TUSOACP | Thirty-two

48 2 0
                                    

"If someone doesn't love you anymore. It is better to let go. Because love was never been selfish. Love is all about choosing someone's happiness than itself."

|

Veronica Romero


"Where are you going hija? We should celebrate this!" Masayang masaya na sabi ni Mommy sa akin dahil nagmamadali ako pagbaba ko ng stage.

"Oo nga naman Veronica! Bakit ka ba nagmamadali umalis?" Sabi naman ni Coleen. Sinagot ko lang naman sila ng ngiti.

"I'm going to see Hunter." Sabi ko habang hindi mapigil ang ngiti ko. I'm sure magiging proud sa akin si Hunter. Nanalo ako kahit first time ko sumali. At alam ko siguro naman mapapasaya ko sya kahit dito. He didn't expect this.

"I'm going to be jealous about Hunter hija. Palagi mo na lang syang inuuna kesa sa amin ng Mommy mo. How about us?" Kunwaring nagtatampo na sabi ni Daddy kaya napatawa na lang ako.

"Dad babalik po agad ako. I'm just going to see Hunter. I'm sure nasa condo po namin sya."

"Yeah I think so. Sabi nya kasi kanina kaya hindi sya sumama sa amin ay masama ang pakiramdam nya." Mommy said. Kaya naman pala hindi sya pumunta.

"Tsk. Masama ang pakiramdam his face." Bulong ni Coleen sa gilid ko kaya nilakihan ko agad sya ng mata.

"Kaya lalo ko po sya dapat puntahan. Don't worry babawi po ako sa inyo. I promise." Sabi ko sa kanila pero napabuntong hininga na lang sila sa akin.

"Okay okay. Ipapahatid ka na lang namin sa driver."

"But how about you and Mom? Saan po kayo sasakay?"

"I'll just call someone to take us home. Don't worry."

"Thanks Dad. Ingat po kayo." Sabi ko saka ko sila binigyan ng kiss sa pisngi nila.

"How about me? Hindi ka man lang ba magpapaalam sa akin?" Tampong sabi ni Coleen kaya napatawa na lang ako.

"I have to go. Babawi na lang din ako sayo." Natatawang sabi ko sa kanya saka ako nagmamadaling umalis doon. Pagkalabas na pagkalabas ko naman ng hotel ay nakita ko na agad ang sasakyan namin na naghihintay sa akin. Nagpahatid naman agad ako sa condo namin ni Hunter at nang makarating ako doon ay hindi ko alam kung paano ko pipindutin ang floor number sa elevator. Excited pero kinakabahan ako.

Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ko ang bulaklak sa braso ko. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay halos lakad takbo akong dumeretso sa unit namin ni Hunter. I type the password at nang bumukas ang pinto noon ay agad kong hinanap ng mata ko si Hunter. But my eyes and lips automatically lost it's smile when I saw what I am exciting to see.

It's Hunter and he's kneeling into someone.

What the hell is going on?

"Will you marry me?" Tanong ni Hunter habang nakaluhod sa harap ni Alexa na ngayon ay walang mapaglagyan ng saya habang nakatingin kay Hunter. Tumango ito kaya isinuot na ni Hunter ang singsing sa kanya and I almost collapse when I saw that. Parang nawalan ng buong hangin ang katawan ko at walang mapaglagyan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ako makahinga at tuluyan nang sunod sunod na bumagsak ang luha ko. Sa sobrang panghihina ay nabitawan ko na ang bulaklak na hawak ko saka lang nila ako napansin na nandito pala ako. At yong excitement na nararamdaman ko kanina ay bigla na lang kinain ng hinanakit at poot dahil sa naabutan ko dito ngayon.

Dito pa talaga sa condo unit namin? Ito lang 'yong lugar na masasabi kong pag-aari naming dalawa but what did he do?

"Hunter, why did you have to go this far?" Basag ang boses na sabi ko sa kanya pero hindi nya man lang ako sinagot. Sa halip ay iniiwas nya pa ang tingin nya sa akin.

Last Kiss On New year [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon