TUSOACP | Five

57 3 0
                                    

"Fake affection is enough to someone who is so thirsty in love."

|

Veronica Romero



Pagkatapos namin mag-shopping ni Coleen ay halos hindi na kami magkandadala ng mga pinamili namin. Halos lahat kasing pasukan naming shop ay may nabibili kami.

"How much did I spent today? Gosh Veronica binudol mo nanaman ako!" Natawa ako sa sinabi ni Coleen. Nabili na nya lahat at para sa kanya naman ito lahat pero mukhang nanghihinayang parin sya.

"But admit it, you enjoyed it."

"Of course kasama kasi kita! Rich kid!" Hindi ko nanaman napigilan na mapatawa dahil sa sinabi nya. Priceless ang expression nya habang sinisisi ako sa lahat ng nashopping nya.

"So what should we do next? Maaga pa."

"What if manood muna tayo ng movie?" I suggested. Mabilis naman syang sumang-ayon sa akin kaya dumeretso na kami doon sa cinema at pumili ng gusto naming movie. We choose a romantic horror movie. Yes a love story but a creepy one. At dahil napaka-dami naming dala ni Coleen napapatawa na lang kami sa isa't isa dahil nadagdagan pa 'yon ng pop corn at drinks namin.

"Doon tayo dali!" Sabi nya sa akin at una una pang nag-punta doon. Medyo nasa ginta kami sa may hagdanan. At mukhang mag-uumpisa pa lang ang movie.

"Nice spot right?" Excited na sabi ni Coleen kaya mabilis akong tumango sa kanya. Sumandal na lang ako sa kinauupuan ko at hinintay na mag-umpisa ang movie habang kumakain ako ng pop corn. At nang mag-umpisa na nga ang movie, sa halip na matakot 'tong katabi ko ay tumatawa pa.

"Hey! Coleen hindi 'yan comedy are you out of your mind?" Natatawang tanong ko sa kaya dahil napapatingin na sa kanya ang mga tao dito.

"Eh kasi look at the monster! Kamukha ni Hunter ang pangit pangit! Sing pangit ng ugali nya! Mukhang pwet ng manok eh! At take note haggard na manok huh? Hahahaha." Sabi pa nito kaya napailing na lang ako. Hindi ko na lang sya pinansin at nag-fucos na lang ako sa panonood. Nandoon na sa parteng ililigtas na ng lalaki ang babaeng bida dahil naposses ito ng evil spirit. At mukhang papalipatin noong lalaking bida sa kanya ang evil spirit para mailigtas nya ang babae. It is a heart breaking scene. Umiiyak na 'yong lalaki at desidido sya na ibuwis na ang buhay nya.

"That stupid guy! Dapat huwag na nyang iligtas 'yong babae total niloko sya. Hayst!" Naiiritang sabi ni Coleen sa tabi ko. Pero dahil sa nasa unahan lang ang paningin ko ay may naagaw ang pansin ko. My heart skip a beat and it feels like I will be lack of air on my chest.

I saw Hunter with another woman again and guess what? It's the woman we bumped in the boutique earlier. They are kissing slowly and passionate. May malaking inggit at pag-seselos agad ang umusbong sa dibdib ko.

"Damn!" Rinig kong sabi ni Coleen at nakita ko na nga na binabato nya ng pop corn 'yong dalawa ni Hunter.

"Coleen stop that!"

"Oh bakit? Pop corn lang 'to hindi sila masasaktan! Puputulin ko lang ang magkadikit na nguso ng mga hayop na 'yan!" Sabi nito saka nya sunod sunod na binato ng pop corn ang dalawa kaya sabay na napatingin ito sa amin. At halos mataranta ako nang mahuli ni Hunter ang titig ko sa kanya. Itinakip ko na lang sa mukha ko ang mga paper bags namin ni Coleen saka ako mabilis na umalis sa upuan namin palabas ng sinehan.

Last Kiss On New year [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon