Chapter 11 - Allen

2.9K 136 0
                                    


Allen POV

Napahawak ako ngayon sa aking labi ng maalala ko yung nangyari kanina sa school. Hindi ko naman sinasadya yung paghalik sa kaniya basta nagawa ko na lang yun ng hindi nag-iisip. Siya naman yung may kasalanan kasi sobrang daldal niya at wala preno ang bibig kapag ako ang kaharap kaya ko yun nagawa.

Kinakabahan tuloy ako kapag nagkita ulit kami bukas. Paano kung magalit talaga siya at bigla na lang siyang bumalik sa pagiging mute niya? Malaki na rin ang pagbabago niya kung dati sobrang tahimik niya kaya nga akala ko talaga ay mute siya pero ngayon ay nakikipag-usap na siya kahit pa na lagi siyang galit sa akin.

Bahala na bukas kung ano ang pwede niyang magawa sa akin pero ngayon at kailangan ko muna magpahinga para handa ako.

******************

Nasa tambayan kami ngayon ng barkada ko dahil free time namin. Hawak ko ngayon and gitara ko para makapagrelax. Yung ineexpect ko kasing tao ay wala. Hindi pumasok at ngayon at nag-aalala ako kung ano nangyari sa kanya.

"Mabuti na lang hindi tayo nahuli kahapon"

"Oo nga kung nagkataon ay meron agad tayong gagawin"

"Kayo talagang dalawa puro katamaran na lang yang pinaiiral niyo. Magbago nga kayo at hindi puro pagpapasikat sa mga babae na lang ang inaatupag niyo"

"Makapagsalita ka, Jared. Nagtago ka rin naman kahapon at hindi ka rin naman sumali sa kahit na anong clubs o bakit pinapagalitan mo kami?"

"At least ako meron na akong gustong salihan pero ayoko naman yung hinaharass para lang sumali eh kayong dalawa wala naman planong sumali"

"Speaking of na hinaharass, nabalitaan ko Allen muntik ka ng mahuli kahapon ng mga fans mo sa ibat ibang clubs. Mabuti natakasan mo sila" sabi ni Cameron.

"Meron kasing nagsumbong kung na saan ako kaya muntik na talaga akong mahuli"

"Sino naman yun? Kahit kami hindi namin alam yung pinagtataguan mo" Kester.

"Tingin ko kung sino man yung nakakita sayo ay kilala mo o kaya naman ay may galit sayo. Kasi kung wala naman kahit makita ka niya hindi ka naman siguro isusumbong ng kung sino man siya"

"May tama ka dyan Jared pero kung sino man yun tingin ko may galit yun sayo kasi kung isa sa mga fans mo yun pagtatakpan ka pa nila" Cameron.

"So sa buong university sino ang may galit sayo?"

Nag-iisip talaga sila kung sino ang salarin at ilang sandali at sabay- sabay silang tumingin sa akin.

"Si Alyssa"

"Si Alyssa"

"Si Alyssa"

Wow lang talagang nahulaan nila kung sino pwede na silang maging detectives.

"Oo na siya na. Siya yung dahilan kung bakit ako muntik na mahuli"

"Ikaw naman kasi Allen bawas bawasan mo naman yung pang-iinis sa kaniya. Alam namin na natutuwa ka sa pang-iinis sa kaniya pero maglie low  ka naman" Jared.

Tama siya at kailangan ko nga munang tumigil dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag tuluyan na talaga siyang nagalit sa akin. Ewan ko ba pero ayoko siyang magalit sa akin at sa tingin ko ay kailangan kong bumawi sa kanya.

"Bakit kaya siya absent ngayon?" Napatingin ako kay Kester.  Napansin rin pala niya na absent si Alyssa. Siya ang  bumabagabag sa akin kung ano ba yung nangyari sa kaniya ngayon?

Hanggang sa uwian na namin ay hindi ko pa rin nahanap yung sagot sa tanong ko. Hindi kaya dinamdam niya yung paghalik ko sa kanya kaya hindi siya pumasok? Kasi yun lang ang  naiisip ko dahilan kaya bukas babawi talaga ako sa kaniya. Alyssa babawi talaga ako sa nagawa ko sayo.

**************

Gumising talaga ako ng maaga para makapasok rin ng maaga. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos. Ang plano ko ay kausapin si Alyssa para makapagsorry.

Kailangan ko rin siyang tiyempuhan na nagiisa para walang makaalam nung ginawa ko. Nandito na ako sa classroom para dito siya hintayin. Bahala na kung sigawan niya basta kailangan ko talagang bumawi.

Narinig kong bumukas yung pinto at talagang sinuswerte ako dahil dumating na siya.

"G-good morning." Bati ko sa kanya pero siya hindi man ako nilingunan. Mukha ngang galit.

"A-alyssa s-sorry pala noong i-isang araw" bakit ba ako nauutal. Wala pa rin reaksyon. Umupo pa siya malayo sa akin.

Ito na last attempt ko para makipag-ayos. "Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako?"

Sa wakas at lumingon na siya pero hindi ko yata nagustuhan ang nakita kong reaksyon niya. It was an evil smile.

__________________________

Don't forget to leave a comment, vote or follow me. Enjoy guys!

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now