¤ Chapter 4 ¤ Step 2
Kaagad kong inalis ang tingin ko sa kanya.
He's so creepy and weird.
Hanggang matapos ang klase ay nakatitig lang siya saakin, ako dedma lang.
Bakit ko siya papansinin? Hindi naman kami close at lalong hindi rin naman kami magkakilala.
Nung matapos ang klase kaagad akong lumabas sa classroom.
Nakakaconcious yung ginagawa niyang pagtitig saakin eh, and he's also scaring the hell out of me !
Bakit ba kasi siya tingin ng tingin?
Alam ko maganda ako, pero ganon ba ako kaganda para titigan buong klase? Oh gosh, haba talaga ng hair ko.
Napailing-iling ako sa iniisip ko.
Kaagad akong tumuloy sa locker ko at kinuha yung mga gamit na kailangan ko sa susunod kong klase. Pagkakuha ko kaagad kong hinanap ang classroom ko.
Nagtataka ba kayo kung bakit sa lahat ng new student, ako lang ang hindi naliligaw? Well simple lang yan, pinag-aralan kong mabuti ang pasikot-sikot nang school na ito sa internet, may website kasi sila nang school eh. Ang cool diba?
Nung nahanap ko na kaagad akong pumasok at umupo sa hulihan ulit.
Ayoko ko nga ng atensyon diba? Nang mag-ring na ang bell kaagad na nagsidatingan na ang mga classmates ko. At gaya nang nangyari sa first class ko, na-special mention na naman ako.
"Miss Sophia Madrigal? Can you please introduce yourself in front of the class?" sabi saakin ni Miss Edna Gonzales teacher ko sa science.
Oo MISS pa siya kahit na matanda na siya. Kapag tinawag mo daw siyang MRS. kailangan mo daw siyang ihanap ng asawa. At yung sa music naman is si Sir Jason something... nakalimutan ko apelyido niya.
At yun pumunta na ako sa harapan at nagpakilala pero ngayon sinigurado ko na naging mabait na ang pagpapakilala ko. Step 2 diba? Sana nga lang hindi na mang-iistorbo si moody seatmate, nainis lang naman kasi ako kanina dahil sa kanya eh.
Sana hindi ko siya classmate sa iba pang mga subject, please Lord?
"Good morning sa inyong lahat. The name is Sophia Madrigal, but you can call me 'Fia'. I'm 17 years old and i can assure you na mabait ako at hindi nangangagat," sabi ko at bigla namang nagtawanan ang mga classmates ko. "If you need anything or if you need help, you can always ask me okay?" dugtong ko pa.
"Miss Madrigal? Saang school ka galing?" tanong saakin ni Ma'am.
"Sa JG Academy po." magalang kong sagot.
"Class may gusto ba kayong itanong kay Miss Madrigal?" tanong niya sa mga classmates ko. Tapos nagtaas ng mga kamay yung mga classmates ko.
" Anong relasyon niyo ni EL?"tanong saakin ng isang babae. 'Who is she talking about?"
"EL? Sino 'yun?" tanong ko sa kanya. Tapos yung mga classmates ko naman is nagbulungan nang nagbulungan. 'Sino ba kasi yun?'
"Hindi mo kilala si EL? Imposible..." sabi pa niya.
"Sorry miss, hindi ko talaga kilala yung sinasabi mong EL eh. Wala akong kilalang EL, sorry talaga." sabi ko with apologetic smile. "Baka nagkakamali lang kayo. Baka napagkamalan niyo lang akong ibang tao." dugtong ko pa.
"Hindi...ikaw talaga yun." sabi niya ulit. 'Ano ba 'yan ang kulit naman ng babaeng 'to. Ano bang hindi niya maintindihan sa sinabi ko?'
"Hindi ko nga talaga siya kilala miss. I swear to God, mamatay man ako ngayon...pero huwag naman sana." sabi ko at bigla namang nagtawanan ang mga classmates ko pati yung nagtanong saakin.
"Sige na nga, kapag ready ka na 'dun nalang kita tatanungin. Kayo na yata ang pinaka-secretive couple na alam ko. Bba ayaw niyo pang ipaalam? Obvious na obvious naman." sabi niya nalang.
'Aba malay ko sa tanong mo. Secretive couple? Single pa ako 'no. Ano ba kasi ang pinagsasabi niya? Ihh kainis naman, ayoko ng ganito. Yung ako na pala ang pinag-uusapan hindi ko pa alam.'
Nginitian ko nalang siya para matapos na. Kahit hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Hindi ko kailangan ng kaaway ngayon, TRUE friends ang kailangan ko.
"Another question class?" tanong ni ma'am at wala nang nagtaas. "Kanina ang dami niyong nakataas ah,bakit wala na ngayon?" nagtatakang tanong ni ma'am
"Yun pong tinanong ni Sara ang tanong din namin eh." biglang sigaw nung babae sa bandang likod. 'So, Sara pala ang pangalan nung babaeng makulit.'
"Sorry talaga classmates," sabi ko na apologetic talaga. Para kasing na-disappoint sila sa sagot ko eh. 'Ano ba kasi yung sinasabi nila? Oh well, malalaman ko din yun.'
"Sige na miss Madrigal, umupo ka na." nakangiting sabi ni Miss Gonzales.
"Thank you po." sabi ko at uupo na sana ako nang bigla akong tawagin ni Sara ulit.
"Fia! Fia na tawag ko sa'yo ha?" sabi niya at ako tumango lang.
"Bakit?" nakangiti kong sagot.
"Basta kapag ready ka ng umamin, ako ang una mong sabihan ah?" hopeful niyang sabi at ako tumango nalang, kahit hindi ko naman alam ang aaminin ko.
At ayun na nga umupo na ako sa upuan ko.
"Psssst," biglang tawag ng katabi ko, pero hindi ko siya tinignan. Bakit? psssst ba pangalan ko? Hindi! So sorry.
"Huy...Fia!" pabulong na sigaw niya saakin at nung tinignan ko siya is ang gwapo niya.
"Gaga ka! Kanina pa kita tinatawag, bingi ka ba?" sabi niya at parang nabroken hearted ako, bakla pala siya?! Type ko pa naman siya kaso parang mas malandi pa siya saakin eh.
"Bakit?" nakangiti kong sabi nang naalis na ang pagkabigla ko.
"Totoo ba ang sinabi mo kanina?" tanong niya saakin.
"Ano yun?" confuse kong tanong. Ano bang sinabi ko kanina?
"Hay gaga ka, makakalimutin ka na. Ang tinutukoy ko yung sinabi mo kaninang hindi mo kilala si EL my loves?" sabi niya saakin.
"Ah yun ba? Oo, hindi ko naman talaga kilala yun eh." honest kong sabi.
"Sinungaling, hindi daw. Huwag ka ng magsinungaling, alam naman namin yung totoo eh." sabi pa niya. 'Eh gaga karin pala eh! Nagtatanong ka tapos nung sinagot kita sinabi mo nagsisinungaling ako? Nagtanong ka pa, hindi mo rin pala ako paniniwalaan.'
"Hindi ko talaga alam ang pinagsasabi mo eh, sorry talaga." sabi ko. "Sino ka nga pala?" tanong ko.
"Oh, hindi pa ako nagpakilala sa'yo?" tanong niya saakin. 'Ang lakas nang loob niyang laitin ako nang makakalimutin, siya rin naman pala' umiling nalang ako.
"Ako nga pala si Samuel Castro, ang diyosa ng kagandahan ng school na ito." pakilala niya nang nakangiti. 'Diyosa ng kagandahan? Ewww!!'
"Nice to meet you." sabi ko nalang nang nakangiti.
"Pwede ba tayong maging friends?" tanong niya saakin.
"Oo naman." sabi ko nang nakangiti at sabay na iniabot ang kamay ko sa kanya para makipag shakehands. "Friends na tayo ah?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman." sagot niya. Step 2 accomplished!
Nakangiti akong tumingin sa harapan para makinig sa mga nagpapakilala.
Nasa kalagitnaan nang pagpapakilala si Sara nang bumukas yung pinto.
BINABASA MO ANG
The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!
Teen FictionWhat if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anong gagawin mo? Ugh!! I hate my stupid life! Sa dinami-dami ng mga babae bakit ako pa?! Ugh!! I'm so doomed!