Chapter 21 - Allen

2.7K 116 3
                                    

Salamat sayo na matiyagang naghintay. Para sayo ang chapter na ito.

Catrina Pauchano

Salamat sa comment mo. Can you do it, again? 😁

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Allen POV

Nakatambay ang tatlo sa field at masayang nag-uusap. Buti pa sila masaya. Nakakatawa pa at ako naman ay laging naiinis sa nangyayari sa amin ni Alyssa. Isa pa ang babaeng iyon. Lagi na lang akong kinokontra sa lahat ng gagawin at sasabihin ko.

Ang tigas ng ulo, makikinig lang ayaw pa. Nagpapaliwanag na sa kanya, galit pa. Bahala siya sa buhay niya. Gusto ko lang na malaman niya ang nangyari kanina para hindi naman ako laging masama sa paningin niya.

Kapag nakita ko ulit ang batang iyon, kukutusan ko talaga. Nagsumbong pa sa babaeng yon, hindi na nga kami magkasundo. Dumadagdag pa.

"Allen, saan ka galing?"

"Kanina pa kami dito. Napag-usapan na namin ang lahat ng kalokohan natin at wala ka pa."

Hindi ko sila pinansin at nakita ko ang gitara ko na dala nila. Baka lalo lang uminit ang ulo ko sa dalawang to kapag nagtagal pa ako dito. Kinuha ko ang gitara at iniwan sila. Kailangan kong tumugtog. Gusto kong ilabas ang lahat ng frustration ko sa babaeng yon.

"Saan ka na naman pupunta? Malapit ng matapos ang break natin at magreresume na ang klase!" sabi ni Jared.

Tinuloy ko ang paglalakad at hindi na sila nilingon. Hindi ko gustong pumasok mamaya kapag ganitong naiinis ako. Makikita ko na naman siya kaya pahuhupain ko muna ito.

Pumunta ako sa tagong bahagi ng garden. Malayo pa ito sa laging tinatambayan ni Alyssa. Nakita ko ito noon na ganitong sitwasyon rin. Ginalaw ng kapatid ko ang collection ng mga CD's ko ni Alyssandra at ang isa dito ay nasira ang lalagyan.

Alam nilang hindi pwedeng galawin ito pero ginalaw pa rin niya. Kahit galit ako ay hindi ko kayang saktan ito o pagsalitaan ng hindi maganda dahil kapatid ko kaya binubuhos ko na lang sa musika.

Binagsak ko ang bag ko sa tabi at umupo sa damo at sumandal sa puno. Tinanggal ko ang lalagyanan ng gitara at nagstrum. Hindi ko alam kung saan pupuntahan ang pagstrum ko ng gitara. Wala akong maisip ngayon na kanta na umaayon sa nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko maintindihan. Bakit ako nagkakaganito sa isang babae? Wala akong interes sa kanila at gusto ko lang tumugtog pero nag-iba na ang lahat. Nakilala ko siya at nagulo ang mundo ko. Matagal ko ng naririnig ang pangalan niya pero hindi ko akalain na ganito ang mangyayari kapag nakasama ko siya.

Ano ba ang ginawa mo sa akin, Alyssa? Epekto ba ito ng mga tingin mo na unang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam? Itinigil ko ang pagtugtog at ibinababa ang gitara. Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang pag-iisip.

Pumikit ako at nawalan na ako ng ganang tumugtog. Ang hangin sa lugar ko at ang sarap matulog. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko sa bag at sinagot.

"Hello..."

"Allen, bumalik ka na dito! Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase."

"Sige babalik na ako, Jared."

Kinuha ko ang mga gamit ko at umalis sa secret place ko. Kahit sino ay hindi ko hahayaan na makita ito dahil dito lang ako nakakapag-isip ng maayos.

May nakita pa akong mga studyante sa hallway kaya maaga pa ako bago dumating ang mga prof. Pumasok ako sa room at lumapit ang tatlo.

"Akala namin ay umuwi ka na. Kaso nakita namin ang kotse mo sa parking area kaya alam namin na nandito ka pa."

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now