K A B A N A T A 11 //

478 11 10
                                    

Never Friends

The rest of the day went by quickly.

Parang isang iglap lang, gabi na at oras na para maghanda kami. Alam nina Kriessa na wala akong damit na dala kaya pinahiram nila ako. 'Yun nga lang, medyo revealing ang lace top na binigay sa 'kin atsaka kapit na kapit ang skinny jeans. Medyo may kataasan din ang black pumps ni Bea. Pero tuwang-tuwa naman sila sa kinalabasan ng itsura ko kaya siguro okay na rin.

Kakaiba ang party ni Casper. Akala ko kasi sa bahay niya mismo, pero frat house pala ang tinutukoy nina Kriessa. Hindi ko nga alam na may ganitong lugar pala sa university namin. Puro wild ang mga tao at medyo naiintimidate na ako pero ayoko namang magpahalata.

"Ang ingay! Doon lang kami ni James sa labas ah." Pagpapaalam ni Jules.

"Sige, okay lang." Ngumiwi ako. Mag-isa na lang ako sa bar at tahimik na sumisipsip ng beer.

Kanina pang nawala sina Liz at Bea sa dancefloor. Si Kriessa at Gab naman ay seryosong nag-uusap sa isang sulok. Naiwan ako ditto na parang tuod, halatang hindi belong.

"You alone, Erin?" Isang pamilyar na lalaki ang umupo sa kaninang pwesto ni Jules. Pamilyar siya pero hindi ko maalala ang pangalan.

"Uh, oo eh." Kaswal na sagot ko.

"Ako si Lance, ka-org mo sa Red Cross, remember?" He smiled lazily. "Medyo weak ka pagdating sa pag-alala ng names no?"

"Ah, yeah. Sorry."

Kinausap lang ako ni Lance tungkol sa kung ano-ano. Naikwento niya ang nangyari after ko umalis noong basketball game pero agad kong iniba ang usapan. Ayokong mapadpad sa mga topic na maaaring mabanggit si Aeron. Umiinit ang ulo ko at I swear, nararamdaman ko ang pagtaas ng blood pressure ko.

"Sobrang iba ka pala sa first impression ko." Natutuwang sabi ni Lance.

"Huh?" I asked. "Bakit, ano bang akala mong ugali ko?"

"Wala. Medyo mataray, I guess. 'Yung mga kaibigan mo kasi puro It Girls. And, pansin ko na binabantayan ka ni Severino. Kaya walang lumalapit na lalaki sa 'yo."

"Guni-guni mo lang 'yun. Hindi ganon si Gab at iba sina Kriessa." Nakangiti kong sagot.

"Siguro nga." He shrugged. "Pero ganoon talaga ang akala ko."

May kumalabit sa akin at nakita ko namang si Casper iyon. Malapad ang ngiti niya at mukhang may tama na siya. Gulo-gulo pa ang buhok niya at may nakahawak na babae sa bewang niya na para bang linta.

"Erin, kailangan naming ng dalawa pang players. G?" Tanong niya.

"G?" Nagtatakang tanong ko. Ano 'yun?

"Yes! Sabi na nga ba, Game ka. Punta kayo 'dun." Tinuro niya ang isang table na nakaset-up para sa beerpong.

Hindi ko naintindihan kung ano ang nangyari pero mukhang okay lang naman kay Lance na maglaro kami kaya kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako papunta doon. Medyo masikip ang daan dahil sa dami ng tao kaya hinapit ni Lance ang bewang ko at nilapit ako sa kanya.

"Grabe, ang sikip no?" Natatawang sabi niya. "Sorry ah, baka kasi mabastos ka ng iba. Alam mo naman."

"Hindi, okay lang." Natawa ako sa pamumula ng pisngi niya. Na-touch ako dahil may pagka-gentleman pa rin siya.

"Kung tapos na kayong maglandian diyan, baka pwede na nating simulan ang game?" Isang mataray na boses ang pumutol sa usapan namin.

Lumingon kami at namataan ko agad ang mahal na prinsipe na prenteng nakaupo at napapalibutan ng mga babae. Angat ang gwapo niyang mukha at ang magulo niyang buhok. Lalong pumula ang labi niya at kahit mukha na siyang lasing, hindi ko maitanggi na ang gwapo niya pa rin. Kitang kita ko ang hulma ng katawan niya dahil sa fit na white shirt niya. Ang isang babae ay humahalik-halik pa sa leeg niya ngunit ang buong atensyon niya ay nakatuon sa kamay ni Lance na nakahapit pa rin sa bewang ko. Inirapan ko na lang siya.

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon