Chapter 7 - Allen

3.7K 158 3
                                    

Allen Pov

Sumobra yata yung ginawa ko na isumbong siya sa prof. namin. Gusto ko lang naman marinig ulit yung boses niya at ngayon nakuha ko na yung gusto ko, nagalit naman siya.

Ang gusto kong marinig ay yung mahinahon niyang boses at hindi yung sigaw niya. Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko kahit nagalit na siya sa akin pero ang prolema ko naman ay paano pahuhupain yung galit niya.

“Uhmm…..Alyssa.” hindi man lang ako nilingunan.

Binigay ko sa kaniya yung activity namin at kinuha niya lang. Nagsulat ako sa notebook ko ‘Galit ka ba?’ tapos ipinakita ko sa kanya. Hindi man lang tiningnan.

Ginawa ko na ang lahat ng pagpapapansin. Nag-ingay na ako, hinulog yung notebook niya na kinuha niya lang sa sahig at kinalabit ko na siya pero wala pa ring epekto.

Natapos na yung klase namin at uwian na. Pagkalabas ko ng room ay inakbayan ako ni Cameron.

“Ang galling ng scene ninyo ni Alyssa kanina.”

“Oo nga biruin mo sa maikling oras lang napagsalita mo siya. Iba ka talaga, Allen” ginatungan pa ni Kester.

“Magsitigil nga kayo. Nagalit nga sa akin yung tao. Ano ba ang ginawa ko at ganun na lang yung reaksyon niya?”

“Alam mo Allen kahit sino naman ay magagalit sa ginawa mo. Isumbong mo ba naman sa  prof. natin na ayaw kang kausapin at ininsulto mo pa siya sa buong klase na isa siyang mute at nagpapanggap pa siyang ganun so her reaction is like that. Maiba nga ako Allen bakit ba parang apektado ka kay Alyssa?” sermon ni Jared sa akin.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now