Chapter 17 - Allen

2.8K 115 0
                                    

Pasensya na sa mga readers ko sa story na to. Ang tagal kong hindi nakapag-update. :( Sorry talaga. Masyado ng nalate ang POV ni Allen. Leave a comment kung nagustuhan niyo ang chapter na to.

My other stories:

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

************

Allen POV

Napansin kong natigilan si Alyssa sa sinabi ko sa kanya. Kilala niya rin ba si Alyssandra? Katulad ko rin ba siyang humahanga sa kanya.

"Alyssa?" Kahit tinawag ko na siya ay hindi pa rin niya ako pinapansin kaya hinawakan ko siya sa balikat at bahagyang inalog.

"Anong sinabi mo?" Hindi niya ba narinig ang pagtawag ko sa pangalan niya.

"Bakit nanahimik ka ng sabihin ko kung sino ang singer na pinapakinggan ko? Kilala mo ba siya?" Umiwas siya ng tingin at hindi na ako pinansin. Nagbago na naman ang mood niya.

"Gusto mo bang pakinggan ang mga kanya ni Alyssandra? Tatanggalin ko na lang itong headset ko para mapakinggan mo rin." Hindi siya sumagot kaya ginawa ko na lang. Itinabi ko ang headset ko sa bag at pinatugtog ang cellphone.

Nakayuko lang si Alyssa. Hindi naman siya magagalit sa ginawa ko dahil sinabi ko naman bago ko ginawa.

"Gusto mo ba talaga ang mga kanta niya?" Tumingin ako sa kanya.

"Oo naman. Gusto ko rin na makita siya na wala ng harang na maskara sa mukha niya para makita ko kung sino ang tao sa likod nito." Tumingin siya at napansin kong kakaiba ang tingin na binibigay niya sa akin.

"Paano kung ayaw niyang magpakita sa ibang tao at gusto na lang niyang itago kung sino talaga siya. Hahangaan mo pa rin ba siya kung iyon ang gusto niya?"

"Siguro. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya, di ba? May dahilan siya kung bakit ayaw niya at kailangan iyon tanggapin ng ibang tao kung talagang hinahangaan nila ang isang tao." Napansin kong napangiti ito. May nasabi ba akong ikinatuwa niya?

"Good morning!" Napatingin kami sa bagong dating. Yung kaibigan pala ni Alyssa.

"Good morning. Bakit ngayon ka lang, Karissa?" Dumeretso ito sa upuan na malapit sa amin at umupo.

"Nalate kasi akong gumising kaya ngayon lang ako. Ikaw na naman ba ang nauna? Lagi ka na lang pumapasok ng maaga kahit wala ka naman ginagawa dito."

"Wala naman akong ginagawa sa bahay at sanay na rin naman akong gumising ng maaga." Napansin ko lang na siya lang ang kaibigan ni Alyssa mula ng maging kaklase namin siya.

"Good morning, Allen!" Ngayon niya lang ba napansin na nandito ako.

"Good morning."

Ilang minuto pa ang lumipas at nagsidatingan na rin ang iba pa naming classmates kaya hindi na ulit kami nakapag-usap ni Alyssa.

Dumating na rin ang professor namin kaya nagsimula na ang klase. Wala akong ganang makinig sa kanya dahil maaga akong nagising at inaantok pa ako. Kailangan kong maunahan si Alyssa sa pagpasok kaya masyado akong napaaga sa pagpunta rito.

Inaantok na ako kaya yumuko ako sa upuan ko at ginawang unan ang mga braso ko. Hindi naman ako kita sa lugar namin dahil sa bandang likod kami at malaking tao ang nasa harap ko kaya natatakpan ako.

Lumingon ako kay Alyssa at nakitang nakikinig sa professor namin. Masyado siyang seryoso. Hindi ba siya gagawa ng isang bagay na mali sa paningin ng iba. Pinikit ko na ang mga mata ko para makatulog na.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now