¤ Chapter 32 ¤ Ready?
"Good morning, Sophie." sabay-sabay na bati saakin ng mga classmates ko pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom namin.
"Good morning." nakangiti ko ring bati sa kanila.
Tumuloy ako sa aking pwesto at kaagad inayos ang aking gamit. Aktong lalabas na sana ako ng classroom nang biglang may tumawag sa akin.
"Sophie! Saan ka pupunta? Malapit ng magsimula ang klase, oh! Baka ma-late ka kung aalis ka pa ngayon." paalala ni Jane.
Natuwa naman ako kasi mukhang worried talaga siya saakin.
"Huwag kang mag-alala, sandali lang ako. Pupunta lang ako sa comfort room." sabi ko naman.
"Hindi ka pwedeng ma-late mamaya dahil kailangan ka namin sa group work."
Napawi ang sayang nararamdaman ko nang marinig ko iyon.
Mapait akong napangiti. What did you expect, Sophie? Hindi na sila magbabago.
"Mahirap pa naman ang group work mamaya." dugtong pa niya.
I rolled my eyes at her.
Ang sabihin mo walang gagawa ng group work mamaya. Ako lang naman ang gumagawa, e!
Ako ang nagpapakahirap sa paggawa pero pareho lang ang grade na nakukuha namin. Bakit kasi may group work pa!?
"Babalik ako, huwag kayong mag-alala." nasabi ko nalang.
Mabilis ko silang tinalikuran at excited na lumabas ng classroom.
Masayang-masaya akong naglakad palabas ng school. He must be already waiting, I need to hurry up.
Nasa hallway ako nang may narinig akong nagbubulungan. Na-curious ako kaya kaagad kong hinanap kung saan nanggagaling yung mga boses.
Nagdalawang isip ako sa aking gagawin nang malapit na ako sa kinaroroonan nila. Masama ang pakikinig sa usapan ng ibang tao at sigurado akong hindi ko rin magugustuhan kung saakin gagawin iyon.
Aktong aalis na sana ako dahil nakokonsensya ako pero nagbago yun nang makita ko kung sino yung nagbubulungan sa kusina ng school.
Ang tatlong demonyita pala.
Siguro naman alam niyo kung sino ang tinutukoy ko diba? Monique and her colleagues, of course.
What are they doing here?
Whatever it is, I know it has something to do with me.
May pinaplano na naman sila laban saakin.
Maingat akong lumapit sa kanila para hindi nila ako mapansin at para marinig ko yung pinag-uusapan nila.
"So, kailangan lang nating gawin ay ibubod ang substance na'to sa pagkain ni Sophie. Tignan lang natin kung hindi sumakit ang tiyan niya mamaya habang nagka-klase." narinig kong sabi ni Monique.
"Siguradong mapapahiya si Sophie." natatawa pang sabi niya.
Kung ganoon sisimulan niyo na naman palang kumilos para mapahiya ako Monique? Hindi ka pa ba nadadala at natututo? Tsk, tsk, tsk.
Kung ganoon magsisimula na naman pala ang pagpapahirap ko sa kanila?
Well, nami-miss ko narin ang pagpapahirap sa kanila especially my demon...ay! Dearest sister pala.
Kinuha ko ang cellphone ko.
Sa totoo lang nagsasawa na ako sa pagpapahirap sa kanila. Kasi seriously? Paulit-ulit nalang pero hanggang ngayon hindi pa rin sila natututo.
I don't want to do this, but they left me with no choice.
Ayoko ng gawin 'to pero kung hindi ko ito gagawin siguradong ako na naman ang kawawa.
With a sigh, I did what I have to.
"Monique, ayoko na." sabi naman ni Samantha na ikinagulat ko.
"What do you mean? Hahayaan nalang natin na sumaya si Sophie habang tayo naghihirap?" Monique hissed.
"Hindi naman ako naghihirap Monique eh, ikaw lang. At kung naghihirap man tayo hindi mo ba naiisip na kasalanan naman natin yun? At masaya ngayon si Sophie dahil isa siyang mabuting tao. Gusto ko naring sumaya Monique, at alam ko sasaya lang ako kapag malinis na ang konsensya ko." mahina namang sabi ni Samantha.
Napayuko at nalungkot ako sa sinabing iyon ni Samantha. Parang narinig kong nagsalita ay ang bestfriend ko noon. Ang Samantha na minahal ko. Ang Samantha na mabait at tagapagtanggol ko noon.
"Nagawa na natin lahat-lahat ngayon ka pa titigil?! Makinig ka Samantha sisiguraduhin ko na pagsisihan mo itong pag-iwan sa amin sa ere ni Abby!" galit naman na sabi ni Monique.
"Ayoko na talaga Monique, wala na akong pakealam kahit na anong gawin mo saakin. At huwag kang mag-alala nagsisisi na ako ngayon, kung bakit ko iniwan si Sophie noon na tunay kong kaibigan para sa inalok mong kasikatan sa school Monique." sabi pa ni Samantha.
"Tandaan mo ang ginawa mong ito saamin, Samantha! Sisiguraduhin kong pagsisihan mo'to! Maghihirap ka rin gaya ni Sophie." Monique hissed.
Tapos noon nakita ko na si Samantha na papaalis na sa kusina at ako naman dali-daling nagtago sa isang pinto.
Hindi nagtagal nakita ko rin na umalis na sina Monique at Abby sa kusina ng school.
Nang sigurado na ako na malayo na sila, ako naman yung pumasok sa kusina.
Nakita ko yung substance na sinasabi ni Monique sa basurahan.
Hmm...
"Class, heto na yung breakfast niyo. Isa-isa ka yung pumunta sa harapan at kunin ang breakfast niyo. May number naman ang mga ito, alam niyo naman siguro yung mga number niyo diba?" sabi ni ma'am.
Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Ma'am.
Today is Monday and every Monday the school provides breakfast for all the students. We have no choice but to get and eat it.
Hinintay ko yung turn ko na kunin yung 'breakfast ko'.
Nang nakuha ko na, nabigla ako nang may tumulak saakin dahilan kung bakit natapon yung dala kong pagkain.
Nang tignan ko nabigla ako, si Samantha.
"Sorry Sophie."
I looked at her. Ginawa niya ba yun para saakin?
I clenched my fist. Don't be swayed, Sophie.
Just help her too and then continue the plan.
Umakto akong pupulutin yung natapon na 'breakfast ko' kasabay noon tinabig ko din yung kay Samantha.
"Sorry Samantha ha?! Hindi ko sinasadya." sabi ko naman.
Now we are even.
Tapos bumalik ako sa desk ni ma'am at hinulog yung envelope, sabay kuha ng tissue at punas kay Samantha at sa sarili ko.
"Okay lang, Sophie." nakangiti niya namang sabi.
Kaya ayun pinulot namin yung natapon naming 'breakfast' at tinapon sa basurahan. At sabay na umupo sa upuan namin. Habang papunta ako sa upuan ko napansin ko si Monique na nakatingin ng masama kay Samantha.
Nang makuha na ng lahat ang breakfast nila, nagsimula na silang kumain. Pwera lang kami ni Samantha.
Naramdaman kong may nakatingin saakin at nang tignan ko si Monique pala, who is glaring daggers in my direction.
Ako naman nag-smirk lang sa kanya.
Ready Monique? Abby? And classmates?
Kasi mag-uumpisa na ulit ang miserable niyong buhay.
BINABASA MO ANG
The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!
Teen FictionWhat if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anong gagawin mo? Ugh!! I hate my stupid life! Sa dinami-dami ng mga babae bakit ako pa?! Ugh!! I'm so doomed!