¤ Chapter 39 ¤
Pahirapan silang lahat.
Yan ang plano ko simula nung magbalik ako. Gusto ko maranasan nilang lahat ang pinaramdam nila saakin. Ang pakiramdam na pagkaisahan ng lahat, pakiramdam na parang mag-isa ka nalang sa mundo, pakiramdam nang walang karamay at kakampi sa buhay, pakiramdam ng walang nag-aalaga at nagmamahal sa'yo.
Akala ko yun talaga ang gusto ko...
Akala ko yun talaga ang dahilan kung bakit ako nagbalik...
Pero narealize ko na niloloko ko lang pala ang sarili ko. I realized deep down in my heart na iba pala ang gusto ko.
Matanggap ng lahat...
Yan pala ang dahilan kung bakit ako bumalik. I wanted to feel the sense of belongingness and acceptance. Gusto ko lang palang patunayan sa sarili ko na karapat-dapat din akong mahalin... na karapat-dapat ako sa pagmamahal na ipinagkait nilang lahat saakin.
Napangiti ako ng mapait.
Gusto ko lang pala ulit mamalimos ng pagmamahal at pagtanggap nila.
Akala ko nagbago na ako, akala ko hindi ko na sila kailangan sa buhay ko, akala ko wala na silang halaga saakin, akala ko... akala ko lang pala ang lahat.
Ako parin pala ang naïve at stupid na Sophia, I'm still the Sophia that craves for their affection. Ako parin pala yung Sophia na nangangarap na makuha ang pagmamahal at atensyon nila.
Ako parin yun... walang nagbago.
Pero ito na ang tamang oras para itigil ang kahibangan ko. Ito na ang tamang oras para itama lahat ng pagkakamali ko. Ito na ang tamang oras para sumuko, para tanggapin na hindi na nila ako matatanggap pa.
Kaya with a long heavy sigh, I clicked 'send'.
Tumingin ako sa harap ng salamin at napangiti. Sandali nalang Sophie, makakapagsimula ka na ulit.. magiging masaya ka narin sa wakas.
Tumayo ako at inilibot ang aking paningin. I'll miss my room that's for sure. Marami din naman akong magagandang ala-ala dito.
Kinuha ko na ang bag ko at pumunta na sa pintuan at bago ko isinara ang pinto inilibot ko ulit ang aking paningin sa kwarto ko. Wala na siguro akong nakalimutan. Pagkatapos isinara ko na ang pinto.
Tumuloy ako sa kusina at umupo na sa isang upuan. Sa mesa bumungad saakin ang napakaraming pagkain.
Pinilit na hanapin ng mga mata ko si yaya Ising. Nakita ko siyang matamang nakatingin saakin, nginitian ko siya.
Si yaya Isang ang tanging nagbigay saakin ng pagmamahal at pag-aalaga. Siya ang naging pamilya ko, karamay at naging sandalan ko sa bahay na'to. Ibinigay niya saakin ang pagmamahal at pang-unawa na dapat natanggap ko sa mga magulang ko, siya ang lahat para sakin. Hinding-hindi ko siya malilimutan kailanman, at habang buhay akong magpapasalamat sa Diyos dahil binigay Niya saakin ang isang tulad ni yaya Ising.
"Mukhang ang sarap ng mga linuto mo yaya ha? Salamat po." nakangiti kong sabi sa kanya. "Mami-miss ko ang luto niyo." bulong ko pa.
Masigla akong kumain at halos maubos ko lahat ng linuto ni yaya saakin na ikinatuwa naman niya.
Bago ako umalis ng bahay, yinakap ko si yaya Ising na ikinabigla niya.
"Yaya payakap lang ha? Maraming salamat po sa lahat-lahat, mahal na mahal po kita." sabi ko habang nakayakap sa kanya.
"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka ha? May problema ka ba?" nag-aalala niyang tanong.
Napangiti ako. Hanngang ngayon hindi parin siya nabago, napakamahahalanin niya parin.
BINABASA MO ANG
The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!
Teen FictionWhat if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anong gagawin mo? Ugh!! I hate my stupid life! Sa dinami-dami ng mga babae bakit ako pa?! Ugh!! I'm so doomed!