Chapter 25 - Alyssandra

3K 131 13
                                    

Happy Valentine's Day...❤

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Naayos ko na ang lahat ng mga gagamitin ko mamaya. Ngayon ang araw na gagawin na namin ang design sa program. Lahat ng members ng Art Club ay kailangan nandoon.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Nadaanan ko ang kwarto ni Aldrion. Kumatok ako para alam niya na papasok ako. Hindi ito sumagot kaya binuksan ko na ang pinto at nakitang nakahiga ito sa kama pero gising na ito.

"Alyssandra, papasok ka talaga ngayon? Iiwan mo ko dito?"

"Hindi ako pwedeng hindi pumasok. May gagawin na kami sa club namin. May makakasama ka naman dito. Nandyan si manang at si mommy."

"Ayoko sila! Gusto ko dito ka lang, kambal. Huwag mong iwan ang kuya mo dito."

"Isusumbong kita kay mommy, ayaw mo sa kanya!"

"Nagbibiro lang ako! Pero seryoso talaga ako, Alyssandra. Huwag ka na lang pumasok at magmovie marathon na lang tayo."

"Aalis na ako. Kapag nagtagal pa ako dito, hindi mo na ako titigilan. Magpagaling ka para makalabas ka na."

Iniwan ko na siya. Nagiging makulit talaga kapag may sakit o maiiwan siyang mag-isa. Kasalanan niya kung bakit siya nagkapilay. Hindi rin niya pwedeng igalaw iyon baka lumalala ito at matagal pang gumaling.

Sumakay na ako sa kotse at umalis na kami. Hindi ko na nakita si mommy at daddy. Kinuha ko ang sandwich na nakaprepare na iniwan para sakin.

Nakarating agad kami at bumaba na ako. May mga estudyante na rin ang pumapasok. Noong una ay normal pa ang ginagawa nila pero nang dumami na ang nakakasabay ko ay nairita ako.

Nagbubulungan sila at halatang ako ang pinag-uusapan. Totoo nga ang sinabi ni Karissa na may mangyayari ngayon. Ano na naman ba ang ginawa ni Allen at dinamay ako?

Naglakad lang ako at hindi na lang pinansin ang taong walang magawa ngayon. Ang aga puro bulungan ng walang katuturan. Kailangan kong kausapin ang lalaking may kagagawan nito.

Binuksan ko ang room namin at ako pa lang ang nandito. Matatahimik ako dito hangga't wala pa ang iba kong classmate. Hindi na rin ako nagtaka na wala rin ang dati kong katabi. Simula ng hindi ko na siya pinansin, hindi na siya maaga pumapasok kaya pabor sakin na hindi ito makita.

Naalala ko lang ang ginawa niya na nakakapagpainis sakin. Ititigil ko na ang deal namin para bumalik na ang lahat sa dati.

"Good morning!"

Nakita kong pumasok si Karissa at umupo sa tabi ko. Ang dami rin niyang dala. Mga materials para mamaya. Ako na lang sana ang bumili para hindi na siya nahirapan. May kotse ako at pwedeng kong bilhin ang lahat ng iyon.

"Next time, if you are going to buy all of the materials, leave it to me, understand?"

"Okay lang naman, Alyssa. Ikaw na ang dating nagprisinta na bumili noon kaya ako na lang ngayon."

May mga dumating na rin. Kahit hindi ko tingnan kung sino sila alam kong sila na iyon. Narinig ko ang boses ng mga kaibigan niya. Nandyan na rin siya. Natahimik sila bigla. Kinuha ko ang cellphone ko para makinig ng music.

Kinalabit ako ni Karissa kaya tinigilan ko ang pakikinig, "Excuse tayo pagkatapos ng lunch break. Pinagpaalam na tayo."

"Sige."

"Alyssa..."

Tumingin ako sa isa sa barkada nito. Si Cameron ang tumawag sakin. Ano ang kailangan niya?

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now