TUSOACP | Thirty-Nine

36 2 0
                                    

"Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest and feels the strongest."

|

Veronica Romero

"Tara na." Seryoso kong sabi kay Shaun dahil mukhang ang lalim ng iniisip nya. Hindi nya ako napansin na nakalapit na ako sa kanya. Ito na ba ang mga lutang moments nya?

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko sa kanya saka ko isinuot ang dala kong leather jacket. Nakalong-sleeve akong coton na turtle neck pero mas pinili ko parin mag-dala ng leather jacket kasi wala lang. Bagay kasi sa jeans at boots na suot ko. Hinayaan ko naman na nakalugay lang ako dahil maikli na ang buhok ko. Hindi ko naaalala kung kelan ako nagpagupit pero maganda naamn. Si Coleen din ang nagturo sa akin kung paano magdamit ng mga ganito kapag may lakad kami. Thanks to her.

"Wuyyy!! Lutang ka ba? Bakit ganyan ka makatingin? Mukha kang pervert you know?" Nawiwirduhan na sabi ko sa kanya.

"Ang ganda mo bagay na bagay ka sakin." Nakangiting sabi nya sa akin saka nya inayos ang leather jacket na suot ko.

"H-Huh?" Awkward na sabi ko sa kanya.

"Wala. Let's go." Sabi nya saka dumeretso ang kamay nya sa palad ko. Sobrang higpit na para bang alam nya na magwawala ako.

"Required ba na lahat ng babae na makakasama mo ay hawak mo ang kamay?"

"Madami na akong nakasamang babae pero ikaw lang ang hinayaan ko na hawakan ang kamay ko."

"Ako talaga ang humawak? Bakit parang baliktad yata? At inamin mo talaga na madami ka nang nakasama na babae huh? Eh dito sa baby mo? Ilan na naka-angkas dito? Tsk siguro madalas ka magpalit ng gulong dahil madalas ka ring may ka-joy ride?!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Tama ba kasi na sabihin nya sa akin na madami na syang babae na nakasama di ba?

"Dami mo agad nasabi. Are you jealous?" Natatawang tanong nya sa akin saka nya iniabot ang helmet nya sa akin nang makarating kami sa garahe namin kung nasaan ang motor nya. Marahas ko namang kinuha sa kanya 'yon saka ko sya inirapan.

"Ako? Mag-seselos? At bakit naman?" Sabi ko sa kanya saka ko isinuot ang helmet na binigay nya. Aayusin nya pa sana ang adjustsan non ng tampalin ko ang kamay nya saka ko sya tinaasan ng kilay. Pero sa halip na mainis sya ay tinawanan nya lang ako.

"Gustong gusto ko talaga na pinipikon ka. Ang dali mong maasar." Natatawang sabi nya sa akin. Hindi pa kami nakakaalis pero nakailang irap na ako.

"Kung pipikunin mo lang ako buong araw hindi na ako sasama sayo." Sabi ko sa kanya at huhubadin ko na sana ulit ang helmet na suot ko nang pigilan nya ang kamay ko at hilahin palapit sa kanya.

"Is this one of your tricks? B-Babaero ka talaga." Sabi ko sa kanya saka ako nagpiglas sa hawak nya but he didn't let me to slip away even for a second.

"Let me correct you, dating babaero. Dati okay? Retired na ako ngayon." Nakataas ang kilay na sabi nya sa akin. Pinaglalaruan nanaman nya ako dahil alam nyang hindi ko sya kayang titigan ng deretso.

"L-Lumayo ka sa akin."

"What if ayaw ko?"

"Sisipain ko ang dragon balls mo." Pananakot ko sa kanya pero nakita ko lang na nagpigil sya ng tawa saka sya tumingin ulit sa akin ng seryoso. He is getting closer and closer. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Ang lakas ng kabig ng puso ko dahil sa kaba at alam kong namumula na ako ngayon. Dahil hindi ako makalayo sa kanya ay pinili ko na lang na lumiyad para mailayoa ng sarili ko sa kanya. But is getting closer and closer. Parang natutuwa pa sya na nagiging uneasy ako.

Last Kiss On New year [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon