¤ Chapter 11 ¤ Meet my Friends

202K 5.8K 262
                                    

¤ Chapter 11 ¤ Meet my Friends

"Huy gaga, ano 'tong nababalitaan kong kayo na ni EL?" tanong saakin ni Samuel.

"Oo, kami na." pag-amin ko sa kanya.

"Paano nangyari yun Fia? Akala ko ba hindi mo siya gusto?" tanong nila saakin.

"May nalaman kasi ako na nagpabago nang lahat." sabi ko.

"Nalaman?" tanong niya.

"Ano yun? Dali na spill!" sabik na sabi ni Ces.

"Huy gaga ka, may kasalanan ka saamin kaya dapat bumawi ka! Kwento mo lahat ngayon ha?" sabi naman saakin ni Samuel.

"Sige na nga dahil kayo naman ang TRUE friends ko sa school na'to. Pero quiet lang kayo kapag sinabi ko ha?" sabi ko sa kanila at sila tumango lang.

At yun sinimulan ko na ang pagkwento ng LAHAT.

"Gaga ka, bakit hindi mo kaagad sinabi yan. Sana nadamayan ka namin." umiiyak na sabi ni Samuel.

"Ang swerte mo naman talaga kay EL. Huwag mo na siyang papakawalan ha?" sabi naman ni Ces.

"Anong address niyo? Kakalbuhin ko ang Monique na 'yan!" galit na sigaw ni Samuel

"Hindi na kailangan, dahil sa gagawin ko siya mismo ang kakalbo sa buhok niya sa inis niya saakin." naka-smirk kong sabi.

"Gaga ka, ano ang binabalak mo?" tanong niya saakin.

"Sasabihin ko sainyo, kapag natapos na namin ang plano." nakangiti kong sabi.

"Namin?" sabay nilang tanong.

"Oo, kami ng pamilya ni EL." sabi ko.

"Nakilala mo na ang pamilya ni EL? Ang bilis niyo ah." gulat na sabi ni Ces.

"Nakakatakot dad niya 'no?" kinakabahang sabi ni Samuel.

"Nung una, alam mo ba kung gaano ako kakaba nung kausapin niya ako? Halos mapaihi na nga ako sa sobrang takot at yang walang hiyang EL na 'yan iniwan ba naman ako?! At hindi lang yon ha? Tawang-tawa pa siya saakin, nakakainis siya!" sabi ko at sila tumawa lang nang tumawa.

"Alam mo girl? Kahit ano yang balak mong gawin, suportado kita." seryosong sabi saakin ni Samuel.

Oo nga pala nandito kami ngayon sa tambayan naming tatlo. Saan? yung cafe na pinagdalhan ko sa kanila nang nalaman kong si EL at Lulu ay iisa. Oo naging tambayan na namin 'to, tuwing lunch dito kami pumupunta.

"So this is your hangout place every lunch? Not bad."

"Ay! Kabuti ka!" sigaw ko dahil sa sobrang gulat.

Ano ba naman ang lalakeng 'to, kung saan-saan sumusulpot.

"Lulu? Why are you here??" tanong ko sa kanya.

"To see you." sabi niya sabay shrugged.

"Hay, ewan ko sa'yo. Wala ka talagang kwentang kausap. Upo ka na" sabi ko sa kanya.

"Diba yun si EL?"

"Oh god, picturan mo dali!" kinikilig na sabi nang isa

"Ang gwapo niya talaga!"

"Anong ginagawa niya dito?" tanong naman nung isa.

"Yun ba yung girlfriend niya? Ang swerte naman niya!" sabi naman nung isa.

Mga babae talaga. Makakita lang ng gwapo, ihh nakakainis naman oh. At nang tinignan ko naman sina Samuel at Ces parang lalabas na yung mga mata nila sa sobrang pagtingin nila kay EL.

"Lulu, meet my friends." nakangiti kong sabi sa kanya at siya nginitian lang ako. "The gay is Samuel and the err...girl is Princes." pakilala ko.

"Talagang ganoon ang pagpapakilala? Kailangan talaga i-point out na bakla ako?" tanong ni Samuel.

"Nice to meet you. I'm EL." nakangiting sabi naman ni Lulu at ang gagang Samuel halos mamatay na sa kilig. "Thank you for being with Fifi when I'm not with her." dugtong niya pa.

"You're welcome." sabay nilang sabi

"So what do you want to eat?" tanong saakin ni Lulu.

"Kayo anong gusto niyo?" tanong ko naman kina Ces at Samuel.

"Kahit ano lang," sabi naman ni Ces.

"Ako yung basta masarap tapos sila pang-order mo sila nang mga exotic foods. Yung uok, palaka and yung mga kamaro, favorite nila yun eh." nakangiti kong sabi kay Lulu at sina Ces naman is parang namumutla at pinagpawisan sa sinabi ko. Oo nga pala yung cafe nagtitinda din nang mga  lunch and miryenda at ewan ko lang bakit may mga exotic food?

"Gaga kang Princes, a-anong pinagsasabi mong kahit ano lang? Ikaw sige kainin mo yung pritong  palaka, mukha ka namang palaka. Ako Fia gusto ko yung kamukha nung sa'yo." sabi ni Samuel.

"F-Fia, hindi ko favorite ang mga exotic foods. Kamukha din nung sa'yo yung akin ha?" sabi naman ni Ces.

"Huy, ano ba kayo joke lang yun no! Sa tingin niyo papakainin ko kayo non?" sabi ko sabay harap ulit kay Lulu. "Kahit ano lang yung amin, bahala ka na basta yung mukhang masarap ha?" sabi ko kay Lulu at siya nakangiting tumango lang.

Pagkaalis niya tinignan ko sina Ces at Samuel.

"Oh girl, nananaginip ba ako?" tanong niya kay Ces.

"Hindi ko alam." sabi naman ni Ces.

"Para kayong ewan, para yun lang eh." sabi ko.

"Anong yun lang?! Girl nginitian niya ako at hindi lang yon, binili pa niya ako nang makakain! Hindi niya 'to  ginagawa sa kung sino-sino lang!" sabi niya with dreamy eyes pa.

"Gaga kang Fia ka. Alam mo bang halos mamatay ako kanina sa sinabi mong pakakainin mo kami nang mga exotic food?!" sabi saakin ni Samuel

"Bakit kung yun nga ang pina-order ko kay EL, kakainin niyo?" curious kong tanong sa kanya.

"Syempre naman! Minsan lang bumili ng pagkain si EL sa babae at once in a life time chance lang namin 'to tapos hindi pa namin kakainin?" sabi naman ni Ces.

"Hay, ewan ko sainyo." sabi ko nalang.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon