¤ Chapter 23 ¤ Jarred The Great
"Mayaman ba ang boyfriend mo anak?" halos mabulunan ako nang marinig ko ang tanong ni mama.
I did not expect that.
"Po?" I asked incredolously.
Anong klaseng tanong 'yon?
Sa dinami-dami ng pwedeng itanong bakit iyon pa?
It's been a week since the pageant.
Tinatanong niyo ba kung kamusta na si Monique? Ayun isa parin siyang BITCH at PLASTIC.
Pag-uwi ko sa bahay galing sa pageant, kaagad niyang sinuot ang maskara niya at nagpanggap na mabait. Kunwaring humingi ng 'sorry' para hindi magalit sila mama at papa sa kanya, pagkaalis naman nila binalaan niya ako na gaganti siya saakin.
As if naman na matatakot ako sa kanya.
Ang mga magaling ko namang mga magulang, kaagad siyang pinatawad. Masyado nilang kinakampihan, kaya naman lalong lumalaki ang sungay.
Pagpasok na pagpasok namin sa school, kaagad niyang ipinagkalat na ayos na kami at humingi na siya nang tawad saakin para hindi na magalit sa kanya ang mga tao at para magmukha na naman siyang santo.
Yung mga kaklase ko naman na uto-uto kaagad ding naniwala.
"Tinatanong kita kung mayaman ba ang boyfriend mo?" tanong ulit ni mama sa akin.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at sasagot na sana nang biglang sumingit si Monique.
"No mama, they're not." pagsisinungaling ni Monique.
Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Alam naman ng lahat na mayaman sila, lalong-lalo na yung mga nag-aaral sa Hyun University.
Alam kong alam din 'yon ni Monique dahil crush na crush niya si Lulu. Naikwento niya noon saakin na ideal man niya si Lulu dahil bukod daw sa gwapo at talented ito, mayaman pa.
So bakit sinasabi niya ngayon na hindi mayaman sila Lulu?
Ano na naman bang drama 'to?
"How did you know that Monique? And are you sure?" tanong naman ni mama kay Monique.
"Oh believe me mama, he's not rich. How did I know? It's because I know him and his family." pagsisinungaling niya ulit.
Nang maramdaman ang titig ko sa kanya ay bumaling siya saakin.
Ngumisi siya. "May nakapagsabi saakin noon na isang accountant ang papa niya at ang mama naman niya ay isa lang housewife." tuglong pa niya na hindi inaalis ang tingin saakin.
Grabe, wala akong masabi sa galing niyang magsinungaling.
"So yeah, isa lang silang middle class family. Saktong nakakaraos lang." tapos pa niya.
Napasinghap naman si mama sa kanyang narinig. "Oh my, really?" hindi makapaniwalang sabi ni mama sabay tingin niya saakin.
I looked at Monique, nagsalubong ang aming mga mata. Napakasama ng tingin niya saakin, parang binabantaan ako na kapag sinabi ko ang totoo ay mananagot ako sa kanya.
I raised my brow at her. Really Monique? Sa tingin mo ba masisindak ako sa tingin mo?
"Pero bakit napakagalante naman yata niya? Lalo na yung mama niya, siya pa yung nag-asikaso ng lahat kay Sophie sa pageant. And my god! Yung sinakyan nila sa entrance nang pageant is a limo! So paano nila maa-afford yun kung mahirap sila? Si Jarred nga na mayaman hindi niya na-afford yun, sila pa kaya kung mahirap lang sila?" may pagdududang sabi ni mama.
BINABASA MO ANG
The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!
Teen FictionWhat if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anong gagawin mo? Ugh!! I hate my stupid life! Sa dinami-dami ng mga babae bakit ako pa?! Ugh!! I'm so doomed!