"If we can just dictate our hearts, for sure no one will be hurt anymore."
|
Veronica Romero
"Oh my gosh umuulan!" Rinig kong sabi ng mga kasama ko kaya mabilis naming inayos ang mga gamit namin. Nagtakbuhan na rin pauwi ang mga bata at ang ilang mga tao na galing dito.
I look at my wrist watch and it's already 4:51 in the afternoon. Kung kelan pauwi na kami ay doon pa umulan. Gagabihin kami pababa kung nasaan ang sasakyan namin kung hindi agad titigil ang ulan.
I automatically look for Shaun pero hindi ko sya makita. Sa halip ay ang body guard ko ang nakita ko. Nandoon parin sya sa may kubo dahil umuulan. Mukhang hindi sya umalis doon buong oras.
"Nasaan na ba si Shaun?" I said to myself dahil di ko nanaman sya makita.
"If your looking for Shaun, nandoon sya sa may likod. I saw him there with the other representatives. Mukhang may inaayos silang bahay kanina."
"H-Huh? Bahay?"
"Yeah. Hindi ko nga alam kung kaylangan pa nilang gawin 'yon. I thought medical mission ito." Iritableng sabi nya sa akin. I don't know her name but I'm sure that she is one of the representatives.
"If I just know na ganito ang magiging project at activity ng FU sana di na lang ako sumali. Nakakainis!" Nagrereklamong sabi nya habang pinupunasan ang braso nya ng tissue. Hindi na lang ako nag-salita dahil mas iniisip ko ang ulan. Palakas pa ito ng palakas at dumidilim na rin. Mukhang hindi agad ito titila.
I look for my phone at tatawagan ko sana si Shaun pero napapikit lang ako ng mariin nang maalala ko na wala nga pala ditong signal.
Wala na nga kaming nagawa kundi ang maghintay na lang na tumila dahil kung susugod kami ay mababasa talaga kami at baka magkasakit lang kami.Inip na inip naman ako habang hinihintay ko na tumila ang ulan. It's already 5:36 pm. Gumagabi na pero umuulan parin.
"I can't stay here anymore. Gusto ko nang bumalik sa villa!" Reklamo ng iba.
"Me too! I'm so cold and we're already wet!"
"We can't run on the rain kaya maghintay na lang tayo dito." The staff said pero mukhang naiinis na ang mga anak mayaman na kasama ko. Well, hindi ko sila masisisi. Nilalamig na rin ako at puno na ng putik ang sapatos ko. Siksikan pa kami dito sa tent.
"Maglalakad na ako paalis dito. Nakakainis!!" Iritableng sabi nong isa saka ito tumakbo paalis at sumunod naman ang iba. Mukhang desidido na sila na magpaka-basa dahil gustong gusto na nilang makabalik sa villa at makapag-pahinga na. Halos wala na tuloy matira dito kundi ako at ang mga staff. At hanggang ngayon ay hindi ko parin mahagilap si Shaun.
This day is very tiring.
"Kids now a days are so stubborn." Sabi ng isang staff na iiling iling sa mga kasama ko. Nakita naman nya na nakatingin ako sa kanya.
"How about you? Aren't you going to follow them? Go! Ang titigas ng ulo nyo." Sabi nito sa akin kaya napapabuntong hininga na lang ako na tumakbo paalis doon dahil mukhang nadamay na ako sa init ng ulo nila. Siguro naman ay makikita ko si Shaun sa villa at alam kong nasa paligid ko lang ang body guard ko. Hindi ko na dapat sila isipin. Malalaki na sila. Hayst!
BINABASA MO ANG
Last Kiss On New year [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang kahit na anong masamang nagawa nya sayo. It looks like, you have an ocean of forgiveness and second chances. Because you as his lover, you will always l...