"Pretending you're okay is easier than having to explain to everyone why you're not."
|
Veronica Romero
"Mama." Salubong ko agad sa Mommy ni Hunter nang makita kong pumasok ito. Nandito na kami ngayon sa hospital at hindi parin nagkakamalay si Hunter kahit na nasalinan na sya ng dugo."Doctor Freign already explained to us. How about you? Are you alright? Lorilei and Ross are on their way here." Nag-aalalang sabi ni Mama sa akin saka sya kumalas sa pagkakayakap sa akin at dumeretso kay Hunter. Rinig na rinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Papa sa gilid ko.
"Are you alright hija? May masakit ba sayo?" Sabi ni Papa sa akin kaya pilit na lang akong ngumiti sa kanya. Kahit kaylan ay napakabait talaga nila sa akin. Kahit kaylan ay hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila.
"Okay lang po ako. Hindi nya po ako kasama nang nanakawan po sya kanina."
"Totoo bang pagnanakaw ang dahilan nito hija? I know my son." Mabilis akong napatingin kay Papa dahil sa sinabi nito.
"H-Hindi ko po makakayang saktan si Hunter Pap-"
"Veronica? Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Hindi sumagi sa isip ko na gagawin mo ito. It's just that these passed few days parang may mali kay Hunter. May hindi ba kayo sinasabi sa amin kapag nasa school kayo?"
"P-Pap-"
"Hon huwag mo naman silang pag-isipan ng masama." Rinig kong sabi ni Mama. May sasabihin pa sana si Papa nang bigla naming marinig ang pagkatok sa pinto. Bumukas naman 'yon at iniluwa non si Mommy at Daddy.
"Veronica." Nag-aalalang sabi rin ni Mommy sa akin saka nya ako mahigpit na niyakap. Para namang ako ang nasaktan at hindi si Hunter.
"Mommy I'm fine. Si Hunter po ang nasaksak hindi po ako."
"I'm so worried when I received their call. How's Hunter?" Mommy said.
"He's stable pero hindi pa po sya nagigising simula kanina bago namin sya dalhin dito." I said saka ako tumingin kay Hunter na wala paring malay.
"We'll pray for him don't worry. Everything will be alright."
"Thank you Mommy."
"Lorilei you should tell your daughter to rest. Alam kong sayo lang makikinig 'yan." Sabi ni Mama kaya mabilis akong umiling sa kanya.
"Okay lang po ako Mama. Babantayan ko po si Hunter."
"May pasok ka pa later right? You need to rest hija. Don't worry kapag nagising na sya tatawagan ka agad namin. I'm sure naman ikaw agad ang hahanapin nya sa oras na magising sya. Knowing my son, ikaw lang ang mahalaga sa kanya." May halong panunukso na sabi ni Mama. Hindi ko naman alam ang irereact ko dahil hindi na yon totoo ngayon. Parang lalo lang akong nasaktan nang may mapagtanto ako.
"Your Mama is right. Let's go umuwi ka muna sa atin. Pwede naman tayong bumalik bukas after your class. I'm sure kapag nakita kang pagod ni Hunter pag nagising sya hindi sya matutuwa." Sabi naman sa akin ni Mommy kaya wala na akong nagawa. Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Hunter.
BINABASA MO ANG
Last Kiss On New year [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang kahit na anong masamang nagawa nya sayo. It looks like, you have an ocean of forgiveness and second chances. Because you as his lover, you will always l...