Chapter 12 - Alyssandra

2.9K 114 0
                                    

Alyssandra POV

Maaga kami umalis ni Aldrion para sa photoshoot namin. Iisa na lang yung ginamit naming sasakyan dahil iisa lang rin naman yung pupuntahan namin. Wala akong alam kung para saan yung photoshoot kahit itong kapatid ko ay walang alam. Mamaya pa raw namin malalaman dahil hindi rin daw sinabi sa kanya ni auntie.

" Para saan na naman kaya yang photoshoot? "

" Hindi ko rin alam sis. Ang sabi lang ni auntie meron ngayon tapos wala na. "

" Hindi kaya para sa music magazine. Lagi yun ang ginagawa natin. "

" Baka nga. Kung yun pa rin maaga tayo matatapos nito. "

Nakarating na kami sa building na pinadala sa aming address. Its time to work again. Tiningnan ko yung building at katulad lang siya noong nasa states kami para magphotoshoot rin. Bago ako bumaba ay sinoot ko muna yung mask ko at pumasok na kami.

Nakita naming si auntie na naghihintay sa labas ng isang pintuan. Siguro dun kami kukuhanan. Napansin kami ni auntie na paparating at sinalubong na niya kami.

"Mabuti ay nakarating kayo ng maaga. Pumunta muna tayo sa office. Para mapirmahan niyo yung kontrata para sa magazine."

Sumunod na lang kami ni Aldrion. Pagkapasok namin ay nakita ko ang isang babae na nakaupo sa swivel chair. Siya na siguro yung makakausap namin kung tungkol saan ba yung photoshoot.

"Good morning, miss Santos. Ito nga pala si Aldrion at Alyssandra Heart."

"Good morning rin. Maupo muna kayo para madiscuss na natin tungkol saan yung photoshoot." Naupo na kaming lahat.

"The theme of the photoshoot is teens. So I just want the both of you to act normal infront of the camera. Show your carefree side and just think that you're not a celebrity this time"

This is new. Madali lang naman pala. Kaya na namin ni Aldrion to.

"Ms. Heart can you take off your mask during the photoshoot?" Napatingin ako sa kanya at tinitigan siya. Is she kidding me? Kaya nga ako nagsusuot nito para magkaroon ako ng privacy tapos gusto niya pa na ipakita sa lahat kung sino ako sa likod ng mask ko.

"Excuse me, Ms. Santos pero hindi pwedeng gawin ni Alyssandra ang sinasabi mo."

"Pero mas mapapaganda natin ang magazine kung makikita ng lahat ang mukha ni Alyssandra behind her mask."

"Ms.San-"

"Ms.Santos I can't take off my mask. This is the only way for me to preserve my privacy."

Mukhang naintindihan naman niya yung gusto kong sabihin kaya hindi na siya nagpumilit. Nagpirmahan na kami ng kontrata at sinamahan niya na kami sa studio.

Pagkarating namin ay nakahanda na lahat. Yung mga damit at make-up artist. Mga spotlight at napansin ko na may sofa sa gitna. Siguro yun ang gagamitin namin.

Pinapasok na kami sa dressing room para makapagpalit. Iisang dressing room na lang kami kasi meron naman sa side ng room na palitan ng damit kaya ok lang samin na magsama ni Aldrion.

Yung pinasuot sakin ay skirt at black tube na pinapatungan ng sleeveless na maong na jacket. Pinasuot rin sa akin ang isang white doll shoes. Pagtingin ko kay Aldrion ay nakav-neck na T-shirt at rip maong pants.

Kinulot nila yung dulo ng buhok ko at kay Aldrion naman ay pinataas yung buhok niya.

Lumabas na kami at nagsimula na ang photoshoot. Kung anu-anong pose ang pinagawa sa amin. Akala ko pa man din mabilis matatapos kaso naman mas mahigpit sila. Nakakapagod na.

Ilang shots pa ang pinagawa at pinatigil na rin kami ng photographer dahil may nakuha na daw silang magandang angle namin. Lumapit kami ni Aldrion sa namamahala ng mga nakukuhang picture namin. Nakita ko na meron kaming kuha na nagbabatuhan ng throw pillow, magkatabing nakaupo sa sofa at nakangiti sa isat-isa,meron rin na may hawak si Aldrion na gitara na nakatingin sa akin na parang kinakantahan ako at marami pang iba. Kaya siguro pagod na pagod kami dahil hindi ko na mabilang kung nakailang shots kami.

"This is the photo that we will put in the cover of the magazine" napatingin ako sa photo na sinasabi ng photographer. Napangiti ako ng makita ito. Si Aldrion ay nakaupo sa sandalan ng sofa habang nakayakap sa akin mula sa likod at ako naman ang may hawak ng gitara habang parehas kaming nakangiti.

"Ang ganda sis. Napakita natin kung gaano tayo kaclose na magkapatid" nginitian ko siya bilang sangayon sa sinabi niya.

Natapos na rin kami at dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain. Hapon na rin kaya hindi na kami aabot kahit gusto man namin humabol sa school. Magpapahinga muna ako para makapasok ako bukas.

Papunta na ako sa classroom namin at mukhang napaaga ako. Pagbukas ko ng pinto ay inaasahan kong wala pang tao pero mali ako nandito siya si Allen. Umupo muna ako sa ibang upuan malayo sa kaniya kasi ayokong lumapit sa kanya baka ano na namang gawin niya.

"G-good morning."

"A-alyssa s-sorry pala noong i-isang araw" bahala ka sa buhay mo. Manigas ka dyan dahil hindi kita kakausapin kahit anong gawin mo.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako?"

Tiningnan ko siya kung totoo ba yung sinabi niya ng makita kong seryoso siya ay napangiti ako. Nakaisip na ako ng idea paano ako makakaganti sa kanya.

"Gagawin mo talaga ang lahat para mapatawad kita?"

"Oo" desidido talaga siya.

"Magkita tayo sa garden mamayang para masabi ko sayo ang dapat mong gawin" he just nodded.

Nandito na ako sa garden at hinihintay si Allen napatingin ako sa hawak ko na ipapasuot ko sa kanya. Dito ko masusubukan kung gaano ka kaseryoso Allen.

"Kanina ka pa?" Nandito na pala siya.

"Hindi naman. May isang salita ka naman siguro Allen."

"Oo tutupad ako sa usapan natin"

Inabot ko na sa kanya yung hawak ko at hinihintay na lang ang magiging reaction niya.

"ARE YOU KIDDING ME!"

"Nope and I'm serious"

Nakita kong nagpipigil siya na sigawan ulit ako at ako naman ay nagpipigil na tumawa. I just gave him a dog collar.

You will be my pet, Allen.

_______________________________________
Sorry for late update guys and check my other stories. Thanks for the support. Love you all.

Please do vote, comment, and follow me.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now