¤ Chapter 14 ¤ Lagot kayo ngayon
"Anak, gumising ka na. Baka ma-late ka sa school kung hindi mo pa dadalian." gising ni yaya saakin mula sa labas ng kwarto ko.
Sa totoo lang kanina pa ako nakagising at sinisigurado na ready na ako sa papasukin ko mamaya. At nag-iipon din ako ng lakas nang loob, sa paghaharap namin ni Monique mamaya.
Hinanap ko yung cellphone ko at tinawagan si Lulu.
"Good morning." bati ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag ko.
"Good morning, how are you? Did something happen?" nag-aalala niyang tanong saakin.
"It's nothing, namiss lang kita." sabi ko sa kanya.
"I miss you too." malungkot niyang sabi saakin. "Ready ka na ba sa gagawin mo?" tanong niya saakin. "Kung ayaw mo na... just say it. Ako na ang magpapahirap sa kanila." sincere niyang sabi saakin.
"Where's the fun in that?" nagbibiro kong tanong sa kanya. "At ano naman ang gagawin mo para pahirapan sila?" curious na tanong ko naman sa kanya.
" Papa-kidnap ko sila and I will torture them, especially your EX boyfriend and your sister." galit naman na sabi niya.
"Grabe ka naman. Lulu, I don't want to hurt them physically. Gusto ko emotionally silang maghihirap." sabi ko.
"Whatever you want, basta take care of yourself okay? " paalala niya saakin.
"I'm too old na, you don't need to remind me." nakangiti kong sabi sa kanya. "Oh, before I forgot. You know the principal of JG Academy, right?" tanong ko sa kanya.
"Yeah, why?" nagtatakang tanong naman niya.
"Sabihin mo mamaya sa kanya sunduin niya ako sa entrance gate ha?" pakiusap ko sa kanya.
"And why is that?" serious niyang tanong.
"Let's just say I need her help," nakangiti kong sabi. "I'll explain to you kapag nagkita tayo, okay?" sabi ko sa kanya.
"Okay, I'll tell her." sabi naman niya.
"Thank you Lulu. I think I need to hung up the phone now. It's time to go to school." malungkot kong sabi sa kanya.
"Eat your breakfast and always take care okay? I love you, you can do it." sabi niya.
Napangiti ako. "I love you too, bye." sabi ko sabay end ko ng call.
"Anak, magbreakfast ka na. Ikaw nalang ang hindi kumakain, nakaalis na silang lahat ikaw nalang ang naiwan." sabi ni yaya.
"Nandyan na po ya," sabi ko sabay labas ng kwarto ko at si yaya naman ay nanlaki na naman ang mata niya . "Ya, ayos lang po ba kayo?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Oo anak, para kasing mas lalo kang gumanda ngayong umaga." sabi na naman niya.
"Nagpalit lang ako ng damit, gumanda na naman ako? Malabo lang po ang mata niyo ya." natatawa kong sabi kay yaya. Nagpalit lang ako ng damit gumanda na agad ako? Wow! Naninibago lang siguro siya, hindi kasi uniform yung suot ko ngayon eh. First day ko palang kaya hindi pa ako required na mag-uniform.
"Ya, favor ulit?" tanong ko sa kanya.
"Ano yun anak?" tanong naman niya.
"Pakipalabas po kay manong Jim yung sasakyan ko at gusto ko ngayong mag-drive papunta sa school, pwease?"pagpapacute ko sa kanya.
"Ikaw talagang bata ka." natatawa niyang sabi.
"Ya, hindi ko ba talaga bagay ang nakapout?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!
Teen FictionWhat if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anong gagawin mo? Ugh!! I hate my stupid life! Sa dinami-dami ng mga babae bakit ako pa?! Ugh!! I'm so doomed!