"She love him and he love him. But it's not as easy as like that. Because that becomes my deathless death."
|
Veronica Romero
"A-Aalis ka?" Tanong ko sa kanya habang deretsong nakatingin sa kanya pero nginitian nya lang ako.
"Gusto mo ba akong pigilan?" Balik na tanong nya sa akin kaya hindi ako nakasagot sa kanya.
"Mabuti na lang hindi ako nag-expect. Sige na kumain ka na." Sabi nya sa akin habang ipinaglalagay nya ako ng pagkain sa plato ko. Mukhang masasarap ang pagkain dahil lahat 'yon ay paborito ko pero hindi ko alam kung bakit nawala ang gutom ko.
Tahimik lang kaming kumakain at walang gustong mag-salita sa amin hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi ko rin alam kung nabusog ba ako dahil wala kaming mga imik. Kahit na bawat tapos ko sa isang pagkain ay nilalagyan nya ulit ako. Ni hindi nya ako pinatayo o pinakilos. Todo asikaso sya sa akin kaya lalo akong nahiya sa kanya.
"B-Busog na ako. Masarap ka pala magluto? Kanino mo nalaman na ito ang paborito kong pagkain?" Sabi ko sa kanya para mawala ang awkwardness sa gitna namin.
"Do you really think na meron pa akong hindi alam sayo?"
"Oo nga naman. I forgot, pinaimbestigahan mo nga pala ako." Natatawang sabi ko sa kanya.
"May gusto ka bang gawin?" Biglang tanong nya sa akin habang nililinis nya ang pinagkainan namin.
"Kung sa theme park tayo nagpunta malamang madami tayong magagawa. Ano bang meron dito sa bahay mo?" Sagot ko sa kanya habang iginagala ang paningin ko sa buong bahay nya.
"May arcades ako dito gusto mo maglaro?"
"A-Arcades? Seryoso ka ba dyan?"
"Yeah. Tara?" Nakangiting sabi nya sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya. Sumunod lang ako sa kung saan sya mag-punta hanggang sa makarating kami sa malaking salamin. May parang pindutan doon sa salamin siguro ay lock ng kwarto. Grabe pinapahanga talaga ako ng interior design ng bahay nya.
"Pasok ka." He said kaya pumasok agad ako doon sa kwarto at bumungad agad sa akin ang arcades na sinasabi nya. Kumpleto sya at may claw machine pa. Di ko napigilan na mapatawa dahil doon.
"Claw machine? Seryoso Shaun? Meron ka nyan dito?" Natatawang sabi ko sa kanya pero inirapan nya lang ako saka sya nagderetso sa claw machine na nandoon kaya napatawa lalo ako sa kanya.
"I saw these on movies many times so I thought I need to have some practice on how to do this so I can impress you if we go to a amusement park. Gusto mo ba?" Tanong nya sa akin habang seryosong nakatingin doon sa claw machine at mukhang susubukan nya na ikuha ako. Never kong naimagine na may ganitong side ang isang Shaun McGuire. Wala sa itsura nya ang gagawa ng nga ganitong bagay. Dapat kapag makikita mo ang silver na hikaw sa kanan nyang tenga ay malalaman mo kung gaano sya kabadass. At kahit may dimples sya sa magkabilang pisngi nya ay hindi sya napaamo noon. It makes him more dangerous to look at. At kung gaano sya katangkad? Hindi mo talaga aakalain na mapagtimpi at may playful syang side. Para kasing palagi syang galit at mayabang dahil sa malapad nyang balikat at mayabang nyang tindig. Akala ko noon ay arogante sya at walang alam kundi ang mambugbog.
And I think I was wrong.
"Hey! Alin dito ang gusto mo? I'll get it for you. Come on kahit alin dyan kaya kong kunin." Mayabang na sabi nya habang nilalaro pa ang claw na pangkuha doon sq stuff toys.
BINABASA MO ANG
Last Kiss On New year [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang kahit na anong masamang nagawa nya sayo. It looks like, you have an ocean of forgiveness and second chances. Because you as his lover, you will always l...