Chapter 23 - Allen

3.4K 115 7
                                    

Sa mga naghintay, sorry. Nakapag-update na rin. Comment sana kayo dito. 😢
Nahihirapan akong mag-update sa tatlong stories ko. Iba iba kasi yung genre. Sorry may inayos lang ng konti dito at ngayon ko lang napansin.😊

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Teen Fiction

~¤💞¤~

Allen POV

Nabubuwisit na ako sa mga kaibigan ko na ayaw akong patahimikin. Laging nagtatanong kung ano ang nangyari sa amin ni Alyssa. Sinabi nila na galit itong umalis kaya ako ang kinukulit at tinatanong kung ano ang ginawa ko.

Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang pag-iisip. May pasok na naman bukas at wala pa akong naiisip na gawin para sa kanya. Ang problema ko pa ay bawal akong lumapit sa kanya. Pinagbawalan niya ako pero hindi rin naman mangyayari dahil magkatabi kami sa classroom.

Napangiti ako sa naisip ko. Hindi umaayon sa gusto ni Alyssa ang pagkakataon. Gagamitin ko ang oras na yon para magawa ang dapat kong gawin sa kanya. Tinawagan ko ang tatlo para humingi ng tulong sa kanila.

Pinapunta ko na sa bahay para hindi nakakapagod na tawagan sila. Dumating sila at dumeretso sa kwarto ko.

"Musta na pare?"

"Sasabihin mo na ba sa amin ang ginawa mo na naman kay Alyssa."

"Allen, hindi ka namin matutulungan kung ayaw mong sabihin."

Puro tanong agad ang binungad nila sa akin pagkapasok sa kwarto ko. May pagkatsismoso rin ang tatlong to. Kailangan ko ngayon ang tulong nila kaya wala akong magagawa kundi sabihin sa kanila.

"Hinalikan mo naman siya!"

"Ikaw na pare! Nakadalawa ka na agad!"

"Tumigil nga kayo! Hindi ko sinasadya ang nagawa ko sa kanya kaya manahimik kayong dalawa. Pinapunta ko kayo para tulungan ako hindi mang-asar"

Palayasin ko ang dalawang to. Hindi ko na lang dapat pinapunta sila kung hindi rin ako tutulungan.

"Hindi ako naniniwala na hindi mo sinasadya, Allen. Maiintindihan ka pa namin noong una pero ngayon ay hindi."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Jared. Totoo naman ang sinabi niya. Ginusto ko rin na halikan si Alyssa kahit alam kong magagalit ito.

"Oo na. Ginusto ko rin kaya tulungan niyo ako. Ayaw niya akong lumapit sa kanya."

"Normal lang yon. Ayaw ng mga babae na bigla na lang may manghahalik sa kanila. Sa kaso mo kasi Allen ay dalawang beses mo ng ginawa."

"Ang bilis mong nakascore kay Alyssa. Ang tinik mo sa babae. Turuan mo naman kami, gusto namin ng mga style ng katulad sayo."

"Hindi talaga kayo titigil! Palalayasin ko kayo sa kwarto ko kapag may marinig pa ako."

Wala pa akong naiisip na plano ngayon. Hindi ko rin alam kung susundin ko ang sinabi niya o kukulitin siya para mapatawad niya ako. Nakakatakot rin siya ng huli naming pag-uusap na kapag hindi ko ginawa ay may gagawin siyang hindi ko magugustuhan.

"Ano na ang gagawin ko?! Hindi pwedeng wala akong gawin para sa kanya kung gusto ko pang makalapit kay Alyssa."

Ginulo ko ang buhok ko at tumingin sa kanila. Kahit anong gusto niya ibibigay ko pwera lang yung sinabi niya. Nagkatingin silang tatlo.

"Alam mo ang dali lang ng problema mo, Allen. Ewan ko ba naman kung bakit ang slow ng utak mo ngayon."

"Huwag mo ng ipagdiinan, Kester. Ganyan ang mga taong kalalabas lang ng lungga nila. Ngayon lang kasi nakatagpo ng katulad ng ugali niya kaya nagloloading pa." sabi ni Cameron na kinainis ko. Pinagbabato ko ng mga lukot na papel na nagkalat sa sahig ang dalawa.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now