"Staying is the only way I know where I can have you. Even it hurts. Even it's killing me."
|
Veronica Romero
"Sure ka bang dito ka matutulog sa condo nyo? Baka mabinat ka sa pag-mumukha ng hinayupak mong fiancé?" Napangiwi na lang ako sa sinabing 'yon ni Coleen.
"Oo sigurado ako kaya sige na umuwi ka na."
"Basta pag may ginawang masama sayo ang lalaking 'yon tawagan mo lang ako huh? Long press mo lang ang 1 mag-dadial na automatic sa akin 'yon okay?" Hindi ko na napigilan na mapatawa sa kanya dahil para namang sasabak ako sa isang misyon kung magbilin pa sya.
"Oo na sige na. Ingat huh? Salamat sa paghatid." Sabi ko sa kanya at nakipag-beso na sa kanya. Parang nagdadalawang isip pa syang sumakay doon sa motor nya kung iiwan nya ba na ako dito but I just raise my thumbs up kaya iiling iling na lang syang umalis. Dumeretso naman na ako papasok ng building at sumakay ng elevator. I look at my wrist watch at napangiti ako doon. Medyo late na rin at siguradong nasa condo na si Hunter. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay excited akong nag-punta sa condo namin. I just swipe the key card at bumukas na 'yon. And I'm not mistaken, I saw Hunter on the sofa and he's doing something. Maybe his homeworks.
"Good evening. Kumain ka na? Should I cook for you?" Masiglang tanong ko sa kanya saka ako tumabi sa kanya sa sofa. He didn't answer kaya sumandal ako sa balikat nya.
"Hunter?" Tawag ko sa kanya pero parang wala syang naririnig."
"Hunter? Kumain ka na b-"
"Hindi ako sumasagot so it means ayaw ko." Sabi nya sa akin kaya napalayo ako sa kanya.
"K-Kung ganon doon na ako sa kwarto. Huwag ka masyadong mag-puyat hu-"
"Huwag mo nga akong pakialaman pwede ba?" Naiinis na sabi nya sa akin kaya hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Kapag talaga sinisigawan nya ako ay gusto ko na lang maiyak pero pinipigilan ko lang. Hindi ako sanay na napapagalitan at hindi ako sinsigawan nina Mommy at Daddy.
"W-Why are you mad at me?" Halos mabasag ang boses na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung tanong ba 'yon sa kung bakit sya galit sa akin ngayon o tanong sa lahat nang galit nya sa akin ngayon. Kung bakit ganito ang pakikitungo nya sa akin at kung bakit nawala 'yong feelings nya sa akin.
Biglaan at wala akong maintindihan kung bakit bigla na lang nagbago ang lahat.
"Dahil napaka-kulit mo!"
"Bakit ba palagi na lang mainit ang ulo mo sa akin? Wala naman akong ginagawang mali sayo di ba?"
"Yon na nga eh! Wala kang ginagawa pero naiinis ako! Ang tagal mong bumitaw Veronica! I never thought na ganito ka kagaling mag-tiis!" Tuluyan nang bumagsak ang luha ko sa sinabi nya. Kung ako ay gumagawa ng paraan para magka-ayos kami sya naman ay inip na inip nang bitawan ko sya.
"Why? Is this because of that girl?" Parang wala sa sarili na tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na tinanggal nya ang salamin nya at tumingin sya sa akin.
"Wala syang kinalaman sa pagka-inis ko sayo Veronica."
"But I saw how you look at her. Alam ko 'yon dahil minsan mo na rin akong tiningnan sa ganong paraan."
BINABASA MO ANG
Last Kiss On New year [COMPLETED]
Novela JuvenilSabi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang kahit na anong masamang nagawa nya sayo. It looks like, you have an ocean of forgiveness and second chances. Because you as his lover, you will always l...