Chapter 9 - Allen

3.1K 160 3
                                    

Allen Pov

Naramdaman ko na lang na may dumating kaya naalimpungatan ako at tuluyan na nga akong nagising. At nakita ko siya na naglalakad at umupo sa bench malapit sa punong tinulugan ko.

Hindi muna ako bumaba o gumawa ng ingay para mapagmasdan ko siya. Naglabas siya ng libro at nagbasa.

Kapag tinitigan ko siya ay parang may hindi ako maipaliwanag na nararamdaman ko. Masaya ako kapag nakikita ko siya. Gusto kong marinig yung boses niya at natutuwa ako kapag kinakausap niya ako.

Siguro nacurious lang talaga ako sa kanya dahil ito lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

Nagpalit ako ng pwesto dahil nahihirapan na ako at ang resulta ay may nalaglag na parte ng sanga sa kanya. Patay! Siguradong makikita niya na ako kaya ang ginawa ko na lang ay magkunwaring natutulog para hindi halatang kanina ko pa siya pinagmamasdan.

Paniguradong sigaw na naman ang aabutin ko sa kanya. Ang tagal naman niya magsa—

“ARAY! SINO BA YUNG NAMBATO SAKIN!”   Shit! Nakalog yata yung utak ko. Pagtingin ko ay lIbro yung tumama sa akin. Talaga nga naman na makakalog ang  sinumang tamaan. Ang KAPAL kaya nung libro. Amasona yata ang babaeng to.

“BAKIT MO AKO BINATO NG LIBRO MO!”

“EH BAKIT HINDI KITA BABATUHIN NG DAHIL SAYO LANG NAMAN AY NAPUWING AKO. SA KALIKUTAN MO MAY MGA NALAGLAG NG KUNG ANO SAKIN.”

“NAPUWING KA LANG PERO AKO BINATO MO NG MAKAPAL NA LIBRO!” Hindi naman yata tama yun. Kahit saan pa kaming korte pumunta ay wala siyang laban. Napuwing lang siya pero ako pwedeng mamatay!? Paano kung nalaglag ako at mabagok?

“ANONG NAPUWING LANG KAPAG AKO NABULAG HINDI LANG ISANG LIBRO IBABATO KO SAYO UUBUSIN KO PA YUNG MGA LIBRO NG LIBRARY. BUWISIT KA TALAGA. MALAGLAG KA SANA!” Wala na malala na ang isang to. Meron na bang nabulag dahil sa pagkapuwing?

Umalis na siya pero ako dito lang. Lintek kasing requirements na yan bakit ba lagi akong  nadadamay. Wala naman akong pakialam kung bumaba yung grades ko. Bakit babagsak ka ba kung hindi ka sumali? hindi naman mababawasan lang kaya bakit pa ako magpapakahirap.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now