"Believe me, if you love someone so much? You will never mind the pain. Because for you? Everything about him is just beautiful."
|
Veronica Romero
"Sure ka bang mag-papaalam ka pa sa hinayupak na 'yon? Wala naman 'yong pakialam sayo."
"Let's just wait him. Parating na 'yon. Uwian na rin nila oh?" Sabi ko kay Coleen habang nakatingin sa relo ko. Kanina pa sya naiinip kahit na 30 minutes pa lang yata kami naghihintay dito sa parking lot.
"Sigurado ka bang may balak pa 'yon umuwi? Eh baka nga nasa tagong parte na yon ng campus at nakikipag-landia-"
"Here he is." Hindi ko na pinansin si Coleen at lumapit na lang agad ako kay Hunter.
"C-Can I talk to you? Sandali lang naman." Sabi ko habang nakangiti pero tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Why don't you say it here? Hindi naman yata mahalaga." Parang bored na bored na sabi nya sa akin habang nakaakbay doon sa babaeng katabi nya.
"Ahm kasi, magpapaalam lang sana ako kung pweden-"
"Just do whatever you want Veronica." Hindi nya na ako pinatapos at nilampasan na nya ako. Ni hindi man lang ba sya magsayang ng oras na pakinggan ako kahit sandali?
"Oh anong sabi? Bahala ka daw sa buhay mo ano? Sabi ko naman kasi sayo." Sabi ni Coleen na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin dahil nakatanaw parin ako sa malapad na likod ni Hunter.
"Pumayag sya. Sa mansion na tayo dumeretso." Nakangiting sabi ko kay Coleen at hindi na pinansin ang pagtataray nya. Sumakay kami sa motor nya at nag-punta na kami sa mansion. Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng mga guards namin.
"Good evening Ma'am Veronica." Sabi ng guards sa akin at nag-bow pa sila. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa nila. Mas matanda pa sila sa akin pero ako ang tinatrato nila ng ganito.
"Ilang beses ko po ba sasabihin sa inyo na Veronica na lang po ang itatawag nyo sa akin Kuya James?"
"Baka po kasi mapagalitan kami ni Si-"
"Naku hindi po. Nandyan na po ba sila Daddy?"
"Nandyan na po sila sa sala." Sabi nito kaya dumeretso na lang kami ni Coleen sa sala.
"Grabe sobrang yaman nyo talaga. Hanggang ngayon nasshook parin ako sa ganda ng mansion nyo at ang gogood looking ng mga guards nyo huh? Infairnes." Coleen said kaya tinawanan ko na lang sya. As if naman na wala silang mansion.
"Veronica? What are you doing here? Nasaan si Hunter?" Salubong agad sa akin ni Mommy nang makita nya ako. I just hug her and kiss Dad.
"He's not with me Mommy. Mag-oover night po kami ni Coleen dito ngayon."
"Oh hija you're here too. Nice to meet you again." Mom said.
"Nice to meet you din po Tita."
"Eh si Hunter? Bakit hindi nyo sya isinama? Mag-isa sya sa condo nyo Veronica?" Sabi naman ni Dad sa amin.
"Tito sigurado naman po na hindi 'yon magiging mag-isa tonight. I'm sure may kasama 'yon." Salida agad ni Coleen kaya kinurot ko agad sya. Maybe Hunter is so womanizer but he will never bring a girl to our condo except me. Kahit kelan hindi nagdala si Hunter ng babae sa condo dahil regalo 'yon sa amin ng mga magulang namin. At nagpapasalamat parin ako dahil nirerespeto nya parin ang lugar namin.

BINABASA MO ANG
Last Kiss On New year [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang kahit na anong masamang nagawa nya sayo. It looks like, you have an ocean of forgiveness and second chances. Because you as his lover, you will always l...