Chapter 27 - Alyssandra

4.8K 177 92
                                    

Sana magustuhan niyo. :) Comment naman po kung sino ang nagbabasa nito, salamat.

My So Strict Boss - Book 1
You're Still The One - Book 2
The Black Archer - Fantasy

~¤¤~

Narinig kong may kumatok kaya tinigilan ko muna ang ginagawa ko at binuksan ang pinto. Nakatayo si Aldrion sa harap ko. Ano na naman kaya ang kailangan niya?

"May dala ako, kambal. Baka gutom ka."

Kinuha ko ang dala niya at pumasok siya. Nakabox pa ang dala niya. Ano kaya ang laman nito? Umupo ito sa kama at binaba ko sa tabi niya ang bitbit niya. Bumalik ako sa ginagawa ko.

"Bakit hindi mo binuksan yung box na dala ko?"

"Sabihin mo na lang. Marami pa akong ginagawa."

"Ayaw mo ba ng cupcakes?"

Binitawan ko ang gunting at tumabi sa kanya. Dapat sinabi niya agad. Binuksan ko ang box at kumuha ng isa. Matagal na akong hindi kumakain nito. Ang daming bawal. Minsan mahirap maging singer, may mga bagay na hindi ko magawa. Marami rin pagkain at inumin ang hindi pwede.

"Bakit hindi ka pa kumuha, Aldrion?"

Ngumiti ito kaya napatigil ako sa pagkagat ng cupcake. Kinakabahan ako sa ngiti niya. Tumingin ako sa hawak ko at sa kanya. May kapalit ito.

"Ano ang kapalit nitong binigay mo?"

"Ganyan ba ang tingin mo sakin, Alyssandra?"

"Ayaw mo pang sabihin. Bahala ka, thank you na lang sa cupcake."

"Okay, you got me. I just want a little favor from you. Please kambal..."

Binaba ko na ang cupcake para hindi ko mapakain sa kanya kapag hindi ko nagustuhan ang pabor na hinihingi niya.

"Ano ba yon?"

"Pwede ba akong sumama ulit sa school mo bukas? Tutulong ulit ako sa club niyo."

"Hindi pwede. Dito ko lang. Hindi ka na pinagalitan nila daddy dahil kasama mo ako kaya magstay ka na lang sa kwarto mo at magpagaling."

"Kaya nga ako sayo muna nagsabi para kapag sinabi ko sa kanila, nandyan ka para tulungan ako. Alyssandra, gusto kong bumalik sa school mo. Malay mo magpalipat na ako at magkakasama na tayo."

Naiisip ko pa lang na kasama ko lagi si Aldrion sa kahit saan ako magpunta at nagbabantay sa mga taong nakapaligid sakin baka laging sasakit ang ulo ko sa kanya. Ngayon pa lang na isang araw na nagpunta siya, may kalokohan ng ginawa, araw-araw pa kaya. Ang hilig niyang sabihin na boyfriend ko siya at sa tingin ko pa lang sa mga nakarinig ay naniwala na paano pa kaya ang Allen na yon.

Nagpupumilit na malaman kung ano ang totoo. Ayoko ng dagdagan ang stress ko kay Allen kung lilipat pa siya.

"Akala ko ba gusto mo sa school mo, Aldrion? Bakit ka pa nagbabalak lumipat?"

"May gusto lang akong asarin sa kaklase mo. Gusto ko rin mabantayan ka. Iba ang pakiramdam ko sa kumausap sayo kanina."

"Si Allen?"

"Allen pala pangalan niya. Tatandaan ko nga. Ibang makatingin sakin kanina kaya ginawa ko ang dating ginagawa ko kapag magkasama tayo. Boyfriend mo muna ako, Alyssandra. Yung kaibigan mo pa lang naman ang may alam na kapatid mo ko."

"Hanggang bukas ka na lang pupunta, Aldrion. Last na yon."

"Hindi ba pwedeng hanggang sa gumaling ako?"

"Hindi na pwede. Gusto mo ba talagang gumaling ang paa mo o magtagal pa yan?"

"Sige na po. Hanggang bukas na lang."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now