Chapter 26 - Allen

3.5K 113 20
                                    

Salamat sa paghihintay. 😊 Hindi ko pa nacheck ito kung may mali. Pasensya na kung may makita kayo.

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Hindi ko pa rin binibitawan ang babaeng kayakap ko ngayon. Wala na akong pakiaalam kung magalit na naman siya. Gusto kong malaman niya na nagseselos ako sa kasama niya. Gusto ko ng ibato ang kahit anong madampot ko sa lalaking kasama niya kanina para matigil na sa pagdikit sa kanya.

Kung hindi lang ito nakasaklay at pilay. Hinatak ko na ito para lumayo kay Alyssa. Nagpipigil lang ako at kinausap ako ng mga kaibigan ko na huwag ng patulan kung ayaw kong hindi na makalapit sa kanya.

"Tigilan mo ko, Allen. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Bakit ka magseselos sa taong gusto kang lumayo?"

"Ikaw ang gustong lumayo ako! Kung ako lang ang masusunod, kahit magalit ka pa sakin lagi pa rin ako sa tabi mo!"

"You know what, you are serious about our deal! Forget it and move on in your life. Ayoko ng ituloy yon para bumalik na sa dati ang buhay ko."

Pumiglas ito kaya nabitawan ko siya. Hindi ako papayag sa gusto niya. Sinimulan namin ang deal na kaming dalawa ang nagdesisyon noon kaya kapag isa sa amin ang hindi pumayag, hindi mapuputol iyon.

"Hindi matatapos ang deal na yon, Alyssa. Hindi lang ikaw ang nagdesisyon kaya kapag ayokong matapos, walang kang magagawa."

"Hindi ko na alam kung anong iisipin ko sayo! Dati ayaw mong pumayag tapos ngayon gusto mo pa rin maging pet ko! Wala na rin naman silbi ang suot mong collar kung hindi ko sumusunod."

Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi niya ako pinigilan. Kapag nagagalit talaga siya, hindi ko masabayan. Kailangan kong pabayaan siya para makausap ko pa siya.

"Susunod na ako basta bumalik lang tayo sa dati."

"How about the kiss you stole again?! I would not let that pass again. Ikaw na nga ang first kiss ko tapos inulit mo na naman!"

Wala akong maikatwiran. Kapag talaga nagagalit ako, nagagawa ko ang mga ayaw niyang gawin. Minsan kasi naiinis na rin ako sa ugali niya pero hindi ko na dapat pinatulan kaya napunta na naman kami sa ganitong sitwasyon.

"Hindi ko na uulitin, Alyssa. Please, bumalik na tayo sa dati. Bumalik ka na sa akin."

Natigilan siya. Sana naman pumayag. Ngayon lang ako nagplease sa isang babae maliban sa mommy ko o sa kamag-anak namin.

"Lalayo ka pa rin sakin, Allen. Babalik tayo sa dati pero may distansya na."

"Okay."

Papayag ako ngayon pero hindi ko naman susundin kapag nagtagal. Makakalimutan naman niya kung ano ang pinag-usapan namin ngayon basta makakalapit na ako sa kanya.

Bumukas ang pinto. Ang sama ng tingin na binigay ko sa taong istorbo sa amin. Kanina pa ako nagpipigil pero ngayon na ang lapit lang ng taong nagsabing boyfriend siya ni Alyssa, gusto kong itapon sa malayo ang saklay nito at ikulong sa isang classroom para hindi na makalapit.

"Baka pwede ko ng makuha ang girlfriend ko, pare. Bitawan mo na rin ang kamay niya. Masyado ka naman nag-enjoy sa paghawak sa kanya."

Binitawan ko ang kamay ni Alyssa at lumapit ito sa kanya. Ayoko talgang naririnig na tawagin niyang girlfriend siya. Hangga't walang sinasabing sila talaga, mananatili ang inis ko sa lalaking ito.

"Anong ginagawa mo dito?! Gusto mo ba talagang lumalala ang paa mo!"

"Hinanap na kita kasi ang tagal mong bumalik. Nag-aalala na rin ang kaibigan mo at tinatanong kung nasaan ka kaya hinanap na kita."

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now