Alyssandra POV
Natapos na rin ang concert. Masaya ako kasi hindi ko nadisappoint ang mga dumating sa concert. Sila lagi ang nagpapalakas ng loob ko at nagbibigay ng confidence sakin na ipagpatuloy ang career ko sa kabila ng pagtatago ko ng mukha ko sa kanila.
Marami ng nagtatanong kung bakit ba talaga ako nagsusuot ng mask sa tuwing nagpeperform ako. Minsan gusto na nilang makita ang itsura ko kapag wala ito pero kahit mahal ko ang mga fans ayoko pa ring bitawan yung freedom ko na maging normal.
Ayoko maging katulad ng kapatid kong si Aldrion na hindi na magawang lumabas ng walang bodyguard o kaya hindi nakadisguise. Sikat kasi kami ng kapatid ko. Siya bilang artista at ako naman ay bilang singer. Madalas kaming mafeature sa ibat-ibang magazine at mainterview. Kaso kapag napupunta na sa topic ng hindi ko pagpapakita ng mukha sa harap ng kamera ay sinasabi ko naman ang totoo na gusto ko pang maging malaya na hindi iniisip na bigla na lang susunggab sayo fans kapag lumabaska. At ayoko magkaroon ng bodyguard .
Nandito na kami sa van namin at maaari ko na ring tanggalin ang mask ko. Sila manager Lea, Aldrion at manong Ben lang naman ang nasa loob kaya hindi ko na kailangang magtago.
''i'm so proud of you, Alyssandra. Naachieve mo yung expectation nila. Kaya sabi ng producer baka gawan ka ulit ng concert at willing silang suportahan yun.''
Natuwa naman ako sa resulta ng pagod ko. Hindi rin madali ang pinagdaanan ko para maging handa ako sa concert. Kailangan kong magpractice araw-araw at pagsabayin ang studies ko. Pero lahat ng yun ay naging worth it.
''Alam mo sis wala ka pa ring kupas. Biruin mo napatayo mo lahat ng fans sa mo huling song. At parang ayaw ka pa ngang paalisin sa stage kung hindi lang sinabi na magkakaroon ka ulit ng concert pero hindi pa alam kung kailan'' napangiti ako sa sinabi niya. Napakasupportive ni Aldrion sakin.
''Alam mo Aldrion kapag gusto mo ang isang bagay gagawin ang lahat para makuha mo yun. At ngayon naachieve ko yung expectation nila at napakasaya ko ngayon.''
''Alam mo sis ipagpatuloy mo lang yan. At nandito lang ako para suportahan ka sa kahit anong gusto mong gawin.'' Napangiti ako sa sinabi niya at niyakap siya.
''Tama na ang drama niyo dian. At hindi ako sana'y at ikaw Alyssandra congrats and keep up the good work.''
''Thanks auntie''
Nakarating na kami sa mansion. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng parents namin.Sila Adrian at Celina Heart. Si daddy ay may-ari ng mga kompanya while si mommy ay isang sikat na author ng magazine.
''Hi baby. Congrats sa concert mo. Ang galing talaga ng baby ko mana kay mommy.'' sabi ni mommy at niyakap ako.
''Ehem. ang alam ko kasi ay nagmana sakin ang baby girl ko kasi naging singer ako sa isang band noon. At di ba honey hindi ka naman kumakanta? kaya pano magmamana ang baby girl natin sayo.'' Natawa kami ni Aldrion sa kulitan ng parents namin.
''Ikaw talaga honey panira ka. Sige ikaw na ang singer at wala ng minana sakin ang kambal. Kamukha mo na nga tapos talent wala pa rin.''
Hindi ko pala nasabi na kakambal ko si Aldrion. Kaya hindi ko siya tinatawag na kuya dahil ilang minuto lang naman and he's okay with it.
''Honey huwag ka ng magtampo nakuha naman sayo ang talino mo.'' sabi ni daddy.
Ayan bati na sila. Nagpaalam na ko sa kanila na aakyat na ko sa room ko para makapagpahinga. Nang makapasok na ko sa room ko ay naglinis muna ako at humiga na ako.
''Bukas balik school ulit ako. At kailangan ko na naman na magpanggap sa harap ng mga tao'' kailangan ko ng ihanda ang sarili ko at bukas panibagong problema na naman ang kakaharapin ko.
Sana naman ay maging maayos ang araw ko bukas ng walang nanggugulo at maging tahimik ang pagpasok ko.
YOU ARE READING
My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLD
Teen FictionSa isang pagkakamali ay nagkaroon ng ugnayan ang dalawang taong sikat sa campus. Si Allen, isang vocalist ng bandang 'RAVEN', sikat bilang dark prince dahil sa pagiging isnabero nito sa lahat lalong lalo na sa mga babae. Si Alyssa, isang matalinong...