Chapter 16 - Alyssandra

3.1K 119 0
                                    

Sa mga readers ko sa story na to. Salamat sa paghihintay :). Yung real singer na ginamit kong title ng kanta sa chapter na to ay si Keiko. Gusto kong iklaro baka mademanda ako. Huwag naman sana. Comment kayo kung nagustuhan niyo ang chapter na to.

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

**********

Alyssandra POV

Magmula ng mangyari ang eksena namin sa mall ay hindi na ako tinigilan ni Allen. Kahit saan man akong magpunta ay sinasamahan na niya ako kahit hindi ko sinasabi sa kanya.

Naninibago ako sa kanya. Parang hindi na si Allen yung dating kilala ko na laging iniinis ako at hindi sumusunod sa mga inuutos ko.

"Alyssa, saan ka pupunta?" Nandito na naman siya sa tabi ko. Wala ba siyang ginagawa at ako na lang ang laging kasama niya.

"Wala ka bang gagawin, Allen?" Umupo lang siya sa tabi ko. Nasa garden ako ngayon at nakaupo sa isa sa mga bench dito. Wala kaming klase ngayon kaya nagbabasa ako ng libro.

"Wala naman"

"Walang kang pupuntahan? Baka may lakad kayo ng barkada mo kaya puntahan mo na sila" tumingin siya sa akin.

"Bakit pakiramdam ko ay ayaw mo akong nasa tabi mo, Alyssa. Hindi mo ba ako gustong kasama kaya pinagtutulakan mo akong umalis?" Hindi na kasi normal ang ginagawa niya.

"Bakit kasi lagi kang sumasama sa akin? Tapos kahit hindi kita utusan ay ginagawa mo na yung mga gagawin ko pa lang. Hindi ako sanay sa mga ginagawa mo. Ang kilala ko kasing Allen ay masungit at laging akong iniinis bago siya sumunod sa akin"

Tinitigan niya ako, "Hindi na ba pwedeng magbago ang isang tao? Kapag nalaman mo ang halaga ng isang tao ay magbabago ang pananaw mo sa buhay, Alyssa."

"Sino ba ang taong tinutukoy? Kung ganoon pala kaimportante sayo yung taong yon ay dapat pumunta ka na sa kanya. Hindi kita pinipilit na samahan ako kung may ibang tao ka naman palang pinahahalagahan ngayon" bumalik na ulit ako sa pagbabasa.

"Katabi ko na yung taong sinasabi ko kaya kahit ipagtabuyan niya ako ay mananatili pa rin ako sa tabi niya." Natigil ako sa pagbabasa. Ano na naman ba ang sinasabi niya?

"Allen, maghanap ka na lang ng taong bibiruin mo dahil wala akong panahon na sakyan yang mga sinasabi mo"

"Seryoso ako sa mga sinabi ko kaya masanay ka na laging nasa tabi mo ang isang Allen Clyde Zapanta" he smiled and I felt something that I can't explain when he smiled.

**********

Nakikinig ako ng music sa loob ng room ko ng pumasok si Aldrion. Hindi ko pa siya mapapansin kung hindi niya lang tinanggal ang headset ko sa ulo ko. Nakangiti siya kaya nagtaka ako kung bakit siya pumunta rito.

"What do you want?" He pouted. He looks like a duck whenever he do that.

"Stop pouting your lips. Its not cute, Aldrion. You looks like a duck rather than a cute guy"umupo siya sa kama ko kung saan ako nakaupo at tinabihan niya ako.

"Ang harsh mo naman sa kambal mo. Kung mukha akong bibe, ikaw rin! Magkamukha kaya tayo."

"Hindi ko naman ginagawa yan. Ikaw lang naman ang laging gumaganyan sa ating dalawa"

"Bakit ikaw lang ang nagsabi niyan! Yung mga fans ko ay gusto ang pagpout ko pero ikaw nilait mo pa ako." Utu-uto kasi siya at laging naniniwala sa mga fans niya. Hindi naman siya mukhang bibe. Gusto ko lang siyang inisin kaya sinabi ko yun sa kanya.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now