¤ Chapter 28 ¤ Sino kaya ang dumating?

169K 4.5K 97
                                    

¤ Chapter 28 ¤ Sino kaya ang dumating?

"Grabe, Sophie ang sweet ni EL!!" sabi ni Yssa na kinikilig pa.

Yssa is one of those people who did nothing to me before. Wala silang ginawa na makakasakit saakin at walang ginawa para tulungan ako.

Sa totoo lang tapos na ang paghihiganti ko sa mga classmates ko. Sapat na sa akin na nakikita kong halos mamatay na sila sa inggit saakin.

Alam ko rin naman na nagawa lang nila akong saktan at husgahan dahil kay Monique. Dahil sa ginawa niyang pagsira at pangbibintang saakin ng mga bagay na hindi ko naman ginawa.

Anim na tao nalang naman ang kailangan kong paghigantihan, e. Si Monique, Jarred, my parents, Abby and Samantha.

Unti-unti na silang naghihirap pero hindi ito sapat para saakin. Sa lahat ng ginawa nila saakin, kulang pa ang nararanasan nila ngayon. Kulang na kulang pa.

"Alam mo bang hindi ka niya iniwan sa ospital noon ni minsan? Kung aalis man siya para lang bumili nang makakain. At alam mo ba na naliligo at natutulog lang siya sa ospital? God! Ngayon palang ako nakakita nang ganoong lalake. He is so loyal and he loves you so much Sophie!" tuglong pa ni Yssa na ikinangiti ko.

I know and I love him so much too.

"Tapos alam mo ba, Sophie? He's such a gentleman! Kitang-kita ko kung gaano niya kagustong patulan yung kambal pero hindi niya ginawa at pinigilan niya ang sarili niya!" sabi pa nung isa sa mga classmate ko.

"Oo, akala ko nga papatulan niya yung kambal eh! But when his parents told him that you're not going to be happy if he will do that, he restrained himself. Bumalik siya sa kinaroroonan mo at hinintay ka lang niya magising!"

"Grabe, alam mo bang halos mamatay ako sa kilig noon?" sabi na naman nung isa.

I smiled at them. Mukhang impress na impress sila kay Lulu, ha?

"At alam mo ba, Sophie? Ayaw ka niya ipahawak sa mga Nurse at Doctor? Sa tingin ko kung alam lang niya yung ginagawa nang mga Doctor siya na yung gagawa eh."

"Oo ayyieeeh. Ang swerte-swerte mo talaga kay EL!" kinikilig na sabi naman nung isa.

"At siya pa pala ang nag-alaga sa'yo dito sa bahay niyo? Grabe and dedication niya sayo."

"Grabe ang swerte mo talaga Sophie kay EL." singit naman ni Abby.

Obviously she's not happy because I have someone like Lulu.

Hindi siya natutuwa dahil ngayon ay may kakampi na ako.

"Oo nga, e. Ikaw kaya kailan ka makakahanap ng tulad ni EL? Makahanap ka kaya? Sana makahanap ka." I said tauntingly but still smiling.

Napasimangot siya sa sinabi ko, obviously hindi siya nasiyahan sa sinabi ko.

Well whatever, wala na akong pakealam sa kanya. Matapos nang narinig ko sa kanila? Hindi ko na sila kaaawaan.

"Nasabi na ba ni Monique yung 'Universal Law at World Order' sa'yo? Kauri mo daw yung makakatuluyan mo. Hindi kaya bulok ang pag-uugali mo, kaya bulok din ang mga nagiging boyfriend mo?" naka-smirk kong sabi sa kanya at siya tinignan lang ako nang masama. "Hey, I'm just kidding. Huwag mo masyado dibdibin ang mga sinasabi ko." nakangisi ko paring sabi.

Si Monique, my favorite sister naman tinitignan lang ako nang masama dahil obviously naiinis siya na ang swerte ko kay Lulu at napunta na naman saamin ni Lulu ang atensyon ng mga kaklase namin.

Nang biglang tumunog ang doorbell.

"Si Jarred na siguro yan. May date kami kasi ngayon, eh." nang-iinggit na sabi niya.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil hindi naman ako affected.

Nasabi ko bang nasa sala kami ngayon at malapit lang kami sa pinto kaya kitang-kita ko kung sino man ang dadating?

Masayang tumakbo si Monique sa pintuan. Excited na excited yata sa date nila ni Jarred.

Nanatili lang ang tingin ko sa pintuan at muntik na akong tumawa ng malakas nang makita ang tao sa labas ng pintuan.

Poor Monique.

Masyado kasi siyang pabida.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon