Chapter 13 - Allen

3K 113 0
                                    

Allen POV

Nakatingin pa rin ako sa hawak niya. Akala ko kanina ay namamalikmata lang ako kaso kahit anong pikit at bukas ng mga mata ko ay hindi pa rin nagbabago kung ano yung gusto niyang ipasuot sa akin. Dog collar? Seriously!?

"Ano na Allen.....hindi ka naman siguro aatras sa sinabi mo kanina na gagawin mo ang lahat ng kahit anong ipagawa ko kapalit ng ginawa mo sa akin?" Bakit ba kasi hinalikan ko pa siya ng hindi ako napunta sa sitwasyong to.

"Alam ko yun Alyssa pero hindi ko naman akalain na pagsusuotin mo ko ng dog collar! And then what's next ikukulong mo naman ako o kaya naman pababantay mo naman sa akin yung bahay niyo!" Sa lahat ba naman ng matatalino itong si Alyssa yata ang nabaliw kung anu-ano na lang ang naiisip pati ako damay.

"Hindi naman ako kasama gaya ng iniisip mo. Hindi ko naman ipapagawa ang mga bagay na yan unless kung gusto mo" seryoso ba siya? Sino ba namang taong gugustuhing maging bantay ng bahay habang nakakulong ka sa kulungan ng aso? Kapag ako nainis..siya ang ikukulong ko itong bad trip na ko.

"Pwede bang iba na lang ipagawa mo huwag lang yan" sana mapilit ko siya dahil kahiya-hiya naman ako kapag nakita ng ibang tao.

"No! Ito ang gusto kong gawin mo para makabawi ka sa akin."
Konting konti na lang talaga papatulan ko na itong babaeng to. Sa lahat ba naman ipapagawa kasi pagsuotin ba naman ako nito. Ano ba gusto niya tumahol ako at gawin ang lahat ng gusto niya na parang tuta!! Relax ka lang Allen...maghunusdili ka dahil ikaw ang may atraso kaya wala kang karapatang magreklamo.

"Kapag ba pumayag ako, ano ba ang gagawin ko bilang pet mo?" Kapag inutusan niya akong tumahol baka magwala na talaga ako.

"Simple naman ang gagawin mo. Just like a pet, kapag sinabi kong umupo ka..uupo ka at kapag sinabi kong tatayo ka siyempre susundin mo. Huwag kang magalala hindi naman kita pagugulungin sa sahig o kaya patatahulin. Kapag tinawag kita dapat ay lumapit ka. So lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo" mabuti naman ay may awa pa siya.

Napaisip ako kung magiging pet niya ako dapat ay masusunod rin ako minsan dahil ganon naman ang mga pet sa kanyang amo kaya humanda ka Alyssa! Siyempre hindi ako papayag na ikaw lang ang may power sa deal na to kaya humanda ka sa mga kondisyon ko. Babawi ako sayo.

"Kung magiging pet mo ko, may rights rin ako na dapat mo rin sundin!"

"A-Ano ba yang sinasabi mo dyan! Ako lang ang pwedeng masunod dahil ako ang master at pet ka lang!" Nagkamali ka ng kinalaban Alyssa.
"Walang rights walang deal. Mamili ka Alyssa...papayag ka o hindi!?"napansin ko na nag-iisip siya.

"O-ok pero lima lang dapat at wala ng dadagdag dun. Now state what you want!" I smirk with her decision so panalo ako sa round na to.

" 1. Huwag mo akong tatawaging pet sa harap ng ibang tao"

"W-wait bakit hindi eh pet naman kita kaya kung gusto kitang tawagin gagawin ko!"

"Sorry ka na lang.. 2. Huwag mo akong uutusan na parang aso at dapat parang tao."

"Ano ba yang gusto mo bakit pa kita gustong maging pet kung hindi ka rin susunod!"

"Alangan namang pahabulin mo ako ng bola gamit ang bibig ko! Saan ang katarungan don. 3.Merong oras na ako masusunod sa ating dalawa."

"Bakit kailangan mong masunod?Sandali lang parang dinadaya mo na ako sa mga kondisyon mo!"

"Bakit kapag ang isang aso gustong umihi napipilit mo bang sa banyo siya umihi o kaya naman kapag gusto niyang tumae mapapaupo mo ba yung aso sa inodoro at utusang iflash pagkatapos niyang gamitin!"

Natameme siya sa sinabi ko. Mabuti na lang mabilis akong mag-isip ng idadahilan kundi patay ako.

"4.Susunod ka rin sa anuman iutos ko na walang reklamo. Hep! Bago ka magreklamo ay sasabihin ko na ang dahilan ko. Fair lang yun dahil kapag ikaw nag-utos susundin ko naman kahit anong iutos mo kaya maging fair ka naman sa akin at sumunod ka rin para naman magkasundo tayo"tumango siya. Yan mabait ka naman pala.

"At ang huli huwag kang aalis sa tabi ko." Seryoso ako sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya.

"At bakit naman?"

"Siyempre kapag nagutom ako ay kailangan mo akong pakainin at saan ka nakakita na ang master at pet magkahiwalay?"

"Hindi naman sa lahat ng oras dapat magkasama tayo dahil ang pet humihiwalay rin sa kanyang master kapag nasa bahay."

"Bakit nakatira ba ako sa bahay niyo? at nasa school tayo kaya dapat lagi kang nasa tabi ko. Bahala ka baka mawala ako at maligaw,mawawalan ka rin ng pet"

"Bakit ka mawawala diyan eh may isip ka naman at talaga yatang gumagawa ka lang ng paraan para inisin ako!" Nakita kong nagagalit na siya at napangiti ako sa reaksyon niya.

"Bahala ka basta yan ang kondisyon ko."

"Fine pero ako naman ang magdedesisyon kung hanggang kailan mo yan susuotin hanggat hindi ko pinahuhubad ang dog collar sayo ay mananatili kang pet ko at wala ring specific time kung kailan ko tatanggalin yan" nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko bumalik sa akin ang karma.

"Walang ganyanan. Baka habang buhay ko na itong isuot kapag ganyan ang kondisyon mo!"

"Wala kang magagawa Allen, take it or leave it?"

"O-ok deal."napilitan na kong tanggapin at nakita ko naman ang ngiti niyang nagsasabing panalo siya.


Nandito kami ngayon sa bahay namin kasama ang buong barkada. Wala namang pasok ngayon kaya napagdesisyunan na tumambay muna kami dito.

"Anong na nangyari sa paghingi mo ng tawad kay Alyssa?" Tanong ni Jared. Sinabi ko kasi sa kanila yung nagawa ko at plano ko. Wala naman kasi akong tinatago sa kanila.

Napatingin naman yung dalawa at mukhang hinihintay rin ang sagot ko. Tumayo ako hinagis ko yung dog collar na nasapo naman ni Jared.

"Ano to?" Tiningnan ni Jared yung pendant at tumawa ito ng malakas na sinabayan na pa ng dalawa. Nakalagay kasi sa pendant 'Pet of Alyssa'

"Hahaha....grabe talaga Allen napapayag ka ni Alyssa na suotin mo to! Sige nga tahol ka naman diyan!" asar ni Kester.

"Sit Allen! Sit! Roll over then bark!" panggagatong pa ni Cameron.

"MGA G*GO KAYO! Nang-aasar pa kayo sa sinapit ko!" Nakakabadtrip sila.

"Kasalanan mo naman at ikaw diyan ang may gustong bumawi kaya magtiis ka." Sabi ni Jared.

Naisip ko yung game ng barkada kaya naitanong ko kung matutuloy ba.

"Is the game still on?" Napatingin naman yung tatlo sa akin at tumango sila.

"Then I play..."

_______________________________________
Thank you for all the support from my readers. Keep voting and making comments. Enjoy this chapter.

Please do vote, comment and follow me.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now