Chapter 5 - Allen

3.6K 169 5
                                    

Allen Pov

Papunta na siya sa direksyon ko para umupo sa tabi ko. Bakit ganito ang epekto ng tingin niya sa akin. hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Bago siya umupo ay tiningnan niya ulit ako at bakit ba kinakabahan.

Umupo na ito at sa harap lang ito nakatingin. Meron ba itong nakitang mali sa akin? Ano ba ang ibig sabihin ng pagtitig niya kanina?

Nagannouncelang ang professor namin ngayon kaya lumabas na rin kami ng classroom pagkatapos umalis nila.

"Pare saan tayo tatambay ngayong break pa natin?" tanong ni Kester.

"Bro doon na lang tayo sa covered court. Aalm ko ngayon ang mgha try-outs ng ibat ibang sports. Siguradong marami na namang babaeng magtatry-out niyan."

"Tigilan mo nga yan kakababae mo, Cameron. Wala ka ng inatupag kundi magpapansin sa kanila. Magsuggest ka naman na hindi lang ikaw magbebenefit sa idea mo."

"Hoy! Jared, hindi ako nagpapansin sa kanila. Lapitin lang talaga ako ng mga babae kaya no need for that. Paano pa kaya kung magpapansin ako. Lalo pa silang dadami at hindi lang ako magbebenefit pati na rin naman si Kester. Kayo lang naman ni Allen ang kj diyan."

"Tama ka sa sinabi mo, Cameron. Sinusuportahan kita sa adhikain mong pangalagaan ang interes ng mga kababaihan."

"Ginatungan mo pa, Kester. Allen, saan ba tayo tatambay ngayon?"

Salamat namanat natapos na rin ang bangayan ng tatlo at ako na rin ang nagdecide saan kami pupunta. Napagdesisyunan kong sa field na lang dahil meron sa side nitong bench at malaking puno kaya pwede rito dahil malilim.

"Ang suwerte mo naman kanina Allen. Nakatabi mo si Alyssa."

"Oo nga pare. Ang suwerte mo. Ang balita ko malaking porsyento ng population ng studyante dito sa  school ay gustong mkalapit o makipagkaibigan sa kaniya pero ikaw katabi mo pa."

"Ano namang suwerte dun. Hindi naman nagsasalita yun para nga akong walang katabi. Narinig niyo na bang magsalita yun? o kaya naman pipe talaga ang isang yun kaya hindi nagsasalita."

"Ang alam ko ay hindi siya pipe dahil kung ganunnaman siya paano siya nakakasali sa ibat ibang competition na kinakailangan mong magsalita. Kaya hindi siya puwedeng maging pipe baka naman may dahilan kung bakit siya ganun."

"May tama ka dyan pareng Jared. Halos lahat ng students iniisip na pipe si Alyssa pero marami pa rin ang nagkakagusto sa kaniya."

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now