¤ Chapter 16 ¤ Ayaw mo di huwag!

189K 5.6K 219
                                    

¤ Chapter 16 ¤ Ayaw mo di huwag!

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang tunog ng bell sa school namin tanda na tapos na ang klase.

Sa wakas natapos din ang pagkahaba-habang araw na ito. Sobrang nakakabagot talaga dito.

Kaagad kong inayos ang mga gamit ko at tumayo na. Palabas na sana ako nang bigla akong tawagin ng mga kaklase kong babae.

"Sophie!" sabay sabay nilang tawag at ako sinuot ko lang ang peke kong ngiti bago humarap sa kanila.

"Bakit?" nakangiti ko pang tanong sa kanila.

"Pupunta rin kami sa inyo, sabay ka na saamin papunta sa parking lot. Diba sabay naman kayo ni Monique? Wala pa daw ang sundo niyo." sabi saakin ni Abby.

"Ah, hindi kami sabay ni Monique. Ayaw na daw niya kasi akong kasama. Hanggang ngayon kasi hindi parin niya ako pinapatawad." kunwaring naiiyak kong sabi at sila masama lang na tumingin kay Monique. At ang walang kamalay-malay na si Monique ay may kausap sa phone haha.

"Ang kapal naman pala ng kapatid mo, siya naman ang nang-agaw dapat nga siya ang humingi sa'yo nang tawad eh."

Yan din ang sinasabi ko dati, pero nakinig ba kayo?

"Oo nga."

"Ang kapal pala talaga niya."

Bulung-bulungan nila. At ako palihim lang na nakangiti. Kawawang Monique.

It's funny how easy it is to fool them.

"Huwag niyong sabihin iyan, kapatid ko parin siya. Kahit hindi pa niya ako pinapatawad mahal ko parin siya, kapatid ko siya eh. Handa akong maghintay hanggang sa mapatawad niya ako, kahit abutin ng ilang taon. " malungkot at naiiyak ko paring sabi.

Ngayon ko lang narealize na ang galing ko palang umarte.

"Aww, ang bait mo naman pala Sophie." sabi nila sabay yakap saakin.

"Guys, nasiraan daw ng gulong yung sundo ko." malungkot na sabi ni Monique.

"Paano na yan Monique? Hindi ko na pinapunta yung sundo ko kasi sabi mo isasabay mo kami?" tanong ni Samantha.

"Pasensya na, hindi ko naman alam na masisiraan kami," sabi naman ni Monique.

"Sabay nalang kayo saakin." nakangiti kong pag-anyaya.

"Sabay kaming magcomute sa'yo? Huwag nalang 'no! Hindi bagay saakin ang magcomute, buti pa sa'yo kasi mukha ka namang pulubi." sabi saakin ni Monique at ako kunwaring naging malungkot. Yung mga classmates ko naman is tinignan lang ng masama si Monique.

"Bakit mo ginaganyan si Sophie?"

"Nagsisisi na nga siya oh!"

"Bakit ang sama mo."

Protesta ng mga classmate ko sa sinabing 'yon ni Monique.

"Sophie, huwag ka ng malungkot ha? Sabay ka nalang saakin." sabi ni Yssa

"Huwag na, pero salamat ha? Dala ko naman yung sasakyan ko, Samantha at Abby kung ayaw ni Monique kayo nalang ang isasabay ko. Yssa si Monique nalang ang isabay mo ha?" kunwaring malungkot kong sabi at sila tinignan lang nila ako na parang isa akong santo sa bait.

"Sasakyan? Paano ka nagkaroon ng sasakyan? Ah, alam ko na bumili ka ng bulok na sasakyan gamit ang maliit mong ipon? Oh kaya naman ibinenta mo ang katawan mo para lang makabili ng sasakyan?" sabi ni Monique sabay ngisi saakin at yung mga classmates ko ay tinignan lang ng masama si Monique.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon