"It doesn't mean that because you've been with him for so long is you already know him. Sometimes, there are some shadows that only appears on the most unexpected time."
|
Veronica Romero
"Hi Veronica! Going home?" I look at Kevin and smile at him saka ko isinukbit sa balikat ko ang aking bag.
"Yeah. Ikaw?" Sagot ko sa kanya at sumabay naman sya sa akin sa paglalakad.
"Uuwi na rin. Do you need a ride? You know? Same village tayo right?" Mabilis akong umiling sa kanya at binigyan na lang sya ng ngiti bago kami pumasok ng elevator.
"No thanks. Hindi na ako sa mansion umuuwi."
"Ganon ba? So you're living alone? Where do you live now? Pwede naman kitang ihatid?" Isang iling lang ang isinagot ko sa kanya. I'm not that stupid para hindi magets ang mga ikinikilos ng mga lalaking katulad nya. At mukhang kahit na alam nila na fiancé ko si Hunter ay wala silang pakialam. Nagpaparamdam parin sila at isa na doon si Kevin.
"No need. It's out of your way."
"It's fine."
"No. Thank you na lang talaga." Sabi ko sa kanya at sabay kaming lumabas ng elevator.
"Mukhang hindi talaga kita mapipilit? Napaka-swerte naman ni Hunter sayo. You're too loyal." Kakamot kamot na sabi nya sa akin kaya tinawanan ko na lang sya.
"I need to go. Ingat na lang." Sabi ko sa kanya at doon na ako sa gate dumeretso dahil doon ang punta nya sa parking lot dahil nandoon ang sasakyan nya.
Bumuntong hininga na lang ako habang nag-lalakad at dina-dial ang number ni Kuya James.
"Hello? Kuya James? Can you pic- Oh god!" Gulat na sabi ko dahil bigla lang naman humarang sa harap ko ang isang malaking kulay red na motor. Mabilis kong pinatay ang tawag at kunot na kunot noo akong humarap dito sa lalaking humarang sa harap ko.
"Excuse me Sir? But you ar-"
"Sakay na." Sabi nito nang matanggal nya ang helmet nya at iabot 'yon sa akin. Ngayon ko lang napansin ang uniform nya. Nakajacket kasi sya ng itim at hindi ko nakita ang logo sa polo nya. Lalong kumunot ang noo ko nang maalala ko kung sino ang lalaking ito.
"Shaun McGuire? Kuya ni Coleen?"
"You remember me huh? That's great. Here." Ngiting ngiti na sabi nya saka nya iniabot ulit sa akin ang itim nyang helmet pero itinulak ko lang 'yon pabalik sa kanya.
"No thanks. Hindi ako pwedeng sumakay sayo."
"Hindi ka naman sa akin sasakay. Kundi dito sa motor ko." Gusto kong matawa sa joke nya pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Parehas sila ni Coleen. Corny.
"Hindi parin pwede. Pasensya ka na."
"Sayang naman ang ipinaghintay ko ng 2 oras dito sa harap ng University nyo?" Sabi nito kaya parang naguilty ako.
"You waited for me for w-what? For 2 hours?"
"Yes so don't make me embarrass. Ikaw lang ang nakapag-pahintay sa akin ng ganon katagal." Nakangusong sabi nya kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
Last Kiss On New year [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang kahit na anong masamang nagawa nya sayo. It looks like, you have an ocean of forgiveness and second chances. Because you as his lover, you will always l...