¤ Chapter 30 ¤ Group date

183K 5K 463
                                    

¤ Chapter 30 ¤ Group Date

Pagdating sa park, hindi magkamayaw ang mga tao sa pagtingin kay Lulu.

"Grabe gwapo naman nung guy, oh!"

"Si EL yan ng The Wasted Jerks! Grabe, ang HOT niya talaga!"

"Yun ba yung girlfriend? Ang sweet naman nila, couple shirt?"

"Teka sino yung mga kasama nila? Dati silang dalawa lang yung nagde-date, ah?"

"Oo nga. Kaibigan ba nila ang mga yan? Napaka-ordinary. Hindi dapat kinakaibigan nila EL yan."

"Pero infairness ang ganda nung girlfriend ni EL ha?! Bagay sila."

"Oo nga eh, ngayon alam ko na kung bakit siya nagustuhan ni EL. Sali tayo sa fansclub nila ha?"

Bulung-bulungan ng mga tao sa paligid. Pagdating namin dito kami na ang nagiging topic ng mga taong nadadaanan namin.

Napabuntong hininga ako. Hay naku, ang mga tao talaga.

"Guys, pasok tayo sa loob ng hunted house!" out of the blue na sabi ni Jane.

At lahat naman sumang-ayon sa suhestiyon niya.

"No!" nagulat kami nang biglang sumigaw si Nate, ang boyfriend ni Samantha.

Napatingin kaming lahat sa kanya. What's his problem?

"Bakit naman, babe? Nakakaexcite kaya yun." sabi naman ni Samantha.

"Baby, do you want to go?" tanong naman ni Lulu sabay stroked sa cheeks ko.

I nodded excitedly. I want to try it.

He smiled when he saw how excited I am. "Then that's settled, we're going in." sabi niya pa.

Aangal pa sana si Nate kaya lang tinignan siya ng masama ni Lulu.

Lulu is silently warning him with his eyes.

"Do you love your girlfriend?" tanong ni Lulu kay Nate.

"Y-yes o-of course" kinakabahang sabi ni Nate dahil siguro nakatingin nang masama sa kanya si Samantha, idagdag mo pa si Lulu.

"Then you will grant all her wishes and give her what she wants." sabi naman ni Lulu.

After that, hindi na nakapalag si Nate at pumasok na kami sa hunted house.

Pagkalabas sa hunted house, hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napahalakhak ng malakas.

Grabe, laughtrip. Hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng hunted house, biglang nahimatay sa takot si Nate. Kaya pala ayaw niyang pumasok, natatakot siya.

Dahil nahimatay siya, binuhat nalang siya ni Lulu para makalabas. Kaagad kaming humanap ng upuan at dali-daling inihiga doon si Nate. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ano ba yan Samantha! Mas matapang pa yata ako sa boyfriend mo!" pang-iinis ni Monique.

"Anong matapang? Kung makapagtago ka nga sa likod ni EL sobra-sobra, dinaig mo pa si Sophie. Natulak ka tuloy." ganting inis naman ni Samantha.

Oo, takot na takot din si Monique. At take note ha? Nagtago siya sa likod ni Lulu at hindi sa boyfriend niya.

Hindi na nga ako makapagtago ng maayos, nakihati pa saakin!

Tinulak ba naman ako para lang makapagtago sa likod ni Lulu!

Sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya saakin, napaupo ako sa sahig. Nakita 'yon ni Lulu kaya naman sa inis niya ay tinulak niya rin si Monique paalis sa pagkakakapit sa kanya.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon