¤ Chapter 3 ¤ Moody Seatmate

253K 7.4K 897
                                    

¤ Chapter 3 ¤   Moody Seatmate

"Good morning po." bati ko sa babaeng nasa likod ng desk.

"Good morning miss?" sagot naman niya

"Sophia Madrigal po, ako po yung new student." nakangiti kong sabi.

"Oh, you must be here for your schedule and locker key right?" sabi niya nang nakangiti at ako tumango lang.

Pagkatapos kong kinuha yung schedule at locker key  ko kaagad na akong tumuloy sa locker ko at inilagay sa loob ang mga gamit na hindi ko pa gagamitin.

Pagdating ko sa loob ng classroom ko, namangha ako sa nakita ko.

'Wow, ang ganda naman dito' 

Sobrang ganda ng music room nila, talagang para sa mga mayayaman.

Kaagad akong naghanap ng mauupuan.

Umupo ako sa pinakalikod ng classroom dahil ayoko sa atensyon.

  At hindi nagtagal dumating narin ang iba kong classmates.

"Good morning class." nakangiting bungad ng teacher namin pagkapasok na pagkapasok niya sa classroom. 'Pati mga teacher ay mababait? Sana mga students din'

Naguguluhan ba kayo? Nakalipat na kasi ako nang school. Dito sa Hyun University na ako nag-aaral ngayon.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng hospital kaagad akong pinaalis ng magaling kong pamilya at ipinagtabuyan papunta dito.

I live in a dorm now, and today is my first day in school.

"Kumusta ang bakasyon niyo? Nag-enjoy ba kayo?" nakangiti niya pang tanong..., 'hmm...ang gwapo naman niya, napakabata para maging teacher. He looks like an angel.' 

Lahat ng students ay sumagot ng 'oo', sino ba naman ang hindi nage-enjoy sa bakasyon?

"So dahil first day palang ngayon, magsaya nalang muna tayo. I need infront of the class ng isang student to show his/her talent in music. After that one by one will introduce themselves." sabi niya.

 And then a mischievous smile appear on his face. 'O-oh parang may binabalak 'to ha. Binabawi ko na yung sinabi ko na gwapo siya and yung mukha siyang angel, dahil sa ngayon mukha siyang devil. Bakit ba feeling ko para saakin yung nakakaasar na ngiti na'yon. Oh my kinakabahan na ako'

"Class nabalitaan niyo bang may bagong student tayo ngayon? And since bago siya,I decided na siya nalang ang magpapakita ng talento this morning." sabi niya and then searched his things. Para siguro hanapin ang pangalan ko. 

And yung mga students naman is ngiting-ngiti lang dahil siguro hindi sila yung mapapahiya. 'Nice, first day na first day ang malas.'

"Miss Sophia Madrigal? Where are you?" tawag niya nung nakita na niya yung hinahanap niya.

 At dahil tinawag niya ako at hinahanap niya ako tinaas ko yung kamay ko para madali niya akong mahanap. "Oh there you are." sabi niya.

 'Ay hindi! Picture lang ako at nag-iilusyon kalang.' 

"Why are you in the back?" tanong pa niya. 'Pake mo? Eh sa gusto ko sa likod eh.'

At ayun na nga at tumayo na ako at pumunta sa harapan.

"So Miss Madrigal, say something about yourself." sabi niya.

Sasagot na nga sana ako kaya lang may biglang pumasok. At siyempre dahil hindi ako tsismosa hindi ako tumingin. Yung mga tsismosa ko namang mga classmate (oo tsismosa sila, tumingin sila sa dumating eh :P) bigla nalang parang bubuyog na bumulong ng bumulong. At dahil hindi ko na talaga mapigil at kinakain na ako ng curiosity ko, tumingin na ako.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon