Chapter 14 - Alyssandra

3.4K 115 1
                                    

Finally nakapag-update na ako sa story na ito. Sorry sa sobrang late na update. Nakalimutan ko na siya. Hehehe...pero ipapagpatuloy ko na ang update nito. Thank you sa mga naghintay. Please check my other stories.

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***************

Alyssandra POV

Naglalakad na ako sa hallway para makarating na sa classroom. Kahapon ang daming nangyari at ang pinaka- nagustuhan ko ay pagpayag ni Allen sa gusto ko. Akala ko hindi siya papayag. Iaatras ko na sana yung plano ko kaso nainis ako sa pagrereklamo niya. Para kasing babae kung makapagreklamo.

Binuksan ko na ang pinto at ako pa lang ang tao. Pumunta na ako sa upuan ko at nilabas ang headset ko. Nagtataka ako kung bakit wala pa si Karissa?

Magkikita naman kami kaya mamaya ko na lang siya tatanungin. Inaantok pa ako kaya matutulog na muna ako. May oras pa naman.

**************

Naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin. Hindi ko sana papansinin kaso habang tumatagal ay lumalakas ang pagyugyog nito. Nahihilo na ako sa ginagawa ng kung sinumang taong gusto yatang bigyan ako ng headache sa paraan ng paggising sa akin.

"ANO BA TIGILAN MO NA NGA ANG PAGYUGYOG SAKIN!" lumingon ako sa gilid ko at nakita na si Allen ang may gawa. Nakakunot ang noo nito. Aba! siya pa ang may ganang sumimangot.

"Ano bang problema mo?" Kainis. Panira ng tulog. Ang sarap niyang sakalin.

"Hindi ka dapat natutulog dito. At kanina pa kita ginigising pero ayaw mong gumising."

"Bakit ba! Gusto kong matulog kaya wala kang magagawa!" Ipagpatuloy ko na lang ang naudlot kong tulog. Kaso papayuko pa lang ako ng hawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa gagawin ko.

"Kailangan nating mag-usap hangga't wala pang tao. Pag-usapan na natin ang mga dapat kong gawin sa deal natin"

"Hindi ba mapaghihintay yan? Marami pang oras. Mamaya na lang tayo mag-usap"

"Hindi ngayon na!" Tiningnan ko siya ng masama. Masyado siyang demanding, sino ba talaga ang master sa aming dalawa, ako o siya?

"Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan? Nasabi na naman natin ang mga dapat gawin sa deal natin kahapon. Meron pa bang pagbabago sa mga rights mo?" Ano pa ba ang gusto niyang idagdag.

"Gusto ko lang malaman kung ano ba ang dapat kong gawin kapag nagsimula na ang deal natin mamaya." Napatingin ako sa kanya. Bakit masyado siyang excited?

"Lahat ng iuutos ko sayo ay gagawin mo. Hindi ka pwedeng magreklamo or else may parusa sa bawat pagsuway mo sa gusto ko. Nasagot ko na ba ang gusto mong malaman?"tumango ito. Mabuti at nagkaintindihan na rin kami.

*****************

Papunta na kami sa cafeteria. Kasama ko ngayon si Karissa at hindi ko siya hahayaang kumain sa kung saan at kailangan na rin niyang masanay na ang tamang lugar para kumain ay sa cafeteria. Kahit alam kong hindi maganda ang huli niyang punta rito pero sasamahan ko naman siya.

"Alyssa hindi ako bagay dito. Baka may matapunan na naman ako katulad ng nagawa ko kay Colleen. Ayaw kong madamay ka pa kapag nangyari yun"

"Hindi na mangyayari yun, Karissa. Kasama mo naman ako ngayon kaya huwag mo ng isipin yun.Ok?" Kahit alam kong may alinlangan pa rin siya pero hindi na siya tumutol.

Pagkapasok namin ay naghanap na kami ng bakanteng table. Dumarami na rin kasi ang studyante dahil lunch break na rin ng ibang courses. Binuksan na niya yung baon niya. Mukhang masarap na naman yung dala niya.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now