Chapter 20 - Alyssandra

2.7K 109 5
                                    

Sa wakas nakapag-update ako dito! Nakalimutan ko na ang kwento nilang dalawa kaya binasa ko hanggang simula at nakalimutan ko na ang flow ng story na ito. 😂 shout your comments in here!

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~¤💞¤~

Alyssandra POV

Pupunta ako sa library para makapagbasa ako ng walang istorbo at maingay sa paligid. Hindi ko na magawang gawin ito sa garden at baka nandoon si Allen at ang barkada niya.

Mas gusto ko pa noon. Kahit saan ako magbasa ay sigurado akong walang maingay kaso ngayon nasobrahan naman si Allen. Hindi na umaalis sa tabi ko at laging nakabantay. Mas grabe pa siyang magbantay kay Aldrion. Hindi ko na lubos maisip kung dito rin mag-aaral si Aldrion. Baka magsama pa silang dalawa.

May napansin akong nagkumpulan na lalaking estudyante sa gilid ng building. Hindi ko na sana papansinin kung hindi ko lang nakilala ang boses ng lower year na hinaharangan yata ng mga higher year.

Lumapit ako at narinig kong nagbibilang ang pinakalider sa kanila.

"Anong ginagawa niyo sa kanya?!"

Humarap silang lahat at nakilala ko na kung sino sila. Nanlaki ang mata ni Allen. Siya pala ang kaninang nagsasalita. Ano na naman ba ang kailangan nila?

"Miss Alyssa!"

Tumakbo ito papalapit sa akin at nagtago sa likod ko.

"Bakit niyo tinatakot ang bata?"

"Walang kaming ginagawa sa kanya."

"Nagtatanong lang kami." Sabi ni Cameron.

"Tinatakot po nila ako. Kapag hindi ko daw po sinabi sa kanila ay sasaktan po ako niya."

Tinuro nito si Cameron at parang gusto ng lumapit nito sa amin sa sinabi ng bata.

"Ano ba ang tinatanong niyo sa kaniya? Kung ayaw niyang sabihin, huwag niyong pilitin."

Humarap ako sa bata, "Sige na. Ako na ang bahala dito. Pumunta ka na sa klase mo at baka malate ka pa."

Tumakbo na itong lumayo at tiningnan ko sila, "Huwag niyo ng gawin ito. Don't force someone to tell you what you want to know. He has a reason why he doen't want to speak about it."

Umalis na ako at iniwan sila. Nakarating na ako sa library at naghanap ng table na malayo sa karamihan. Nilabas ko ang librong hindi ko pa natatapos at binuksan ito kung saan ko nilagay ang bookmark ko.

Nakailang page ng may umupo sa harap ko. Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko at hindi ito pinansin.

"Alyssa..."

Bahala siya sa buhay niya. Alam ko na mula ng umupo siya kung sino ito. Sino ba naman ang mahilig laging nasa tabi ko kahit wala naman akong kailangan sa kanya.

"Pansinin mo naman ako..."

Naglipat ulit ako ng pahina ng hablutin niya ang librong hawak ko. Tingnan ko siya ng masama.

"Give my book back!"

"Talk to me before I return this to you."

"I don't need to listen to you. Give it back before I'll make you!"

Lumipat pa ito sa tabi ko at nilalayo niya ang libro ko bago ko pa makuha. Hindi kami napapagalitan sa ingay namin dahil malayo kami sa librarian at wala naman masyadong tao ngayon dito.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now