Chapter 15 - Allen

2.8K 121 1
                                    

Thank you sa paghihintay sa mga readers ko sa story kong ito. Marami pa ang mangyayari kaya abangan niyo pa ang susunod na mga kabanata. :) my other stories:

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

*********

Mga siraulo ang mga barkada ko gawin ba naman akong utusan rin nila. Si Alyssa lang ang susundin ko at hindi sila kasali. Siya lang ang may karapatang utusan ako dahil siya ang owner ko.

Binili ko na ang pagkain na pinabibili niya at nakita ko siyang nakatingin sa baon ng babaeng katabi niya. Ano ba yung pangalan nun? Karla? Katrina? o Korina?

Hindi ko talaga kilala yung babae pero alam kong kaklase namin siya. Ibinaba ko na ang pagkain at nagsimula na kaming maglunch. Hindi na niya ako inutusan pagkatapos naming kumain.

Umuwi ng yung tatlo at ako naman ay nandito pa rin sa parking area. Bakit ang tagal niyang dumating? Kanina pa akong naghihintay sa kanya. Nakita kong paparating na siya at nang dadaaan na siya sa sinasandalan kong kotse ay hinatak ko siya.

"Bakit ang hilig mong manghatak?" Bakit ang init ng dugo nito sa akin?

"May gusto lang akong tanungin sayo."

"Ano ba iyon? Para makauwi na ako." Hindi ba siya interesado sa sasabihin ko.

"Pwede ko bang makuha ang number mo?"

"At bakit naman?Bakit gusto mong makuha ang number ko?" Ang arte naman nito. Siya na ang ang kinukuhanan ng number ayaw pa niya!

"Basta meron bang master na hindi gusto malaman kung anong ginagawa ng pet niya?"

"Oo...Ako yon."Ano ba naman kalaseng babae to! Ang cold niya kapag ako ang kausap niya.

"Alyssa... Hindi ako nakikipaglokohan sayo." Nakakaubos talaga ng pasensya ang babaeng to.

"Hindi naman ako nakikipaglokohan sayo? Totoo yung sinabi ko." Binitawan ko ang kamay niya at umalis na sa harapan niya para makauwi na. Wala palang kwenta ang ginagawa ko.

"Allen, hindi mo na kukunin ang number ko?"

"Huwag na. Wala ka naman pakialam kung ano man ang gawin ko,hindi ba?" Hindi ko na kukunin ang number niya. Bahala siyang maghanap kapag gusto niya akong utusan.

"Wait...I think your right. Maybe we need to exchange numbers if we want to know where the other is, right?"Tiningnan ko siya.

"There is no 'maybe' when it comes to you, Alyssa. I want to be with you at all times. In that way, I can have your attention for myself." Iniwan ko na siya at umuwi na.

***********

Nakita ko siyang palapit sa tambayan namin. Nagpatuloy lang ako sa paggigitara at wala akong balak pansinin ang babaeng yan.

"Allen, yung owner mo nandito na. Nakalimutan ka yatang talian." Paluin ko kaya sa ulo nito ang gitara ko.

Pasimpleng tiningnan ko siya at nakatingin siya sa akin. Nagkunwari akong walang pakiaalam kahit alam ko na nandyan siya. Hindi pala siya interesado kung nasaan ako pero ngayon siya na mismo ang humanap sa akin. Ang arte pa kasi kaya nahirapan pa siyang maghanap.

"Pare may sasabihin yata sayo si Alyssa. Tumingin ka naman sa kanya." Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagtugtog.

"Pakibigay na lang sa magaling ninyong 'kaibigan' na inuutusan ko siyang bilhin ang lahat na nakasulat sa papel na to. Tawagan na lang niya ako sa number ko" Ano ang sinasabi ng babaeng to! Wala naman akong number niya.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now