"It's not about giving her the world. It's about making her feel like she's the only one on it."
|
Veronica Romero
"Woah!!! Is this yours?" Salubong agad sa akin ni Coleen nang i-park ni Kuya Chris ang motor malapit kay Coleen. Hinihintay nya pala ako dito sa parking lot ng school.
"Hmnnn yeah." Kibit balikat na sabi ko sa kanya habang natatawa.
"Kelan pa 'to? Bakit ngayon ko lang 'to nakita? And who's this guy with you? Bagong manliligaw mo?" Taas kilay na sabi ni Coleen kaya hinampas ko sya sa balikat nya.
"Hindi ano ka ba? This is Kuya Chris, he's one of our body guards at inihatid nya lang ako dito." I said with my pouted lips.
"Eh? Edi hindi pa 'to sayo." Pang-aasar sa akin ni Coleen habang natatawa. Lalo akong napasimangot sa kanya saka ko iniabot kay Kuya Chris ang helmet na sinuot ko.
"Sakin 'to pero mahabang kwento. So let's go baka malate na tayo. Thank you for the ride Kuya Chris." Sabi ko at nag-bow lang ito sa akin saka namin sya iniwan sa parking lot.
"By the way, nakita ko si Dean Oviedo kanina, pinapapunta ka nanaman sa faculty room. I'm sure about 'yon sa pageant kaya pumunta ka na."
"As in ngayon na?"
"Ay hindi hindi! Bukas ka pa pupunta."
"Baliw ka talaga. Sige na, sasaglit lang ko sa faculty room." Sabi ko sa kanya at nag-hiwalay na nga kami ng daan dahil magka-iba ang building na pupuntahan namin.
Pag-tapat ko sa may pinto ng faculty room ay bigla akong napatigil. Tama ba ang naririnig ko?
"Yes Dean, I will. Yes of course."
Sumilip ako sa salamin na nasa bandang itaas ng pintuan at halos maabot ng kilay ko ang ceiling nang makita ko si Shaun.
Anong ginagawa ng lalaking ito dito?
"Ms.Romero please come in." Bigla akong napaayos ng tayo ng bigla kong marinig si Dean Oviedo. Mukhang nakita yata nila akong nakasilip dito kaya napipilitan na akong pumasok sa loob. At ngayong nakikita ko ang ngisi nitong lalaking nasa harap ko ay parang gusto ko na lang umalis dito ngayon.
"Ipinapatawag nyo daw po ako?" Magalang na sabi ko kay Dean Oviedo at di ko na lang pinansin si Shaun na nasa harap ko.
Oh shit! I should address him as Kuya. Bakit ba palagi kong nakakalimutan?
"Yes. I'd like you to meet Mr.Shaun McGuire. I believe that you know him already? He's the older brother of Ms.Coleen McGuire which is your friend right?"
"Yes Dean. But what is he doing here?" Magalang na tanong ko kay Dean habang nakatingin kay Kuya Shaun.
"He's going to be your partner for the pageant's activity today. You two will attend on one of our charity beneficiary which is the Angel Smiles Orphanage." Lalo akong naguluhan sa sinabi ni Dean.
Partner? Activity? What is going on here?
"Did I hear it right Dean? Mr.McGuire will be my what? P-Partner? I thought this is a competition?" Naguguluhang tanong ko kay Dean pero tinawanan nya lang ako.
BINABASA MO ANG
Last Kiss On New year [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang kahit na anong masamang nagawa nya sayo. It looks like, you have an ocean of forgiveness and second chances. Because you as his lover, you will always l...