Say It Again
Natutulog pa ako ng maramdaman kong parang lumubog ng konti ang kama ko at may humila ng kumot. Kumunot ang noo ko. Saturday naman ngayon, bakit parang may naga-attempt na gisingin ako?
Naramdaman kong may brasong pumulupot sa bewang ko at may malamig na hiningang tumama sa leeg ko, dahilan para kilabutan ang buo kong sistema. Teka, nananaginip ba ako?
"Aeron?" Medyo inaantok kong sabi.
"Mm-hmm." Lalo niyang hinigpitan ang kapit niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Sinubukan kong kalasin ang yakap niya pero sadyang mahigpit ito.
"Nagpaalam ako kay Kuya Ezekiel." He lazily answered. "Sabi ko itatanan na kita."
"Ano?!" Hinampas ko siya.
"Joke lang. I said I wanted to take you out on a date. Tapos sabi niya gisingin daw muna kita at magpaalam din daw ako sa 'yo." He grumbled. "Ka-conference call niya ngayon sina Kuya Axcel at Kuya Matt mo, pati sila hinihingan ng permission."
I facepalmed. Pinagkalat ba naman ni Kuya Zeke ang first date ko? The shame.
"Ugh, tara na. Babangon na ako bago pa kung ano ang isipin ni Kuya Zeke." Sabi ko. Tumayo na rin si Aeron at inayos ang buhok niya.
He looked nice today. Okay, more than nice. Nakaplain black shirt, jeans at may beanie din siya. Kahit gulo gulo ang buhok niya ay bumagay pa rin ito. Or maybe, it's because he's always been so damn attractive anyway.
"Will you go on a date with me?" He asked.
"Do I have a choice?" Tanong ko habang naghahanap ng dress sa closet ko. Buti na lang at madami akong ganun kasi addict ang mommy ko sa pagshoshopping para sa akin.
"You always have a choice, Erin." He said. "I just want to hear you say it."
Hinarap ko siya at nakita kong nakaupo siya sa kama ko at kaswal na pinapanood ang ginagawa ko.
"Don't wear that." Sabi niya sabay turo sa short red dress na hawak ko. "Baka mapaaway pa ako."
"Mapaaway? How?" I asked. "Eh, maganda 'tong dress na 'to eh."
"It's short." He pointed out. "And you have long legs. Boys will look at you and I won't like that. Baka makatusok ako ng mata mamaya."
"Then what do you want me to wear then?"
"Maligo ka na. Ilalagay ko sa kama mo 'yung gusto kong suotin mo." He grumbled.
Sinunod ko na lang ang gusto niya para matapos na ang usapan. Knowing him, makakahanap pa rin naman siya ng paraan para mapasunod ako kapag nakipag-away pa ako.
"Lumabas ka after mong makapili ng damit ko ah." I warned him. "At huwag na huwag mo akong sisilipan sa banyo. I-lolock ko 'to!"
"Psh, kapag naging husband and wife tayo, I'm pretty sure makikita ko rin yan." He grumbled.
"Ano?" I glared.
"Wala. Oo na, lalabas na po ako."
I shook my head.

BINABASA MO ANG
Cold as Ice
Teen FictionUnang tingin pa lang ni Erin sa kanya ay alam niya nang may kakaiba dito. Yes, he was handsome and Erin was very, very attracted him. But she knew there was something wrong about him. He may be a walking sign of perfection but his heart is as dead a...