TUSOACP | Twenty-Four

41 2 0
                                    

"It's tough when someone special starts to ignore you. But it's even tougher to pretend that you don't mind."

|

Veronica Romero

"Hey! We're already here. Wake up!" Nagising na lang ako sa pagkalog ng kung sino sa balikat ko. Nakatulog na pala ako sa haba ng byahe.

"Oh! I'm sorry nakatulog pala ako." Sagot ko kay Shaun. Aayusin ko sana ang buhok ko nang maramdaman ko na hawak nya ang kamay ko.

Wait, hindi nya ba binitawan ang kamay ko?

Sa halip na bitawan nya ako ay narinig ko lang ang tawa nya at nalaman ko na lang na sya na mismo ang nag-aayos ng buhok ko. Isinumpit nya ang mga takas kong buhok sa likod ng tenga ko habang nakangiti lang syang nakatingin sa akin. Bigla akong nailang dahil sa ginagawa nya.

"E-Enough. Okay n-na ako." Awkward na sabi ko sa kanya saka ako tumayo pero dahil nasa may bintana ako ay hindi agad ako makalabas. Hawak nya parin ang kamay ko at mukhang wala syang balak na pakawalan 'yon. Pasimple ko 'yong iwinawagwag pero hindi man lang lumuluwag ang pagkakahawak nya.

"Hoy ikaw! Dalhin mo ang mga gamit at sumunod ka sa amin!' Bossy na utos nya doon sa personal body guard ko na sumunod lang naman sa sinabi ni Shaun.

"Let go of my hand Shaun. Baka kung ano nang isipin nila sa atin." Mahinahon na sabi ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin. Hinila na nya ako pababa ng bus.

"I told you, hayaan mo na lang sila." Seryosong sabi nya nang makababa na kami ng bus.

"Attention everyone! Please listen to me first!" Rinig kong sabi ng mukhang staff kaya lumapit kami sa kanya. Nagugutom na ako dahil hindi man lang kami nag-stop over ar deretso ang byahe namin dahil sa mattraffic daw kami. Parang tumutunog na nga ang tyan ko.

"Like what the recent activity, you will have a partner. Kung sino ang partner nyo nong last activity ay 'yon na rin ang partner nyo for this whole activity. So all in all, you are all in 6 groups because you're all 12." Umpisa ng staff.

"Kahit naman ibahin nila ang partners as if naman na papayag ako. Tsk!" Maangas na bulong ni Shaun sa tabi ko kaya siniko ko na lang sya ng palihim.

"Ang bibig mo talaga." I hissed at him pero nginisihan nya lang ako.

"We will have our late lunch on one of the Casa here. And you only have 40 minutes to take your lunch. After that we will see each other again at sabay sabay na tayong mag-yayatch to go to the island. And after that, pagdating natin doon we will have a meeting first so huwag muna kayong kung saan saan pupunta. Did you all get my instructions?" Sabi nong staff kaya sumang-ayon na lang kami sa kanya. Mabuti naman at makaka-kain na kami. I look at my wrist watch and it's already 1:12 pm.

"Are you hungry?" Tanong sa akin ni Shaun at mabilis naman akong tumango sa kanya.

"I brought so many foods for you at the bus kaso natatakot akong gisingin ka."

"Bakit di mo ako ginising? Edi sana di ako gutom." I said with my pouted lips.

"Pwede ka namang bumawi ngayon. Let's go." Sabi nya sa akin at papasok na sana kami doon sa   Casa's Restaurant nang mapatigil ako.

Last Kiss On New year [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon