"Sometimes, all you need is just a true friend who can stay at your side no matter what. So that, pain will stop even just for a moment."
|
Veronica Romero
"Coleen! Hey wake up! Akala ko ba mag-sshopping tayo?" Paggising ko kay Coleen dahil tanghali na tulog pa sya. Mabuti na lang talaga at walang pasok ngayon.
"H-Huh? Ano bang oras na?" Mumukat mukat na tanong nya sa akin. Paano ba kasi hindi sya mapupuyat? Hindi ko sya maawat kagabi kakapanood ng KDRAMA. Sinukuan ko na sya kagabi dahil antok na antok na talaga ako.
"It's already 10 in the morning sleeping beauty. Get up now dahil may lakad tayo diba?"
"I forgot." Natatawang sabi nya sa akin kaya kinurot ko ang pisngi nya.
"Yes you forgot kaya ililibre mo ako ng lunch later as your punishment."
"What? Ang daya mo naman! Sagot ko na nga ang sasakyan tapos ililibre pa kita ng lunch? Baliktad naman yata?"
"You can't say no! Ikaw ang late sa usapan! Kaya sige na magbihis ka na. You can choose whatever you want to wear on my walk in closet. Marami naman akong hindi pa nasusuot dyan kaya ikaw na ang bahala." Sabi ko sa kanya saka ko inayos ang kama ko. Grabe sya matulog dahil halos malaglag na ang comforter ko sa sahig at ang mga unan sa sobrang likot nya matulog.
"Bakit mo nililinis yan? Just let it to the maids. Baka mawalan ng gagawin ang mga maids nyo ang dami pa naman nila." Pabirong sabi ni Coleen sa akin kaya iiling iling na lang akong tumawa sa kanya.
"Bakit ko pa to iaasa sa kanila kung kayang kaya ko namang gawin di ba?"
"You're like a princess here Veronica so you should act like one."
"Ewan ko sayo maligo ka na lang dahil tanghali na. Iinitin tayo masyado. I'll just wait you downstairs okay?" Sabi ko sa kanya pero tinawanan nya muna ako bago sya nagpunta doon sa banyo. Pagkatapos kong linisin ang kama ko ay dumeretso na ako sa sala. Wala na sina Daddy dahil maaga silang umalis kanina papuntang opisina sabi ni Ms.Chacha.
"Do you want anything Lady Veronica?" Tanong sa akin ng maid. Here we go again with their Lady and Ma'am.
"Just Veronica. Yon na lang ang itatawag mo sa akin simula ngayon okay?" Sabi ko kay Sirina. Halos kaedad ko lang sya at anak sya ng mayordoma namin dito sa bahay at sya rin ang personal na maid ko. At sa tagal na ng ilan sa kanila, sawang sawa na ako sa formality na turing nila sa akin. Sa amin.
"Y-Yes Veronica. May ipag-uutos po ba kayo?"
"And that po also get rid of that. And just get me an ice tea. Make it two okay? Magdala ka na rin pala ng masarap na cookies." Nakangiting sabi ko kay Sirina. Umalis naman agad ito at ilang minuto lang ay bumalik na sya dala ang hinihingi ko sa kanya.
"May ipag-uutos ka pa b-ba?" Medyo nahihiya na sabi nya sa akin kaya sumagot na lang ako ng iling sa kanya.
"Just have a seat." Nagugulat naman syang tumingin sa akin.
"H-Hindi pwede."
"Why not? Come on kaya nga dalawang ice tea ang ipinakuha ko dahil para sayo ang isa. And this cookies sayo 'to dahil sa labas naman kami kakain ni Coleen."
BINABASA MO ANG
Last Kiss On New year [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang kahit na anong masamang nagawa nya sayo. It looks like, you have an ocean of forgiveness and second chances. Because you as his lover, you will always l...