Chapter 4 - Alyssandra

3.9K 198 6
                                    

Alyssandra Pov

Simulan na naman ng pasukan. Kasabay nito ay panibagong pakikisama sa mga bago mong classmates. Ito lagi ang nagiging problema ko.

Ayoko na masyadong nakikisalamuha o nakikipag-usap sa kanila dahil sa malaking porsyento na marami sa kanila ay plastik o gusto ka lang kaibiganin at kapag nakuha na nag loob mo ay tapos na ang maliligayang araw mo dahil ka na nila lulubayan hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila.

Ngayong araw na ito ay dapat ay magpapakilala ako sa harap ng mga classmates ko pero isang tingin ko lang sa proffesor ko ay alam na niya na hindi ako palasalita kaya siya na ang nagintroduce sa akin at pinaupo na niya ako sa bakanteng upuan.

Naglakad na ko palapit sa designated sit that she gave to me. Nang mapatingin ako sa sa magiging katabi ko ay walang iba kundi si Allen Clyde Zapanta. Isa ito sa mga tinitiliang guy sa campus. Paanong hindi magkakaguluhan ay varsity na nga ng iba't ibang sports ay vocalist pa ito ng isang banda.

Malaki ang magiging problema ko nito dahil baka madamay ako kapag dinumog ito ng mga crazy fans niya. Kaya ang mas magandang gawin ko ay mag-inagt at huwag na lang itong pansinin ng hindi ako biglang sugurin ng mga fans nito.

"Today, I will just give alll of you an assignment then past it to me next meeting."

Naghiyawan sila dahil lang nadismiss ng maaga. Mas gusto pa nilang walang klase pero hindi nila naisip na sayang yung binabayad nilang tuition fee.

"Miss Samonte, sumabay ka na sa akin dahil pupunta ako sa oofice at nang maibigay ko na yung mga namiss mong lessons."

Tumayo na ako para sabayan siyang pumunta sa office niya. Inabot na niya yung mga kailangan ko at umalis na rin ako.

Saan kaya ako pwedeng pumunta?. Pagtingin ko sa watch ko ay 9 am pa lang kaya nagpunta na lang ako sa garden ng makapagbasa. Nakita ko na yung malaking puno at umupo ako sa tabi nito.

Our garden has its greenhouse where you can find the different flowers that planted there. It has also have different kind of trees that's why it is the perfect place for you to have a peaceful place to read.

Ang tahimik ng lugar na ito. Walang masyadong nagpupunta kaya nakakaenjoy magbasa at samahan mo pa ng preskong hangin kaya nakakaginhawa sa pakiramdam.

Nalibang ako sa pagbabasa kaya ng mapatingin ako sa watch ko ay lunch break na kaya nagpunta na ako sa cafeteria. Hindi lang simpleng cafeteria ito dahil napakalaki nito at puro first class ang mga pagkaing sineserve dito. Kaya ang mga price rito ay mas malaki.

Pumasok na ako at pumili na ng pagkain. Binigay ko na yung S.U Card ko. Sa school na ito ay hindi uso ang cash sa pagbabayad kundi credit card na pinoprovide ng school. Lahat ng gastos mo o bibilhin ay gagamitan ng card na to at automatic na ibabawas sayo.

Natigil ako sa paglalakad papunta sa table ko ng harangan ako ng tatlong studyante.

"Hi, I am Coleen. You are Ayssa, right? Pwede bang makipagkaibigan sayo?"

Kilala ko siya. Isa sa popular girl ng school dahil captain ng cheerleading squad. Ang tanong ko ay bakit ito nakikipagkaibigan sa akin? Hindi hamak na mas marami itong kaibigan kesa sa akin at hindi ako kawalan kung aayaw ako.

"Alam mo lahat ng students dito sa kilala ka at marami sa kanila ay gusto kang maging kaibigan. Kaya naisip ko kung magiging magkaibigan tayo ay mas magiging popular tayong dalawa. Pareho tayong magbebenefit sa proposal ko."

Nagpatuloy pa ito sa pagsasalita. Puro lang magagandang katangian nito ang sinasabi. Hindi pa siya nahiya na ang lakas ng boses niya para ibroadcast lang sa lahat.

Isa rin pala ito sa mga plastik at manggagamit pero bulgaran. Hindi pa na kontento kung ano meron siya pati ako idadamay niya. Nasa amin na ang atensyon ng lahat ata ako ang nahihiya sa pinaggagawa niya.

Natigil lang ito ng matamaan siya ng isang studyanteng dumadaan at natapon pa niya yung pagkain.

"Stupid! Ang tanga mo talaga, nerd. Ang laki na nga ng salamin mo hindi mo pa ako nakita. Tinapunan mo pa ako ng pagkaing mahirap mo. Ano ba yang tinapon mo sa akin kapag ako nagkaallergy ng dahil sa pagkaing mahirap mo ipapakulong kita"

Tiningnan ko yung girl na natumba at natapunan rin ng pagkain. Hindi nga galing sa cafeteria yung food na natapon at sa tingin ko ay iiyak na ito dahil sa walang tigil na pagsigaw ni Coleen. Baon niya pa yata yung natapon kaya ang ginawa ko ay nilapitan ko ito at tinulungang tumayo.

"I thought studying in a prestigious school will help you to attain good education and moral values but as i see you right now you missed the last. You wanted me to be your friend because of the things you can get from me and you are not ashamed to say that to me. You knew that it was your fault that her food spilled on you but instead you say sorry, you even insulted her infront of us. Do you think that I want that kind of person to be my friend? I don't think so. You better fix that before your friends realized what kind of behavior you have"

"As for you, don't let others treated you like that. We are all equal in this school so learn to protect yourself from them. Here you can have my lunch, I lost my appetite."

Iniwan ko silang tulala sa cafeteria dahil first time kong magsalita sa harap nila at binigay ko pa yung perception ko. Kailangan nilang matuto para malaman nila yung mga mali nila. Sana naman ay marealize nila lahat ng sinabi ko.

_____________________________________________

PLEASE DO VOTE AND COMMENT :)

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now