Chapter 22 - Alyssandra

2.9K 104 7
                                    

Start na naman ng pasok namin at magiging busy na naman ako. Thank you sa mga nagcomment. Nadagdagan na.😊

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~¤💞¤~

Alyssandra POV

Natigilan ako sa ginawa niya. Hindi ko magawang gumalaw dahil magkadikit ang aming mga labi. Nakabukas ang mga mata ko pero si Allen ay nakapikit habang hindi pa siya humihiwalay sa akin.

Nagkaroon na ng distansya sa pagitan namin pero nakatulala pa rin ako sa kanya. Ginawa na naman niya ang bagay na ayoko. He stole a kiss from me again.

"Ito lang ang gusto ko, Alyssa. Kiss me please."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga pisngi ko at unti-unti na naman siyang lumalapit. He wants to kiss me again! I can't let him do it again.

Tinulak ko siya at napaatras siya ng ilang hakbang sa akin. Ayokong lumapit siya. Ito ba ang gusto niya? Na laging magnakaw ng halik kahit ayaw ko. Nabigla lang ako kanina kaya hindi ko agad siya naitulak pero hindi ko na siya hahayaan na gawin itong muli.

"Bakit mo ginawa yon!"

"I-I'm sorry, Alyssa. I didn't mean to steal-I mean to kiss you."

"Hindi mo sinasadya?! Bakit balak mo pang ulitin, Allen?! Gusto kitang makausap dahil pakiramdam ko na may nagawa ako at willing akong magsorry pero ito pa ang gagawin!"

Yumuko lang ito at hindi man lang makatingin sa akin na halos gusto ko na siyang saktan sa sobrang galit. Kinuha na nga niya ang first kiss ko tapos umulit na naman siya.

"Siguro naman ay bayad na ako sa ginawa ko sayo!. Ayoko muna kitang makita, Allen. Kaya lubayan mo muna ako dahil talagang galit ako sayo ngayon."

Binangga ko ang balikat niya para pumunta sa upuan ko at kunin ang bag ko. Lumabas ako ng classroom namin para makalayo sa Allen Jerk na yon! Hindi na ako mag-eeffort sa kanya at kahit ano pang pangongonsenya sa akin ng barkada niya ay hindi ko papansinin dahil iba kung mag-isip ang kaibigan nila, nakakaasar!

Madadaanan ko ang barkada niya na nakatambay sa hallway. Hinihintay ang kaibigan nilang kiss stealer.

"Alyssa, nasaan na si Allen?"

"Hindi na lang kayo nagsabay para makauwi na rin kami."

"If you really want to go home, get your jerk friend and don't bother me!"

Nilagpasan ko sila at natahimik  sila. Sila ang dapat kong sisihin. May pasabi pa kasing ako ang dahilan tapos ako pala ang maiinis sa huli ng taong naiinis daw sa akin.

Tinawagan ko ang driver ko at ilang sandali ay dumating na ito. Hindi ko na siya hinayaang lumabas pa ng kotse at sumakay na ako. Kailangan kong pahupain ang nararamdaman ko at baka makita pa ako ni Aldrion at magtanong pa. Isa pang makulit iyon. Hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.

Kailangan kong gawin ang isang bagay na ipinagbabawal sa akin para mabaling ang inis ko. Inutusan ko ang driver ko na dumaan sa isang store at may bibilhin ako. Basta hindi lang malalaman ni auntie.

Dumating kami sa mansion at nakita ko na ang kotse ni Aldrion. Ang aga naman niyang umuwi. Madalas na lagi akong nauuna sa kanya. Anong oras kaya siya umuwi?

Kinuha ko ang plastic na binili ko at nagtungo sa kitchen. Nilagay ko muna sa freezer at baka matunaw. Dumating si Aldrion at kumuha ng tubig.

"Ang aga mo ngayong umuwi."

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now