Chapter 24 - Alyssandra

2.7K 116 5
                                    

Sorry. Nahihirapan akong magsulat ngayon. Sa sobrang dami kong ginagawa ngayon. Hindi na ako makapag-isip sa mga susunod sa mga stories ko. Maraming salamat sa mga naghihintay pa rin sa kwentong ito. I love you all. 😢

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Nakatanggap ako ng text kay Aldrion at pinapapunta ako sa school niya. Hindi niya sinabi kung bakit kaya nagmamadali akong lumabas at dumeretso na ako sa parking area. Ano kaya ang problema niya? Minsan lang magtext iyon sa akin kaya kinakabahan ako. May nangyari ba sa kanya?

Pumasok na ako ng kotse, "Pupunta po tayo sa school ni Aldrion."

Umalis na kami. Tinawagan ko ang cellphone niya pero nakapatay. Ano ba ang nangyari sa kanya?

"Pwede po bang pakibilisan? Gusto ko na pong makapunta kay Aldrion."

Mabuti na lang at walang traffic at nakarating na kami. Sinubukan ko ulit na tumawag at salamat naman at sinagot na niya.

"Nandito na kami sa school mo. Nasaan ka na? May nangyari ba sayo?"

"Isa isa lang ang tanong, kambal. May sprain lang ako at nasira ang kotse ko kaya magpapasundo lang ako ngayon sayo."

"Nasaan ka pupuntahan kita."

"Nasa gym ako."

Kinuha ko ang sun glass ko at lumabas ng kotse. Labasan na rin nila. Hindi pa ako nakakapunta dito kaya magtatanong na lang ako.

"Ma'am, sasamahan ko pa po ba kayo sa loob?"

"Opo. May sprain si Aldrion at wala pong tutulong sa kanya papunta dito."

Sumunod siya. May napagtanungan ako na sinabi lang ang direksyon pero hindi malinaw kaya nahirapan akong mahanap ang gym nila. May nakita akong babae na naglalakad palapit sakin.

"Miss, where is the gym?"

"Doon pa po, Miss." Tumingin rin ako sa tinuturo niya.

"Pwede mo ba kaming samahan papunta doon?"

"Sige po."

Habang naglalakad ay napapatingin sakin yung babae. Hindi ko pinapansin na parang gusto na niyang tanggalin ang suot kong sun glass sa paraan ng pagtingin niya.

"Hindi po kayo nag-aaral dito. Ano po ang gagawin niyo sa gym namin?"

"May susunduin."

Nakasarado ang pinto ng gym at may naririnig akong ingay sa loob. Ano ang nangyayari sa loob?

"Bakit maingay sa loob?"

"May practice po ang varsity players namin kaya bawal pong pumasok."

Kumatok ako at may nagbukas ng pinto. May lalaking nakatayo sa harap ko. Matangkad at nakasuot ng jersey. Kateam mate ng kapatid ko.

"Anong ginagawa niyo dito, miss?"

Sinenyasan ko ang bodyguard ko na paalisin ang lalaki para makapasok ako. Nakapasok na ako at hinanap ang magaling kong kapatid na may sprain sa paa.

Nakaupo ito sa may bleacher at kasama pa ang iba pa niyang mga kateam. Sumunod rin pala ang babaeng tumulong sakin na mahanap ang gym. Nagkakatuwaan sila. Natigil sila ng makita akong papalapit sa kanila. Hindi pa ako napapansin ni Aldrion dahil may nakaharang sa harapan niya para makita ako.

Lumapit ako at nakita na rin niya ako. Napatingin ako sa paa niya na may benda. Hindi kasi nag-iingat sa paglalaro kaya nadidisgrasya.

"Hi, kambal."

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now