Chapter 8 - Alyssandra Pov

3.3K 155 4
                                    

Alyssandra Pov

Maaga ako pumasok para iwas sa mga taong ayoko munang makita o kaya sirain ang araw ko. Siguro naman ay walang papasok ng ganitong oras kaya dumiretso na ako sa classroom namin.

Pagkabukas ko ng pinto ay may nakita na akong taong nakaupo, si Karissa. So maaga pala siyang pumapasok. Napansin niya ako at ngumiti.

“Maaga ka pa lang pumapasok”

“Kailangan ko kasing mmagreview sa past lessons natin para hindi ako mahuli.”

“Bakit kailangan mong magreview? Alam ko ay wala na naman tayong test sa kahit anong subject natin.”

“Kasi nauubos yung time ko sa part-time job ko kaya pumapasok na lang ako ng maaga, Alyssa.”

“Ano ba yung part-time job mo?” tanong ko kay Karissa kasi curious ako.

“Sa gasoline station. Naglalagay ng mga diesel o gasolina sa mga sasakyan. Araw-araw yun pagkatapos ng school hours natin kaya wala na akong time para magreview kaya pumapasok ako ng maaga.”

Ang sipag naman niya at mahirap rin ang maging working student, time yung kalaban mo pero kung marunong ka lang magmanage malalampasan mo rin yung stage na yun. Parehas pala kami para na rin naman akong working student.

“Alyssa meron ka na bang napiling club na sasalihan?”

“Ano yun? Parang wala naman akong natatandaang ganung event.”

“Oo nga pala exempted ka sa ganitong requirement. Every students should choose one club and it is required so if ever na wala kang sasalihan mababawasan yung grades mo dahil kasama siya para  sa final grade mo.”

Wala talaga akong matandaan na meron ganitong requirements baka hindi na ako sinali ni auntie para hindi ako mahirapan.

“Ano ba yung sasalihan mo Karissa?”

“Hindi ko pa alam. Tingnan ko kung ano pa yung mga club na mga meron pang slots mamayang break.”

“Pwede bang sumama mamaya kapag nagapply ka?”

“Sure”

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now