¤ Chapter 31 ¤ My day
"Grabe, kakainggit ka naman Jane. Buti pa ikaw nakasama mo na si EL!"
"Anong nangyari kahapon sa group date niyo?"
"Hindi parin ako makaget-over sa couple shirt na binili ni EL kay Sophie, so cute!"
Tsismisan ng mga classmates ko.
Grabe, lahat nalang ba ng gagawin ni EL pupurihin nila?
Alam ko na nakakakilig nga yung mga ginawa niya, pero for goodness sake pinapalaki nila masyado.
"Wala kasi kayo kahapon, super nakakakilig sila! Halos himatayin na ako sa kilig." kinikilig na sabi naman ni Jane.
Kung makatsismis pala ang babaeng 'to at ang mga taong 'to parang wala sa tabi nila yung taong pinagtsi-tsismisan nila, ha?
Oo, sa tabi ko sila nagtsi-tsismisan at sa loob ng classroom.
"Bakit anong nangyari?"
"Dali kwento mo na!!"
"Ang hot kahapon ni EL sa isang stall. Para siyang isang action star sa paggamit ng baril kahapon, walang sablay. Lahat ng kasama naming boys kahapon hindi nakakuha ng teddy bear, kahit nakailang try na sila. Hindi ko mabilang sa sobrang dami pero siya limang try naka-limang teddy bear siya. Grabe, napalibutan kami ng mga tao kahapon sa isang stall dahil sa sobrang galing niya!" tsismis pa ni Jane.
"Grabe, sayang wala kami kahapon. Hindi tuloy namin yun nakita."
"Ang galing naman niya."
"Lalo akong naiinlove sa kanya."
"At alam niyo ba? pinagkanta pa niya si Sophie sa restaurant? Grabe ganda ng boses niya. Kinilig ang lahat ng tao sa restaurant sa ginawa ni EL para kay Sophie" tsismis parin ni Jane
"Ang swerte talaga ni Sophie."
"Nakakainggit."
"Sweet."
Hanggang matapos ang klase, wala silang ginawa kung hindi pag-usapan ang nangyari sa group date.
Nakakarinde na mga sila, e! Akala ba nila nakakatuwa yung usapan nila? Nakakainis parin silang lahat.
Mga PLASTIC. Nung hindi ko pa boyfriend si Lulu, parang mayroon akong isang nakakahawang sakit sa pag-iwas saakin. Ngayon naman parang hindi sila mabubuhay kapag hindi nila ako nakikita at pinag-uusapan.
Sorry sila dahil may mga totoong kaibigan na ako.
Kamusta na kaya ang mga gagang 'yon?
Matawagan nga at makamusta sila. Grabe, miss na miss ko na sila. I'll call them via skype.
Inilabas ko yung laptop ko at binuksan yung account ko sa skype.
Nang makita naman nung mga plastic kong classmates yung laptop ko, pinag-usapan na naman ako.
Alam ko mamahalin din yung laptop ko pero lahat nalang ba ng bagay na meron ako kailangan nilang pagtsismisan? Nakakainis, ayoko na ditto.
Sinara ko yung laptop ko at kaagad na inayos ang gamit ko at umuwi muna kila Lulu. I miss them so much.
"Huy gaga ka! Kumusta ka na diyan?" tanong ni Samuel.
"Heto maganda parin naman ako gaga!" sagot ko naman.
"Tignan mo ang babaeng 'to! Ang ayos-ayos ng tanong eh, tapos ginagago mo yung sagot." sabi naman niya.
"Huy gaga ka ang ayos-ayos din nang sagot ko, ah!" pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!
Teen FictionWhat if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anong gagawin mo? Ugh!! I hate my stupid life! Sa dinami-dami ng mga babae bakit ako pa?! Ugh!! I'm so doomed!