"True love can't be buried because it's deathless. Even you try to forget, your heart will still speak the moment it see the reason of it's every beat."
|
Veronica Romero
Lumipas ang araw, linggo at mga buwan. Tumupad si Hunter sa kasunduan. Hindi ko sya kaylanman nakita, hindi nya ako ginugulo at wala akong kahit na anong naririnig tungkol sa kanya. Parang bigla syang nawala sa mundo ko. It feels like he didn't exist at all. Wala na akong makitang bakas ng isang Hunter Limonov kahit saan ako magpunta. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako doon. Dahil sa bawat araw na dumadaan, palagi ko syang naiisip at kahit iwasan ko kahit saan ako magpunta sya parin ang hinahanap ko. Hindi pala talaga magiging ganon kadali ang lahat. Because I thought I was ready? Nagkamali ba ako?
"Hindi ka ba magsswimming? Come on huwag ka namang magmukmok sa gitna ng bakasyon natin!" Sabi sa akin ni Coleen. Sinagot ko naman sya ng isang iling bago ako tumayo. I think what I need is a walk.
"I'll just take a walk instead." Sabi ko sa kanya at hindi na nya ako napigilan. Nagpunta ako sa may gilid ng dalampasigan habang tinatanaw ko ang malawak na dagat at dinadama ko ang bawat ihip ng hangin. It's already sunset kaya hindi na mainit. Sobrang ganda lang pagmasdan ng paglubog ng araw.
Tuloy lang ako sa paglalakad ko nang bigla akong may maramdaman sa paa ko. Napatigil ako at pagtingin ko doon ay isang stick 'yon. Marahan nyang hinahampas ang paa ko at mukhang pinapakiramdaman nya kung ano ba ang nasa harap nya. Humarap ako sa taong nasa likod ko at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang may ari ng stick na 'yon.
"I'm sorry." Malamig na sabi nito at lalampasan na nya sana ako nang humarang ulit ako sa dadaanan nya kaya nabangga ko ulit ang stick nya.
"I already said sorry. Can you please get out of my way?" Parang naiinis na sabi nya sa akin pero humarang lang ulit ako harapan nya.
Nakatingin lang ako sa kanya habang pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko. At nang ramdam ko na kakawala na sa bibig ko ang hikbi ko ay agad kong tinakpan ng palad ko ang bibig ko. He is not wearing any shades. Basta lang lampas ang tingin nya sa akin at sinasalimpad ng hangin ang ngayong mahaba na nyang buhok. Mas maputla na rin ang kulay ng balat nya ngayon at kita sa katawan nya kung gaano kalaki ang timbang na nawala sa kanya.
"Are you deaf? Get out of my way!" Sigaw na nya sa akin pero hindi ko sya hinayaang makalampas sa akin. Mabilis kong tinawid ang pagitan namin at niyakap sya ng walang pagdadalawang isip.
"It's me H-Hunter." I said to him but I just felt his hands wrapping around my waist. He's still out of words.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka nagkaganito?" Umiiyak na sabi ko sa kanya pero hindi sya umiimik. Kumalas ako mula sa pagkakayakap nya at pinagmasdan sya.
"Anong nangyari sa mga mata mo?" Tanong ko sa kanya pero bumuntong hininga lang sya at inalis nya ang mga palad ko sa pisngi nya.
"It's nice to be bump at you. I need to go." Sabi lang nito sa akin at aalis na sana sya nang pigilan ko sya.
"You're not going anywhere unless you explain everything to me."
"Ano ba ang dapat kong ipaliwanag sayo? Kung bakit ako bulag?"
"Tell me what happened to you!"
BINABASA MO ANG
Last Kiss On New year [COMPLETED]
Fiksi RemajaSabi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang kahit na anong masamang nagawa nya sayo. It looks like, you have an ocean of forgiveness and second chances. Because you as his lover, you will always l...