¤ Chapter 26 ¤ I'm not a Liar

177K 4.7K 185
                                    

¤ Chapter 26 ¤ I'm not a Liar

Tumayo na nga kami ni Lulu at sumunod kina Sheryl at Sherly. Biglang nag-excuse si Lulu kasi pinatawag siya ni mommy and daddy. Kaya naiwan nalang kaming tatlo.

"Oh? Bakit ang tahimik niyo naman yatang dalawa? Dati rati naman ang daldal daldal niyo, ah? Bakit umurong na ba ang maduming dila niyo?" nang-iinis kong sabi ko sa kanila. Hindi sila sumagot.

"Balita ko na kick out kayo sa JG Academy at nagawa niyo pang magsinungaling sa parents niyo, ah? Buti na lang nandito si oh-so-good me according to your parents to tell the truth." sabi ko pa pero hindi parin sila nagsalita.

"Pero actually I think it serves you right. Hindi naman talaga kayo baga sa school na iyon, e. JG Academy is for studying...for students. And not for sluts like you who know nothing but sleep around with different guys." pang-iinis ko pa.

Hindi ko sila titigilan hangga't hindi sila nagsasalita. Pero mukhang ayaw parin talaga nilang magsalita.

Siguro kailangan ko pa silang insultuhin. Anyway, nage-enjoy naman ako sa pang-iinis sa kanila kaya okay lang kahit hanggang mamaya ay hindi sila magsalita.

I wouldn't mind at all.

"The principal did a very good job. Wala naman kayong gagawin sa JG Academy kung hindi magkalat ng virus, eh. Ano nga ba yung tawag sa virus na yun?" sabi ko pa at kunwaring nag-isip.

"Oh right! STD's." masaya ko pang sabi.

At hindi na nga napigil ni Sheryl at Sherly ang bibig nila.

"You BITCH!" sigaw ni Sheryl.

"Hindi ka pa ba nadadala hanggang ngayon?! Ngayong boyfriend mo na si EL ang lakas lakas na nang loob mo?! Baka nakakalimutan mo na ang kaya naming gawin sa'yo?! Akala mo ba hindi na namin kayang gawin ang ginawa namin sa'yo noon dahil lang boyfriend mo na si EL?! That's where you're wrong Sophie!! Kayang-kaya ka parin naming itulak sa hagdan nang rooftop gaya nang ginawa namin sa'yo noon! Bakit kasi hindi ka pa namatay, eh! Dapat namatay ka nalang nung itinulak ka namin sa hagdan noon sa JG Academy!!" sigaw ni Sheryl.

Always the hot and short tempered one between the two. The more evil too.

I heard a gasped, and when I looked around I saw a lot of people.

My parents, Jarred, Monique, mommy and daddy nang kambal at ibang guest nang resort.

Gulat na gulat silang lahat dahil sa narinig nila. Hindi naman talaga dapat nila maririnig yun eh, sumigaw sigaw pa kasi sila.

So like I said before ibabalik ko lahat sa kanila ang ginawa nila saakin, doble nga lang.

Kung magaling silang lahat sa pag-arte noon, pasensya sila pero mas magaling ako ngayon. So I acted as if hindi ko alam na sinadya nila ang nangyari noon. Habang ang walang kamalay-malay na kambal hindi parin alam na may audience kami.

"What? Ibig sabihin sinadya niyo yung nangyari noon." bulong ko pero alam ko na narinig nang lahat dahil sa ngayon wala kang maririnig na iba kung hindi ang pag-uusap namin. "How could you?! Wala naman akong ginawang masama sainyo! Paano niyo nagawa iyon? All this time I feel guilty because I accused you noon na itinulak niyo ako which you denied. Ngayon sinasabi niyo na totoo pala iyon?!" arte ko sabay iyak.

Tinignan naman ako nang masama nina Sheryl at Sherly. Alam nila na umaarte lang ako.

"Ang sama-sama niyo!! Naging mabuti naman akong kaibigan sainyo, ha? Kahit na binubully niyo lang ako noon hindi ako nagsumbong kasi alam ko mabait parin kayo. Pero hindi ko akalain na magagawa niyo ito saakin." sabi ko habang umiiyak.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon