¤ Chapter 37 ¤ Sweet
Pagkalabas ko sa school, kaagad akong pumunta sa parking lot at pinaandar ang aking sasakyan.
Nagdrive ako nang nag-drive para gumaan ang loob ko. Kung saan-saan ako napunta pero nagpatuloy lang ako sa pagdrive.
Nabigla nalang ako nang makita ko kung saan ako napunta, sa bahay nila Lulu.
Pumasok ako sa bahay at tangkang pupunta na sana ako sa kwarto nang makita ako ni Lulu.
From a bright smile, his expression changed to an angry look.
"Did someone hurt you?!" galit niyang tanong saakin nang nakalapit na siya saakin.
Sa halip na sumagot, yinakap ko nalang siya.
"Masama ba ako Lulu?" biglang lumabas sa bibig ko.
"NO! You're the kindest person I've ever met. Who told you that sh*t!?" galit niyang tanong at umiling nalang ako bilang sagot.
"Let's go to your room and let's talk about it, okay?" sabi niya pa sabay hila saakin papunta sa kwarto ko.
Pagdating namin sa kwarto ko kaagad niyang ipinasalaysay lahat ng nangyari kanina.
"Bakit ganoon, Lulu? Hindi ba dapat masaya na ako ngayon? Kasi nasusunod na lahat ng plano ko. Pero Lulu hindi ako masaya, eh." pag-amin ko sa kanya.
"That's because you have a good heart. Nasasaktan ka kapag alam mong nakakasakit ka ng ibang tao." Lulu said softly.
"What shall I do now, Lulu?" tanong ko sa kanya.
He sighed. "You need to finish it already. Ayokong nakikita kang nasasaktan. At para makapagsimula ka na ulit, para mawala na ang galit sa puso mo. Tutulungan kitang makapagsimula ulit." he said to me while looking lovingly at me.
I smiled at him. "Tama ka, Lulu."
Kailangan tapusin ko na nga ito. Para makapagmove-on na ako at para sumaya narin ako.
"Nandito lang ako sa tabi mo parati." sabi naman niya sabay halik sa noo ko.
Nang mga oras na'yun alam ko matatapos ko lahat basta nasa tabi ko si Lulu.
"I love you." Sabi pa niya with tenderness in his voice.
Tahimik akong kumakain habang pinagmamasdan ko sina monique at ang parents ko na masayang nagkukwentuhan.
Ang saya-saya nila.
It's as if I'm not existing, parang wala ako sa tabi nilang kumakain.
Can you blame me if I told you I was jealous and envious with how they are? Can you blame me if I wish to have that kind of relationship with them?
Pero alam ko naman na malabo na'yung mangyari. Imposible na yung mangyari kaya mas mabuti kung hindi na ako aasa pa.
Ito yung mga oras na hindi ako nagsisisi sa pagpapahirap sa kanila. This is the only time I can convince myself na tama lang ang ginagawa ko. Ito rin yung oras na nawawala ang guilt saakin.
Is this how they are nung wala ako? Ganito ba sila kasaya?
"Anyway Monique, bakit nga pala kami pinapapunta sa school nang principal niyo?" biglang tanong ni papa that caught my attention.
"Oo nga Monique, what is that all about?" tanong naman ni Mama.
Si Monique naman natigilan dahil sa tanong nila mama at papa.
"Oh let me guess! Ikaw na naman ang top one sa klase niyo 'no?!" excited na tanong ni mama.
"I'm so proud of you Monique!" masaya namang sabi ni papa.

BINABASA MO ANG
The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!
Roman pour AdolescentsWhat if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anong gagawin mo? Ugh!! I hate my stupid life! Sa dinami-dami ng mga babae bakit ako pa?! Ugh!! I'm so doomed!