sainyo na oh." nakangiti kong sabi sabay abot ng pagkain.

"Huwag na po, pinadala ni Kuya EL yan para sainyo eh....baka magalit siya." nag-aalangang sabi naman nung kasama nung babae kanina.

"Sige na, ngayon lang naman eh. Tsaka kapag hindi naubos ang pinadala niya sigurado baka lalo siyang magalit saakin. Kaya lang busog na talaga ako eh, kaya sige na ha? Tulungan niyo akong ubusin 'to." nakapout kong sabi at sila naman is tumawa lang. "Hindi ko bagay ang nakapout 'no?" sabi ko

"Sige na nga po ate, kaya po mahal na mahal kayo ni Kuya EL eh. Ang bait bait niyo." nakangiti nilang sabi. 'Anong mahal na mahal? Meron bang ganon? Gusto na nga yata niya akong patayin sa sobrang kabusugan eh.'

"Ano nga pala pangalan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Ako po si Ana at siya naman po si Alice." nakangiting sabi ni Ana. 

"Nice names." sabi ko nalang.

-END OF FLASHBACK-

So yun, oo kasalanan ko kung bakit ako naging popular. Masyado kasi akong plastic at ine-entertain ko lahat ng mga nakikipagkaibigan saakin. Hanggang sa kumalat nang kumalat na mabait ako at halos lahat na ng student naging kaibigan ko. 

Pero teka nga, nanganganib pala ang buhay ko dahil may nangi-stalk saakin ha? (a/n: ngayon mo lang naalala? nanganganib na nga ang buhay mo nagpa-flashback ka pa =_=)

"Lumabas ka na!" sigaw ko.

"Sorry, did I scare you?" tanong saakin nung stalker ko at nung lingonin ko siya nagulat ako.

"EL?!" tanong ko. "You're my stalker?!" hindi makapaniwalang tanong ko. 

'THE MAFIA PRINCE IS MY STALKER?! Anong gagawin ko?!'

- - - - - - - - -

Alam ko masyadong mabilis ang mga pangyayari T.T Pasensya na po.

To be honest, this story started as a joke. I started this story to mess up with my friends back in high school.

Ang original plan ay hanggang chapter 8 lang ito. Yes, hanggang dito sa chapter lang na'to, tapos ay idedelete ko na dapat.

Hindi ko inexpect noon na may magbabasa dito, kaya naman tuwang-tuwa ako noon nang may nag-vote at comment.

I was so happy back then, so happy that I even changed my plan and decided to continue this story.

Alam ko noon na pangit ang naging takbo ng story. Pero sabi ko 'Nah, okay lang yan. Hindi naman ako professional writer kaya maiintindihan yan ng mga makakabasa.'

Silly I know. Hindi ko inakala na dadami ang mga mambabasa ng story na'to.

To cut it short guys, gusto ko lang naman sabihin na pagpasensyahan niyo na po ang story. I am not really proud of it, I was too young when I started it back then kaya naman medyo childish siya.

I want to edit and revise it thoroughly but unfortunately I don't have the time yet to do just that. I am now in my critical year in college, I don't have the luxury of time now so yeah...gusto ko man ibuhos lahat ng oras ko para dito hindi naman pwede T.T

Again, pasensya na po at maraming salamat po sa pagbabasa. God Bless.

Jhen <3










The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon